Chapter 32

2177 Words
HAYA'S POV Kahit kanina pa nakaalis si Kendrick sa bahay ay hindi ko talaga maitago ang kasayahan ko dahil finally ay legal na ang relationship namin at tanggap na siya ng pamilya ko except for Kuya Riley. Hindi lang ako makapaniwala na matatanggap siya kaagad nina Mom at Dad at kakilala na pala nito si Kendrick noon. Ang akala ko nga ay ipagtutulakan nila ako kay Kuya Duke katulad ni Kuya Riley dahil alam kong boto sila dito para sa akin pero hindi na nila ginawa iyon. Kung nakilala ko rin kaya siya kaagad ng maaga ay magiging kami ngayon? Kakatapos lang namin mag-usap ni Kendrick sa phone at sinabi niyang matulog na ako pero dahil hindi pa ako makatulog ay nagbrowse muna ako sa i********: at doon ay hinanap ang account niya. Hindi naman ako nabigong maghanap at kaagad ko rin'g nakita ito. May 5,000+ followers si Kendrick at wala man lang itong finafollow na account kahit isa. Ganito pala siya kasikat. Nang tinignan ko isa-isa ang pictures niya ay puro kuha lang ito sa gym na karamihan ay topless siya. Napasimangot ako nang binasa ko ang mga comment sa pictures niya. Ang hot mo talaga, Kendrick! Hmm... Nakakatakam ka! Hey hottie, I saw you in NYC yesterday. Can we hang out someday? Ang gwapo-gwapo mo na Fafa Kends. I like your image now! Dahil naiinis ako sa mga nababasa ko ay hindi ko na itinuloy ang pagbabasa sa mga comment sa pictures ni Kendrick. Bakit naman kasi kapag nagseselfie siya ay palaging topless kaya nakikita palagi ang abs at mga tattoo sa braso at chest niya? Pero hindi ko naman masisisi ang mga babaeng nagkakacrush kay Kendrick dahil talagang gwapo siya at may magandang pangangatawan, kahit sinong babae na makakakita sa kanya ay mapapalingon kaagad. Nagscroll down pa ako hanggang sa mapadpad ako sa mga picture niya 4 to 7 years ago. Ibang-iba pala talaga ang itsura niya ngayon kumpara noon dahil wala pa siyang mga tattoo sa katawan nito at hindi pa ganoon kalaki ang katawan niya. Napansin ko na puro selfie siya kasama ang iba't-ibang klase ng kotse kung saan ay doon siya nakasakay. Nakaflex rin palagi ang mga bago niyang biniling gamit including his branded shoes, watch, perfume, phones, etc. Tinignan ko ang mga comment sa pictures niya at puro mga hate comments naman ito na karamihan ay galing sa mga users na may panlalakeng dp at username. Ang yabang talaga ng gago. Edi ikaw na ang mayaman! Tangina mo Natividad! Mang-aagaw ka ng girlfriend! Kapag nakita kita talagang babangasan ko 'yang mukha mo! The fuckboy flexing his luxury? Kapag natiyempuhan kita katapusan mo na! Napangiwi ako sa mga nababasa ko dahil halatang may galit ang mga ito kay Kendrick. May isang comment siyang nireplyan at doon ay hindi ko mapigilang matawa. Roel_aldama: Ayan lang ba ang maipagmamalaki mo? Kung sa bagay, bukod sa pagiging fuckboy ay asa sa magulang ka lang. kendrick_n replied: Roel, 'yung gf mo ang kusang bumigay sa akin kaya wag kang magpaka-ampalaya dyan. Oo, gago ka ba? malamang aasa pa ako sa parents ko dahil nag-aaral pa ako. Eh ikaw? Macho dancer sa gabi para lang kumita ng pera? 23likes Hindi nakasagot 'yung Roel sa comment ni Kendrick at sa comment naman ni Kendrick ay maraming nagreply at sinasabing nahuli niya ang pinakatatagong sikreto nung tao. Totoo siguro iyon kaya hindi na nakapagreply 'yung Roel. Tama nga 'yung sinasabi nilang arogante na noon pa si Kendrick pero nagpapasalamat ako at ngayon ay nagbabago na siya. Nang tumingin ako sa friend requests ko ay hindi ko napansin na may nagfollow pala sa akin at si Kendrick iyon. 3 weeks ago pa ang request niya at dahil hindi naman ako gaanong active sa i********: unlike f*******: ay ngayon ko lang nakita ito. I accepted his friend request and I followed him back. Nang tinignan ko ulit ang profile ng IG niya ay kita doon na may 1 following na siya at ako iyon. Nakapublic naman ang account niya kaya kitang-kita ako sa following niya. Dahil tinablan na ako ng antok ay naglog-out na ako sa i********: account ko at ipinikit ang mga mata ko. Sana ay matanggap na ng lahat ang relasyon naming dalawa ni Kendrick dahil kahit anong mangyari ay ipaglalaban ko pa rin siya