TINIIS ko ang mga araw na alam kong iba na ang kausap niya at kakwentuhan. Kahit pilit siyang lumalapit sa’kin ay kinakaya kong lumayo. Alam ko sa sarili ko na kung hindi ako mag-iingat ay baka hindi ko na makayanang tikisin pa siya. All of that with the knowledge na may iba na siyang kinakausap at laging katawanan at hindi na ako. Sa mga panahong awang-awa na ‘ko sa sarili ay hinahayaan ko ang sarili ko na makasama siya. “Nood tayong movie. May bagong Marvel na labas,” anyaya niya sa’kin. I would have said yes instantly kaso ang mahadera kong inner self ay kumontra na naman. “Sige. Sama natin sila Mama G para mas masaya, ha?” Isinasama namin ang mga kasamahan namin sa trabaho tuwing mapapapayag niya ‘kong lumabas. Tuwing nasa eksena kami ay ibinubuhos ko

