Halos mag iisang oras na sya sa harap ng salamin pero wala pa din sya napipiling damit na isusuot nya para sa lakad nilang mag kakaibigan ngayong gabi.Napag desisyunan nya ito na lang halter top na black at ripped jeans na tginernuhan nya ng 2 inch heels,dahil sa tingin nya ito lang yung damit na pinaka bagay sa lugar na pupuntahan nya sa lahat ng naisukat nyang damit.Papatungan ko na lamang ng croptop na blazer ang aking halter top dahil masyadong revealing ang suot nyang top mahirap na baka hindi pa sya payagan ng tatay nyang lumabas ng bahay.Pagdating kasi sa kanilang mag kapatid napaka conservative at over protective,lalo na sa kanya na nag-iisang babae na anak.
Bahagya lang syang nag pahid ng pressed powder sa kanyang makinis at maliit na mukha,hindi na sya nag lagay ng pampa pula sa pisngi dahil natural na mapula na ang mga ito.Ginuhitan nya ng manipis ang kanyang kilay upang mas lumutang ang magaganda at perpektong hubog ng mga ito,nilagyan nya ng may katamtamang pula ang kanyang maninipis at maliit na labi na dahilan para mas mag mukha syang kaakit-akit sa kanyang simpleng ganda.Hindi na sya nag suot ng anumang alahas dahil wala naman sya ng mga ito.
Muli nyang pinasadahan sa salamin ang kanyang sarili at nang sya ay makuntento na sa kanyang itsura ay tinignan nya sa kanyang cellphone kung anong oras na at sa ilang sandali na nga lang dadating na ang kanyang mga kaibigan dahil alas nueve ng gabi ang usapan nilang mag kakaibigan na susunduin sya sa kanilang bahay at malapit na nga mag alas nueve.Dinampot na nya ang kanyang maliit na handbag na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama at inilagay na sa loob ang kanyang cellphone na hindi naman kamahalan.
Ilang sandali na nga lang at narinig na nya ang malakas na busina ng sasakyan sa tapat ng kanilang bahay sa labas,mabilis na syang lumabas sa kanyang kwarto at nadatnan nya ang kanyang mga magulang na nanonood ng Tv sa kanilang maliit na sala.
''Nay,tay aalis na po kami,nariyan na po sila Ashley sa labas''mahinang paalam nya sa mga magulang.
''Oh anak,mag-iingat kayo doon ha, wag gagawa ng kalokohan, yong mga bilin ko sayo wag mo kakalimutan ha''seryosong bilin sa kanya ng kanyang ama.
''opo tay ,hindi ko po nakakalimutan''tugon nya.
''Oh sya,sige at lumakad na kayo ,wag kayo masyadong mag pa gabi ng uwi ha alam mo naman ang panahon ngayon,iba na.''dugtong na bilin ng kanyang ina.
''opo nay.'' tugon nya sa mga magulang habang humahalik sa pisngi ng mga ito.
SA SASAKYAN......
''sandali lang,parang kulang yata tayo''maang na tanong ni Danica sa mga kaibigan.
''hay naku,si Samantha nag chat kanina susunod na lang daw sya satin doon sa bar at may inihintay lang daw syang darating''nakasimangot na tugon ni Myla.
''naku! kapag yan talagang Sam na yan e hindi sumunod sa atin kakalbuhin ko ntalaga kipay non''pabirong sabi naman ng kanyang pinsan na si Ashley.
SA BAR....
''naka order na ako ng pagkain at inumin natin hanggang ngayon wala pa din yang Sam na yan ha baka hindi tayo siputin ng berat na yon'' malakas na sabi ni Ashley dahil hindi sila mag karinigan na mabuti dahil sa lakas ng tugtog sa loob ng bar.
''speaking of...'nguso ni Myla sa direksyon ng entrance ng bar at nakita nga nila na papasok dito si Samantha na tila hinahanap sila habang nag lalakad.
hindi nga nag tagal ay nakita sila nito sa kanilang pwesto at lumapit.
''hay sa wakas,dumating ka na din,bakit ba ang tagal mo?''pasigaw na tanong ni Myla.
''kasi dumating ang mga tita ko galing Manila,at hindi pumayag si daddy na umalis ako ng bahay na hindi kasama itong pinsan ko'' sabay turo sa lalaking katabi nya na may kakisigan at moreno na halos napaka perpekto ng kanyang mukha,in short napaka gwapo.
''girls, eto nga pal ang pinsan ko,si Mark Daniel or you can call him Daniel na lang para hindi naman masyadong pormal''masayang pakilala sa kanila ni Samantha sa kanyang pinsan na ''eto naman Daniel si Ashley,Myla at si Danica, bestfriends ko sila''masayang pakilala sa kanila ni Samanth isa-isa. Isang tango lamang ang tinugon samin ng gwapong pinsan ni Samantha sa amin,ni hindi man lamang ngumiti.hmmmmm suplado naman ,bulong ni Danica sa kanyang isip.
''anyway guys ito nga pala yung mga kasama ng pinsan ko na mga kaibigan nya din , sina CJ, (maputi na medyo sinkit at may bahagyang pagka kulot ng buhok,in short oppa) ,si Jan-Jan (moreno,matipuno,gwapo na cute at palangiti sa kanilang apat), at si Kenneth (matangkad na may kaputian ,matipuno at gwapo pero mukhang babaero)'' isa-isang pinakilala ni Samantha ang mga kasama ng kanyang pinsan sa mga kaibigan nya although ngayon lang din nya nakilala ang mga ito dahil kasama ng pinsan nya.
at masaya na ngang nag kwentuhan ang magkakaibigan, mag kakatabi ang apat na lalaki at magkakatabi naman ang apat na lalaki sa kabilang side ng table.
''hoy,halika nga na babae ka, bakit sinama mo yang mga yan? hindi ba ang usapan natin tayong mag kakaibigan lang ?'' asar na bulong ni Myla kay Samantha dahil baka madinig sila nang apat na lalaki sa tapat nila.
''eh wala akong choice,kapag hindi ko sila sinama hindi ako papayagan ni daddy na lumabas ngayon, edi hindi ko makakasama sa inyo na gumimik noh!''tugon naman ni Samantha na pabulong din.
''hayaan nyo na nga ,mag enjoy na lang tayo , uminom na lang tayoooo'' halos pasigaw na sabi ni Ashley sa mga kaibigan habang iniinom ang alak na ansa baso nya.
sa kanilang mag kakaibigan itro talagang si Ashley ang pinaka palaban at pinaka pasaway.
Bahagyang napaangat ang ulo ni Danica dahil sa pakiwari nya ay may mga matang nakatitig sa kanya kanina pa nat hindi nga sya nag kamali, sa pag anagt ng kanyang ulo ay nag tama ang paningin nila ng pinsan ni Samanth na antipatiko at mukang masungit na mukhang kanina pa matiim na ankatitig sa kanya.Tila nakaramdam sya ng hiya at ilang kaya sya na ang unang nag bawi ng tingin at ibinaling na lang nya ang kanyang atensyon sa alak na anasa harap nya at biglang tinungga ang alak na nasa baso nya at mabilis na inubos ito,pakiramdam nya ay namumula ang kanyang pisngi dahil sa hiya.
''hoy Nica ,dahan-dahan ka dyan ha baka malasing ka agad hindi ka pa naman sanay uminom ''paalala sa kanya ng kanyang pinsan na si Ashley.
''hindi,ok lang ako, minsan lang naman to'' tugon nya sa kanyang pinsan.