"Hoy! Ba't ba hindi ka mapakali d'yan?" Tanong ni Dahlia sa'kin habang inaayos niya ang uniform n'ya.
Maaga akong nagising dahil ayokong malate sa first subject ko. Naiirita ako ngayon dahil sa ikli ng palda namin, konti na lang siguro makikitaan na ako. Hindi naman sa nag iinarte ako, pero ang ikli talaga.
"Hindi ako kumportable sa uniform. Masyadong hapit sa katawan ko 'tong damit tapos itong skirt ang ikli masyado." Iritableng sagot ko sa kanya.
Magkasama kami mi Dahlia sa iisang bahay. Yes, may apartment kami. Regalo 'to sa amin ni Dad no'ng naka graduate kami nung high school kami sa America. Honorable student kasi kaming dalawa.
"Sus, okay lang 'yan. Anong building ka?" Tanong nito sa'kin.
"Building 1, ikaw?"
"Building 2."
Nandito na kami ni Dahlia sa School. Buti na lamang at hindi kami late. Masyado pa palang maaga kaya pala kakaunti pa lamang ang mga estudyante rito. Napatingin naman ako sa paligid at nakita ko si Vesper.
Wow. Ang aga n'ya palang pumasok.
"Hoy Vivial! Punta na ako sa building ko ah. Kita na lang tayo sa cafeteria mamaya!" Paalam n'ya at umalis na 'to.
Naglibot libot muna ako para naman maging familiar ako sa school na 'to. Grabe ang laki talaga nito, magkano kaya kinikita ng school na 'to? Kapag ba naging janitress ako rito malaki rin ang sahod ko? Napailing na lamang ako dahil sa mga iniisip ko.
Nababaliw na naman ako.
"Siguro ito yung garden." Saad ko.
Ang ganda naman ng pagkakaayos nito. Kita mong ang yaman talaga ng school na 'to, nakahilera ang mga pulang rosas na sinamahan pa ng tulips. Balita ko mahal ang tulips, pero mayroon ang school na 'to.
'Pwede kayang kumuha dito?'
"Nope, this is not the garden haha." That husky voice. Kilala ko kung kanino 'yon.
"Vesper?" Takang tawag ko sa pangalan n'ya.
"Hmm. Kilala mo na pala ako. By the way, you're Vivial right? Nakwento ka sa akin ng kapatid ko." Ngumiti siya sa akin at nakipag kamay.
Lambot naman ng kamay kahit player.
"Ahmm.. Naglilibot libot lang kasi ako tapos napadpad ako rito." Tumango lang s'ya.
It's so damn awkward.
"You're so early."
"Ang panget naman siguro kung first day tapos late ako diba haha." Sabi ko sa kanya at humalakhak s'ya.
Makalaglag panty naman ang kagwapuhan nito. Siguro kung isa ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya, na r**e ko na 'to kaso hindi e. He's not my type.
"So, anong building ka?" Tanong nito.
"Building 1." Sagot ko.
"Woah, same building pala tayo." Nginitian ko na lamang siya at pinagpatuloy ko ang paglalakad.
"Ikaw? Bakit ang aga mo ngayon? May practice kayo?" Tanong ko sa kanya.
Tumango ito sa akin at ngumiti.
"Routine ko na 'to. Maaga talaga akong pumasok, malapit na rin kasi ang semi finals kaya todo practice ako sa batting." Sagot niya.
"Naks, masyado ka na kayang magaling. I saw you in your game, paano mo natamaan yung bola. What I mean is, ang bilis kaya no'n tapos natamaan mo ng walang pagkakamali."
"Tsamba lang 'yon hahaha."
"Ang galing naman ng tsamba mo."
Humalakhak na naman siya dahil sa sinabi ko. Marami kaming pinag usapan about our life. Masaya nga s'yang kausap at tama si Veronica, mabait si Vesper.
"What time is your class?" He asked, kaya naman napatingin ako sa schedule ko.
"8:00 pa, 6:45 pa lang naman ngayon. Kaya maglilibot libot muna ako." Sagot ko sa kanya.
"Hmmm. If you want, why don't you watch our game. It's too early, Vivial." Napatawa naman ako dahil sa lambing ng boses nito.
"Is there anything funny about what I said?" Umiling ako sa kanya at halata sa mukha niya na nagtataka ito.
Ang gwapo, pakshet!
