Ilang araw ang nakalipas simula nang makaalis ang aking asawa. Nakasakay na siya sa barko at nasa dagat na sila as he said nang minsan niya akong tinawagan. Agad ko siyang kinumusta at kung mababait ba ang mga kasama niya sa kanya. He said na para na silang pamilya rito pero hindi pa siya nasasanay sa buhay marino. Lalo na at nasa dagat sila at gumegewang talaga ang barko pag malakas ang alon. Naririnig ko sa boses niya na masaya siya kaya naman napanatag ako. He also told me na baka matagal na makatawag na siya ulit kaya lagi niyang sinasabi na alagaan ang sarili ko at huwag siyang alalahanin. Nag-usap din silang mag-ama, gabi na rin kasi ‘yon and we were making out nang tumawag siya. Na-guilty ulit ako syempre, pero wala na rin naman akong magagawa dahil nasimulan ko na rin naman ito.

