“TELL me the truth, Sean. Kailan mo pa napansin na narito na si Clyde sa resto?” “Since the moment he came in.” “And that is…?” “Before our orders came.” Naalala ni Nhica nang lapitan siya nitong bigla. Alam nito ang plano nina Donita. So, sinadya pala nitong lumapit sa kanya at maging sweet sa kanya dahil nakita nito si Clyde? Great! Wala siyang kaalam-alam. “Sana man lang sinabihan mo ako para hindi ako nabigla. I’m the one involved in this plan, you know?” He apologetically smiled. “Sorry. Kung sasabihin ko kasi sa 'yo ay baka hindi ka makakilos ng maayos.” Sabagay, may punto ito. Ngayon ngang alam niyang naroon si Clyde ay hindi na siya makagalaw sa sobrang tensyon. Sumusukong binitiwan niya ang mga kubyertos na hawak. She missed him and she wanted to see him. Pero h

