LUMIPAS ang mga buwan at mga araw. Dahil sa pagkakaibigan namin ni Benj ay naging mas open na ‘ko sa nararamdaman ko at pagkatao. Tinanggap ko na ang katotohanan na kahit hindi ako makapaglantad sa publiko ay hindi ko naman kailangang pahirapan ang aking sarili. We may not have the same closeness as before dahil ilang pa rin siya sa’kin, kapag may pagkakataon ay sinusubukan kong iparamdam sa kanya na namimiss ko siya at gustong makasama. Minsan pakiramdam ko ay nagkakalapit na muli ang loob namin ni Kiko ngunit may pagkakataon na itinutulak niya ‘ko muling palayo. Lumalabas na kami muling dalawa ngunit sinisiguro niyang may kasama kaming iba tuwing mangyayari iyon. Kadalasan kasama namin ang mga kasamahan sa TV series na nasa Book 2 na. Dahil maganda ang ratings ay patuloy ang p