"Nothing, sige manonood na lang ako ng practice game n'yo." Sagot ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.
Bago kami nakarating sa field, tinour niya muna ako sa buong university. Napahanga ako dahil hindi ko akalaing ang dami palang magagandang pwesto rito para pagtambayan at sobrang linis ng paligid. Siguro, well mannered ang mga students dito. I guess so?
"Hoy Vesper! Saan ka ba nagpunta? " Tanong ng ka team mates niya. Siguro si Axis 'to.
"D'yan lang sa tabi tabi. Nanghuhuli ako ng tutubi." Napatawa naman ako dahil sa sagot nito.
He's funny.
"Talagang may dinala ka pang babae rito ah. Hi Miss, Axis nga pala." He winked at me kaya napa kunot ang noo ko.
"She don't like you dude haha. Tara Vivial. " Yaya sa'kin ni Vesper.
"Nice to meet you Axis." Tumango ito sa'kin at nagsimula na silang mag practice.
Bakit wala pa yung Captain nila? Lagi bang late 'yon. Buong players na ang nandito pero s'ya wala pa rin? Siguro na traffic lang. Don't ever think too much Vivial, ano bang pake ko kung late s'ya.
"Anong oras ba dating ni Captain?" Tanong nung isang members nila.
"7:30 pa 'yon, nagpunta muna 'yon sa L'Amour." Si Axis.
"Naks, ang sipag talaga ni Captain! Kaya Idol ko 'yon e!" Yung number 18 yung jersey number.
"Ako hindi mo Idol?" Tanong ni Axis.
"Syempre Idol din kita."
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Axis.
"Oo! Idol na Idol kita sa pambababae!"
"Ulol!"
Nagtawanan naman ang mga kamembers nila dahil sa sinabi nito. Ang kukulit pala ng mga 'to.
"Ayos ka lang ba rito?" Biglang tanong sa'kin ni Vesper.
"Yup!'Yan ba yung gamit mong bat?" Tanong ko.
Ngumiti ito sa'kin, "Yeah."
Wooden bat?
"Bakit hindi metal ang gamit mo?" Takang tanong ko sa kanya.
"Maangas kasi 'pag wooden bat. Ayoko ng metal." Napangiti naman ako dahil tumawa ito.
"Can I handle this," Turo ko sa wooden bat n'ya. "Curious kasi ako."
"Yeah sure." Iniabot niya naman sa akin ang wooden bat n'ya. Napangiwi ako dahil ang bigat pala nito.
Shit! Ang bigat!
"Mabigat ba?" Tanong nito.
"Hindi ang gaan nga e hehe." I faked my smile on him. Ang bigat talaga!
"All right, hawakan mo muna ah." Ngumiti 'to sa'kin. Seryoso ba s'ya? Makakalas ata ang kamay ko rito.
"S-Sure n-no problem hehe." Nang aasar ba 'tong si Vesper? "Bakit ka tumatawa d'yan." Napasimangot ako dahil mas lalo pa s'yang tumawa.
"Nahihirapan ka 'no?" Tanong nito habang nakangisi.
"Nang aasar ka ba Vesper?" Binitiwan ko muna ang wooden bat niya at tinaasan ko siya ng kilay.
"Of course not, why would I?"
Talagang nang aasar 'to. Nagawa pang humalakhak!
"Sige una na 'ko, 7:30 na e." Paalam ko sa kanya.
"Hatid na kita."
"No need, I can handle myself. You should practice right now, masyado na akong nakakaabala sayo. Thanks for your time Vesper, I really appreciate it." Ngiti na lamang ang tanging tinugon niya sa akin.
Lakad dito, lakad doon. Bakit parang pabalik balik lang ako? s**t! Baka malate ako sa first class ko. What should I do? Dapat bang magtanong na lang ako rito? Or should I ignore my first class? Okay OA na ako masyado. Magtatanong na lang ako dahil kanina pa ako paikot ikot dito.
"You look like a lost child."
I looked where that voice came from and I was surprised that it was Red.
Damn his baritone voice!
"I am looking for building 1, kaso mukhang naliligaw na ata ako dahil sa lawak ng University na 'to." Sambit ko sa kanya at napakunot naman ang noon niya.
"I'm not asking." Sagot niya kaya naman napakunot ang noo ko.