sa lahat. KING'S POV Ang aga-aga pa pero tumatawag na si Evelyn. Sinabi ko naman sa kanya na wala ako sa mood makipagdate dahil masama ang pakiramdam ko pero hindi yata siya makaintindi at patuloy pa rin sa pangungulit sa akin. I never want of having a clingy and very possessive girlfriend. Malingat lang ako sandali ay para na siyang bulkan na nagwawala at palagi nalang nag-aakusa na baka nambababae na ako. The heck! I'm not a womanizer. May mga naging M.U ako before but I didn't have a girlfriend except for her. She's my first girlfriend at naging kami lang naman para makalimutan ko na si Haya. I did what Haya's suggestion to me. Kay Evelyn ko nalang ibinaling ang atensyon ko kaya naging girlfriend ko na 'to. Ang akala ko talaga kapag naging girlfriend ko na si Evelyn ay kaagad ko nang makakalimutan si Haya but I'm wrong, sa tingin ko ay mas lalo pang tumitindi itong nararamdaman ko kay Haya, but the sad part is she still doesn't like me at ayaw niyang hiwalayan ko si Evelyn because she's concern to her feelings. Haya is a kind-hearted woman. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko para palabasin noon sa buong St. Therese na girlfriend ko na siya at nahihiya lang siyang aminin ang relasyon naming dalawa. I was so desperate that time to get her attention dahil nakabakod pa sa kanya ang college student at kapatid ni Evelyn na si Paolo Arevalo plus Yuie Fajardo na Presidente ng Student Council ng St. Therese. Those guys are obviously crazy for her lalong-lalo na 'yung Paolo na 'yon. He's acting that he's kind to everybody but when I saw his post on f*******: na nagviral referring to Haya ay doon ko lang nalaman ang totoong kulay niya. Evelyn and her brother are both annoying. Bullshit! Bakit ba ako naiipit sa kanila? "Sir King, nandito po si Sir Jerson." rinig kong sabi ng maid namin na kinakatok ang pintuan ng kwarto ko. Ano namang ginagawa ni Jerson dito at 9:00 am in the morning? Bumangon ako sa kama at nagsuot ng puting sando shirt bago buksan ang pintuan at bumungad si Jerson na seryosong nakatingin sa akin. Pinapasok ko siya sa loob ng kwarto ko at nang maisara ko na ang pintuan ay umupo siya sa sofa ko habang ako naman ay umupo sa edge ng kama habang hinahagod ang magulo kong buhok. "What are you doing here?" tanong ko. "Hanggang kailan mo ba paaasahin si Evelyn? King, you know how much Evelyn loves you at kanina ay tinawagan niya ako at umiiyak siya sa akin dahil hindi mo raw sinasagot ang mga text at tawag niya." sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "Ano namang pakialam mo sa relasyon namin ni Evelyn? I already said to her na wala ako sa mood na makipagdate sa kanya ngayon." sabi ko. "Natural lang naman na humingi siya ng atensyon sa'yo dahil boyfriend ka niya! Hindi mo ba alam 'yon?" Tumaas ang tono ng boses niya na mas lalong ikinakunot ng noo ko. Why is it concern to him anyway? Hindi naman siya 'yung tipo ng tao na papakialamanan ang personal life ko. He's acting weird right now. Napatayo ako at gano'n rin siya. "Ano bang problema mo, Jerson? Why are you intruding my relationship with Evelyn?" seryosong tanong ko na ikinatigil niya. Mas lalo akong nagduda dahil sa biglang pagkabalisa ni Jerson at hindi na makatingin ng diretso sa akin. "Do you like Evelyn?" I caught him and his face turned red. Napangisi ako. "Hindi ka naman ganyan, Jerson. You never invaded my personal space but now were different. I get it, gusto mo si Evelyn kaya maaga palang ay pinuntahan mo na ako dito para sabihin na tinawagan ka niya at-" "Yes. I like her at ayoko lang na nasasaktan siya sa maling tao na pinapahalagahan at minamahal niya. I like her simula nung naging kayo, King. She's too precious for you but you kept ignoring her and made her feel na hindi mo siya mahal. Ah oo nga pala, hindi mo naman talaga siya mahal dahil si Haya pa rin ang mahal mo, hindi ba?" he said sarcastically and roll his eyes. "I tried, Jerson. I tried to love Evelyn but I still love Haya. Ano bang magagawa ko kung nagkagusto ako sa babaeng hindi naman ako mahal at may boyfriend na? Pareho lang kami ng sitwasyon ni Evelyn at kung hindi lang dahil kay