Tumigil lang si Apollo sa pagpaparusa niya sa kanyang anak nang may dumating ng pilice at ambulance. Bumaba ang isang lalake sa police car na kasing laki ni Aopollo at mga kasama niya. Nag-iisa lang ito at nang makita nito ang nangyari, napailing lang ito. Napatingin si Apollo rito at nagbatian silang dalawa. Nagtaka naman ako kung sino ito at tinitigan ng mabuti ang lalake. Tumingin ito sa akin at tumango. Napakurap naman ako dahil may pagkakahawig sila ni Apollo. Teka, may kapatid ba siya? Tumingin rin ako kay Arlo na wala ng nalay at duguan na nakahiga sa daan. “BABE!!!” tili ng babae na kasama niya kanina at nilapitan nito ang lalake. Sa ginawa ba naman ni Apollo, sino ba naman ang hindi mawawalan ng malay. Isa pa, hindi siya hinuhuli ng police at mukhang magkakilala sila. Dinaluhan