Ang sungit naman ng isang 'to. Akala mo kung sino, kung hindi lang siguro sikat 'to sa school na 'to natadyakan ko na yung junjun n'ya.
Saan naman ang punta nito? Iiwan n'ya ako?
"Hoy! Saan ka pupunta?!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at patuloy lamang ito sa paglalakad.
"I have a practice, bye."
Umawanng bibig ko sa sinabi nito. Ang bastos, hindi man lang sinabi sa akin kung saan ang pwede kong daanan. Nakakainis din 'tong school na 'to. Ang lawak naman kasi para akong nasa maze!
Hindi man lang gentleman!
"Sandali! Saan muna yung building 1!" Sigaw ko ulit.
Umakto ito na para bang hindi niya ako naririnig. Hindi man lang ako pinansin, akala n'ya ang gwapo niya! Kainis! Nakakairita, ang yabang!
Dahil hindi ko talaga mahanap kung saan akong building, nagtanong na lamang ako sa mga students na malapit sa akin. Mabuti na lamang at may kusang loob na samahan ako. Thanks to her dahil hindi ako na late sa first class ko.
I sat near the window and our teacher just arrived just in time.
"Good morning students." Bati sa amin ni ma'am Jyssaka. I saw her name on my schedule. Siya pala ang major subject namin. Wow, first subject pamatay kaagad.
"Who is Vivial Villamero." Tanong ni ma'am kaya napatayo ako.
"Ako po." I said.
"Kindly introduce yourself in front of the class."
Nagtungo ako sa unahan at kitang kita ko na lahat sila ay nakatingin sa akin. Kinakabaan ako pakshet!
"Hello everyone. My name is Vivial Villamero. It's nice to meet you all and I hope y'all become my friends." Ngumiti ako ng pagkatamis tamis sa kanila.
"It's nice to meet you too Ms. Villamero." Sagot naman ng mga kaklase ko. Grabe ang formal naman nila.
Habang nag di-discuss si ma'am bigla namang bumakas ang pinto at iniluwa nito si Red Costales.
Wtf? Classmate ko s'ya?
"Good morning miss. I'm sorry, I'm late." Ngumiti na lamang si ma'am Jyssaka kay Red.
Napatingin ako sa paligid at sa akin lang merong vacant sit. Yung totoo, nananadya ba sila?
"I was expecting that you're late but I was wrong. Good thing you found this building." He said while smirking.
"Of course, thanks to you." I said with sarcasm.
"No problem." He chuckled.
Ganito ba ang mga baseball player? Mapang asar? Should I kick his balls! Nakakainis!
Two hours with ma'am Jyssaka is like hell. Akala ko pa naman mabait si ma'am 'yon pala may pa quiz kaagad. Hindi ko kinaya 'yon ah!
Nandito ako sa cafeteria. Ang tagal naman dumating ni Dahlia. Saan na naman kaya nagpunta 'yon.
15 minutes had passed pero hindi pa rin siya dumarating. Anong nangyari sa babaeng ',yon? Naramdaman ko namang nag vibrate ang phone ko.
From: Dahlia
Vi, hindi muna kita masasamahan sa cafeteria. Stressful ako ngayon, may biglaang project ang prof namin at ngayon na rin ang pasahan. Sorry Vi, labyah! Eat well! Mwah Mwah.
Okay, mag isa pala akong kakain.
"M3 nga po and orange juice please." Sambit ko sa cashier.
"120 po lahat." Iniabot ko ang bayad ko sa kanya at tumungo na ako sa table ko.
Habang kumakain ako nagsimula na namang magtilian ang mga babae rito sa cafeteria. It was Red, Vesper and Axis again.
"Ang gwapo talaga nilaaa!"
"Ang cute ni Vesper!"
"My baby Axis! I love youuuuuuuuu!"
"Omg! Ang hot ni Red!"
"Pakasal na tayo Red!"
"Kuya Axis! Pakisssss!"
"Vesper! Ang galing mo sa batting!"
"Captain Red! Gusto ko maging manager n'yo!"
Ang ingay naman!
Inis akong kumakain dahil wala akong kasabay at isa pa ang ingay. Kailan ba tatahimik ang mundo ko, gusto ko ng tahimik na lugar pero sa tuwing sumusulpot ang mga baseball team mas lalong umiingay.
"Are you alone?"
"Mukha ba akong may kasam-"
Napatigil ako dahil kilala ko ang boses na 'yon!