Haya malamang hiniwalayan ko na si Evelyn." I frustratedly said while combing my hair at umupo ulit sa edge ng kama ko. "What do you mean?" Jerson asked with confusion in his face. I sighed. "I accidentally kissed Haya in our school dahil hindi ko napigilan 'yung nararamdaman ko para sa kanya. Malamang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Nung sinabi ko sa kanya na siya pa rin ang mahal ko at makikipaghiwalay na ako kay Evelyn dahil ayoko na siyang paasahin ay nakiusap sa akin si Haya na 'wag na 'wag kong hihiwalayan si Evelyn." I confessed. Sumama ang tingin ni Jerson sa akin at parang gusto na niya akong suntukin pero pinipigilan niya lang ang sarili. "Sa lahat ng nakilala ko ay ikaw ang pinakagago at pinakasiraulo, King Argonza." galit niyang sabi. "Alam ko," sagot ko dahil totoo 'yon. "Break up with Evelyn. Mas lalo lang siyang masasaktan kung magpapatuloy pa rin ang relasyon niyo." sabi niya. "Tapos ikaw ang poporma sa kanya, gano'n ba?" nakangisi kong sabi at inirapan siya. "Anong gusto mo, ikaw lang ang magkakaroon ng girlfriend? Kung ayaw mo edi sasaluhin ko dahil hindi ako kasing gago katulad mo!" he fired back at umupo sa sofa. "Eh ano 'yung sinasabi niyo noon ni Kyohei na hindi bale nang walang girlfriend basta lang maraming babae?" tinaasan ko siya ng kilay na ikinailing niya. "Then I will break that rule. I'm sure that Kyohei will remain single forever. I like Evelyn and I'm serious to her, King kaya kung hindi mo pa rin siya kayang mahalin, ipaubaya mo na siya sa 'kin." pakiusap niya at nawala na ang galit sa mga mata niya. I watch his facial expression. Mukha naman siyang seryoso at hindi nagbibiro. "Kung makikipaghiwalay ako kay Evelyn, sigurado akong magagalit si Haya sa akin. You know that she's mad at me." I said. "Then I will talk to Haya. I will explain everything to her. Lubayan mo lang si Evelyn." sabi niya. "Hello, friends! Ay- sorry mukhang may importante yata kayong pinag-uusapan." Tinignan namin ang pangahas na pumasok sa loob ng kwarto ko at ang walanghiyang Japanese na si Kyohei iyon. Hindi nakalock ang pintuan ng kwarto ko kaya nakapasok ang gago. Pareho naming tiningnan ng masama si Kyohei na nagpeace sign at biglang lumundag sa kama ko. "Ano namang ginagawa mo dito?" naiirita kong tanong kay Kyohei nang binalingan ko siya. Ang walanghiya ay pumikit na at mukhang balak pa yatang matulog sa kama ko. "Kila Jerson ako nakitulog kagabi dahil nag DOTA at Diablo 3 kami magdamag. Narinig ko rin 'yung iyak at hagulgol ng girlfriend mo kaninang umaga habang kausap si Jerson sa phone niya. Siyempre, dahil alam ko namang lover boy na rin si Jerson at type ang girlfriend mo ay alam kong pinuntahan ka na niya dito para kausapin. Mabuti nalang at gising na si Tita Mercedes kanina kaya nakakain pa ako ng free breakfast sa kanila." nakangisi niyang sabi. "Ang kapalmuks mo talaga, Kyohei! Nakikain ka pa sa aming ungas ka!" sabi ni Jerson na tinawanan ni Kyohei. "Sige lang at ituloy niyo na 'yang serious conversation niyo. Matutulog muna ako dito saglit, King. Medyo puyaters pa ako eh." Kyohei said. "Wala ka bang sariling bahay?" inis kong tanong. "Meron kaso boring doon. Paglilinisin lang ako ng bahay magdamag ng hapon kong Tatay na si Mahiro." sagot niya at ilang segundo lang ay hindi na siya nagsalita, ayon pala ay nakatulog na. Napailing ako at hinarap ulit si Jerson. "Okay then. I will break up with her pero siguraduhin mo lang na kakausapin mo si Haya, Jerson. Ayokong magalit pa lalo si Haya." seryoso kong sabi. Napangiti siya sa sinabi ko at lumapit sa akin para iabot ang isang kamay niya. Tinanggap ko ito. "Promise. Don't worry, I will take care of Evelyn." I think this is a better decision. Mas mabuti pang kay Jerson mapunta si Evelyn kaysa sa akin na hanggang ngayon ay in love pa rin kay Hyacinth De Silva. Maloko lang 'tong kuripot at manyakis na si Jerson pero alam kong magseseryoso na 'to sa isang babae dahil hindi pa niya ginawang makiusap sa akin at manghingi ng pabor nang dahil sa isang babae. If I can fight my feelings too ay matagal ko na sanang ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD