Chapter Forty-Eight: Can we talk? “Trish, I want you to go to my company. Ipinamana ko na saiyo ang lahat. May kailangan kang pirmahan doon.” Giit ni Alfonso. Bakit naman niya iapapamana sa akin ang lahat hindi pa naman ito mamamatay. Dahil sa lubos na pangungulila nito sa amin ni Santino ay malimit na itong kumakain. Ang drama ni Alfonso. Kahapon pa kami nakarating, ngayon ay gusto niya akong pumunta sa kompanya nito. Napatango lamang ako. Alam kong gusto lang mamalagi ni Tito sa bahay dahil kay Santino at Andrew. Marami ang nagulat about Andrew. Hindi sila nag-expect at wala silang alam talaga! “Lalabas na po ako para makapaghanda.” Pagkalabas ko ay naabutan ko ang dalawa na naglalaro sa mga laruan na ibinigay ni James sa mga ito. Kanina lang ay nandidito ang lalaki ngunit umalis

