Nagpatuloy ako sa pagpasok sa aking trabaho at ginawa ko ang lahat ng pinapagawa ng aming boss. Actually, parang ako lang ang kinakausap niya at ang mga ibng babae na kasama ko ay masama na ang tingin sa akin. May crush kasi sila sa bago namin na boss at mukhang naiinggit sa akin dahil ako lagi ang kanyang pinatatawag sa kanyang opisina. Minsan nga dumating siya na may dalang starbucks coffee at binigay niya sa akin ang isa. I don’t know, iba ang trato niya sa akin compare sa mga kasama ko. Pero dahil maganda ang pakikitungo niya sa akin, hindi katuld ng dati kong boss, mas lalo pa akong ginanahan sa aking trabaho. Hindi na gaanong masakit ang aking injury sa aking tagiliran at gumagaling ito ng maayos dahil na rin sa pag-aalaga sa akin ni Eros. siya pa rin ang naghahatid at sumusundo sa

