Mabilis kong nilagay ang ilan ko pang gamit sa aking shoulder bag. Tumingin ako sa buong kwarto at baka may nakalimutan pa ako na dalhin. Aalis na kasi kami at pupunta sa bahay ng kanyang ama na si Crius. Medyo natutuwa ako dahil aalis na ako sa bahay na ito at aalis na rin si Corbin bukas at matagal-tagal pa siyang babalik. Sana pag bumalik na siya ay bumalik na sa dating asawa ko na pinakasalan ko. “THEIA! Ano ba! Ang tagal mo na dyan!” narinig ko na sigaw ni Corbin. Napa-roll ang aking mga mata dahil sa irita. Kinuha ko pa ang isang handbag at lumabas na ako ng kwarto. Ni-lock ko ito at mabilis akong bumaba sa hagdan. “Ano pa bang ginagawa mo? Ang bagal mong kumilos!” hinablot niya sa akin ang hawak kong handbag at lumabas na siya ng bahay. Chineck ko ulit ang mga bintana at iba pang