"I'm glad you are here, Vivial." Ngumiti ito sa akin. It was Jeymour, ang kaibigan namin ni Dahlia.
"Naks, ang gwapo natin ah!" Bati ko sa kanya ngunit sinimangutan niya lamang ako.
"Yuck! Kadiri ka ah!" Aniya.
"Kidding, kung straight ka lang siguro naging ikaw ang naging first love ko. Alam mo naman matagal na akong may pagnanasa sayo kahit uhugin at mataba ka pa noon crush na kita. Sayang ang kagwapuhan mo." Sambit ko sa kanya.
"Yeah right, gwapo nga ako pero gwapo rin ang hanap ko." Tumawa ako dahil sa sinabi nito. Nakakamiss din pala ang isang 'to.
"How's life?" Tanong nito sa akin.
"Walang pinagbago, ganon pa rin." Sagot ko.
"May balak bang lumipat dito si Haruto?" Out of nowhere na tanong n'ya.
"I don't know, huling kausap ko s'ya when I'm in Maldives. Pero alam ko, nasa Japan s'ya with his family. Alam mo naman 'yung hapon na 'yon, busy na tao." Napahagikhik ito dahil sa sinabi ko.
Marami kaming pinag usapan about our past nung kinder pa kami at masasabi kong ang laki na talaga ng pinagbago n'ya. Dati binubully pa s'ya dahil uhugin s'ya at mataba pero ngayon ang gwapo gwapo n'ya na, pero ang ipinagtataka ko lang bakit kaya bading s'ya. Sayang ang lahi n'ya.
Masaya kaming nagkekwentuhan ni Jeymour. Mamaya pa naman ang next class ko at ganoon rin s'ya. Pansin ko ring parami na ng parami ang students dito sa cafeteria.
"Balita ko sikat ka dito ah." Sabi ko sa kanya kaya naman napatingin ito sa akin.
Ngumiti muna s'ya bago nagsalita, "Hindi naman, alam mo na maganda kasi ako."
Napangiwi naman ako sa sinabi n'ya. Hindi talaga bagay sa kanya ang maging bakla. Ang halay sa kanya.
"Alam ba nila na bakla ka?" Tanong ko kaya napahalakhak naman s'ya.
Aba! Lalaking lalaki talaga!
"Hindi." Sagot naman n'ya kaya napatango ako.
"Bakit? Edi nahihirapan ka? Hindi nila alam na bakla ka. Mahirap kaya magtago."
Napansing ko namang napatahimik s'ya at seryosong tumingin sa akin. Parang kinakabahan ako sa mangyayari ngayon ah.
"Vivial." Seryosong sambit n'ya sa pangalan ko.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ang seryoso mo naman Jeymour.
Hindi naman n'ya ako sinagot at tutok na tutok s'ya sa mga mata ko. Maya maya pa ay palapit na ng palapit ang mukha n'ya sa akin. Tangina?! Hahalikan ba ako nito?
"Hoy Jeymour! H'wag mo ngang ilapit yung mukha-"
"Hindi ka naman nag memake-up. Bakit ang ganda mo?" Nakangising tanong n'ya.
"Hoy ikaw bakla ka! Kinakabahan ako sa ginagawa mo!" Singhal ko sa kanya pero tumawa lang siya nang tumawa.
"Siguro kung naging straight ako, niligawan na kita hahaha." Napasimangot naman ako sa sinabi n'ya.
"Ewan ko sayo, ang dami mong kalokohan sa buhay. Kung hindi ka lang siguro bakla. Iisipin ko talagang may gusto ka sa akin. Tutal naman crush kita e, bakit hindi mo ako ligawan. Wala pa naman akong boyfriend." Mas lalo s'yang natawa sa sinabi ko.
Wala namang nakakatawa sa mga sinasabi ko. Joke ba 'yon? Psh.
"Kung liligawan naman kita, sayang ang ganda ko 'no." Inis ko s'yang nilingon dahil sa sinabi niya.
"Alam mo nakakainis ka! Feeling ko talaga hindi ka bakla e! Tsumatsansing ka nga lang ata sa'kin e! Aminin mo na Jeymour!" Inis na sigaw ko sa kanya.
"Tsk. 'Pag 'yang mga sinasabi mo sineryoso ko, baka pagsisihan mo, Vivial." Napalunok naman ako dahil sa sinabi n'ya. Masyado na s'yang seryoso. Patay.
