Maaga akong nagising para magluto ng breakfast, pero pagdating ko sa kusina, nakita ko na si Charis doon na nagluluto na ng pagkain namin. Lumapit ako sa kanya at napangiti ito nang makita niya ako. Binati ko ito at gano’n din naman ang ginawa niya. Sinabi niya sa akin na mahimbing pang natutulog ang kanyang anak kaya iniwan niya muna ito sa kanilang kwarto. “Pasensya na at nakialam ako sa kusina ninyo. Gusto ko lang ipagluto kayo para pasasalamat na rin sa ginagawa niyo para sa akin.” sabi nito at ngumiti ako. “Wala ‘yon… Kung asawa ka ni Arlo, syempre pamilya ka na. Ako na ang magluluto dyan at baka kung mapano ka pa.” “Naku, walang mangyayari sa akin. Kahit nga noong pinagbubuntis ko si Daphne,kumikilos pa rin ako sa bahay. As long as nagpo-provide sa amin si Arlo kahit lagi siyan

