“WHERE’S Nhica Marae?” hangos na tanong ni Clyde kay Grendle na siyang nag-iisang naabutan niya sa mesa habang kinakalikot ang cellphone nito. Si Aser ay namataan niya sa kabilang mesa na tila nakikipagkwentuhan sa mga tao roon. Nang magtama ang mga paningin nila ay napailing ito habang bumubuntong hininga. Tahimik na ipinapahiwatig nito ang nangyaring gulo na maaaring kumaladkad na naman sa banda nila. Pero wala siyang pakialam sa gulong iyon sa mga oras na ito. Diretso niyang kinausap si Grendle. Tinawagan siya nito kanina para ipinaalam na sinugod ni Debbie si Nhica dito sa restaurant. Dinig niya pa kanina sa cellphone ang mga sigaw ni Debbie. Halos liparin niya ang restaurant matapos ang tawag nito kahit na nasa kalagitnaan siya ng pakikipag-usap sa Daddy niya at ng isang investor t

