Kasama sina Triton at Seidon na hanggang ngayon ay hindi pa rin kami kinakausap at kinikibo, papunta kami ngayon sa port. Nakadaong na ang barko at titignan namin ang mga namatay na ship crew sa pagsabog ng isang engine. I was praying so hard na hindi talaga kasama si Terrence, na nagkamali lang sila. Hindi siya pwedeng mamatay dahil hindi pa akonakakahingi ng tawad sa kanya. He deserves a better woman in his life at hindi ako ‘yon. Halos isang oras kami nagbiyahe papunta sa port. Nang makarating kami doon, agad kaming bumaba nang makapag-park kami. Mahigpit ang hawak ni Triton sa aking kamay at nakasunod lang naman sa amin si Seidon. Lumapit kami sa malaking barko na naroon at nakita namin na may ibang pamilya rin na naroon at umiiyak na. Kasalukuyng binababa na ang mga katawan na nak