"Sabi ko nga bakla ka hehe." Sabi ko na lang sa kanya.
Tahimik akong kumakain at ganoon din s'ya. Siguro galit 'to sa'kin dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko naman sinasadya, hindi ko naman alam na seseryosohin n'ya ang mga ganong bagay.
Pagkatapos naming kumain ay napansin kong nakatingin sa akin si Jeymour. Ano na namang nagawa ko sa baklang 'to.
"I have to go, may class pa ako." Sabi n'ya sa akin kaya naman tinanguan ko na lang s'ya.
"Yung nangyari kanina, sorry." Hingi ko ng tawad sa kanya. Napansin ko namang natigilan s'ya.
"It's okay. No need to say sorry." Ngumiti naman ito sa akin atsaka kinuha ang cellphone n'ya na nasa table.
"Hatid na kita sa room mo. Okay lang ba sayo?"
Bakla ba talaga 'to? Nang gu-goodtime siguro 'to.
"Ah, hindi na. Mamaya pa start ng klase ko. Mauna ka na, baka malate ka pa." Sagot ko sa kanya. Tinanguan n'ya na lamang ako at saka s'ya umalis.
Dahil mamaya pa naman ang start ng klase ko, napag isipan ko munang pumunta ng field. Balita ko meron silang practice ngayon. Wala pa rin naman akong gagawin kaya dito muna ako tatambay. Marami rami ring students dito sa field. Yung iba nag ke-kwentuhan, yung iba naman may dalang gitara.
"100 push ups!" Dinig kong sigaw ni Red.
"Vesper! Sa batting area kayo ni Axis!" Si Red ulit.
"Sandali captain, pahinga muna tayo. Katatapos lang ng class namin." Si Number 6
"Hindi! Mag practice kayo!" Sigaw naman ni Red.
"Mandawe! Ayusin mo 'yang position ng bat mo!"
Ang strict pala maging captain ni Red. Halata sa mukha n'ya ang irita at pagkainis dahil malapit lapit na rin ang semi finals nila.
Habang pinapanood ko silang mag practice, bigla namang nag vibrate ang phone ko. Si Zen, tumatawag. Bakit ngayon lang 'to tumawag! Grabe 'tong hapon na 'to!
"Aba naman Haruto Zen! May balak ka pa palang tumawag!" Singhal ko rito sa kabilang linya.
["I'm sorry, I was busy these past few days. By the way how are you?"]
Narinig ko namang napabuntong hininga s'ya. Grabe rin ang isang 'to.Napaka busy na tao.
"Okay lang naman ako. Ikaw kumusta? You look tired base sa boses mo. Magpahinga ka kaya muna." Sabi ko rito. He sighed heavily.
["I'm okay. Don't you have class right now?"]
"Vacant ko pa, ikaw ba kailan ka uuwi ng pilipinas?" Tanong ko rito.
["I don't know."]
"May balak ka pa bang umuwi Zen? Aba naman hapon, umuwi ka na rito. Masyado mong pinapagod ang sarili mo d'yan sa company n'yo." Paalala ko rito.
Narinig ko naman ang paghalakhak nito. May nakakatuwa ba sa sinabi ko? Nag aalala lang naman ako.
["Ang sweet naman ng girlfriend ko."]
"Manahimik ka d'yan. Sasapakin kita tingnan mo. Naku Zen, kapag talaga umuwi ka na rito hahampasin kita ng bongga akala mo." Inis na ani ko rito.
["Ang sadista mo talaga."]
"Ewan ko sayo Zen, magpahinga ka na muna. Okay? Bye. I Love you hahaha." Narinig ko namang humalakhak pa ito.
["Fine, I love you too."]
Unang una sa lahat hindi kami ni Zen. Sadyang sweet lang kami sa isa't-isa. Noon pa man akala ng iba na may relasyon kami pero tinatawanan na lamang namin ito.
May balak pa kaya s'yang umuwi. Base kasi sa boses n'ya, wala e. Masyado n'yang pinapagod ang sarili n'ya sa pagtatrabaho sa company nila. Pinagsasabay n'ya pa pati pag aaral n'ya.
"Your boyfriend is so lucky to have you, Miss Villamero."
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon.
Si Red.
Narinig n'ya ba ang pinag usapan namin ni Zen?