DUKE'S POV
After I finish my last whiskey ay kaagad akong nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Medyo napaparami na kami ng inom ni Kendrick and I think he has a problem na hindi niya masabi-sabi sa akin.
Bigla kasi siyang pumunta dito sa bahay at nagyayang uminom. Dahil maaga naman akong natapos sa meeting namin sa kompanya ay pinagbigyan ko nalang ang bestfriend ko. It's been a year na rin simula nang huli ko siyang nakita. After we graduated in high school ay hindi na rin kami nagkasama pa dahil magkaiba kami ng university na pinasukan.
He knows me well and we are exact opposite but opposites do attract kaya hanggang ngayon ay matibay pa rin ang samahan namin bilang magkaibigan. Hindi niya ako nagawang ahasin kahit pa ubod siya ng pagkababaero noon. Hindi niya ginalaw ang mga nagiging girlfriend ko kaya mas lalo akong nagtitiwala kay Kendrick na hindi niya sisirain ang pagkakaibigan namin para lang sa isang babae.
Nang makarating na ako sa kusina ay napahinto ako nang makita sina Kendrick at Haya na magkayakap habang nakaupo sa kitchen dining area. Sa nakikita kong eksena ngayon ay hindi ako halos makahinga.
My fists automatically closed and clenched my jaw dahil sa inis at selos na nararamdaman ko.
No. Kendrick will never do this to me. I trust him and he knows that I really like Haya. Hindi niya aagawin sa akin ang babaeng gustong-gusto ko ngayon.
He can't betray his bestfriend.
Pinigilan ko ang galit at selos na namumuo sa loob ko at patay malisyang lumapit sa kinaroroonan nila. They released from their hugs at mukhang nagulat silang dalawa nang makita ako.
"Gising pa pala kayo," nakangiting sabi ko.
"Ah, yes. Nauhaw lang ako kaya nagpunta ako dito sa kitchen. Haya is also here dahil nauuhaw rin daw siya." sabi ni Kendrick at hindi ito makatingin ng diretso sa akin.
"Oo, Kuya Duke, tama po si Kuya Kendrick." nahihiyang sabi ni Haya.
Hindi ako sumagot sa sinabi nila at kumuha nalang ng tubig sa ref at nagsalin sa baso. After I drink my water ay humarap ulit ako sa kanilang dalawa at ngumiti.
"Haya, you need to sleep now. It's already a midnight. May pag-uusapan lang kami ni Kendrick." sabi ko.
Tumango si Haya at nagbow pa ito sa akin. "S-Sige po, mauuna na po ako." sabi niya hanggang sa tumayo na ito sa upuan niya at kaagad nang umalis.
Nang kaming dalawa nalang ni Kendrick ang naiwan ay umupo ako sa inupuan kanina ni Haya at tinignan ng seryoso si Kendrick.
"I like Haya, Kendrick. I really like her." seryosong sabi ko.
"I know, Duke." sabi niya at sandaling napayuko.
I tap my fingers on the table at ngumiti ulit. "Hindi mo naman siguro sisirain ang pagkakaibigan natin dahil lang sa isang babae, hindi ba? You're also hugging her while you're half naked. Why?"
Kendrick sighed. "She requested na 'wag na raw akong mambabae. She saw me at Starbucks na kasama si Lana and I said na hindi ko 'yon girlfriend. Masyado akong naoverwhelmed sa sinabi niya k-kaya hindi ko na napigilang yakapin siya." Pag-amin niya.
I nodded. "Oh that's nice. Haya is such a kind-hearted girl, right? Pati sa ginagawa mo ay concern rin siya sa'yo and she's right, 'wag ka na kasing mambabae, Kendrick. Find someone else na seseryosohin at mamahalin mo ng totoo, 'yung kaedad lang dapat natin." sabi ko at inakbayan siya.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko at tumango lang. Tumayo na ito at kumalas sa pagkakaakbay ko sa kanya. Tumayo na rin ako at akmang aalis na sana siya nang hinuli ko ang braso niya at bumulong sa kanya.
"Kunin mo na ang lahat ng babae sa mundo, 'wag lang si Haya. She's mine, Kendrick. Only mine..." madiin kong sabi at tinignan siya ng mariin.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko at tinignan lang ako. Nang binitawan ko na ang braso niya ay ngumiti ulit ako.
"Sleep well, my bestfriend."
Napayuko siya at tumango pagkatapos ay umalis na rin.
Kumuyom ang mga kamao ko at hinampas ng malakas ang lamesa sa kitchen dining table.
Don't break my trust, Kendrick or else ikaw ang sisirain ko.
HAYA'S POV
Habang naglalakad ako sa hallway ng school ay hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko ngayon. Pinakinggan ako ni Kuya Kendrick sa sinabi kong hindi na siya mambababae at ngayon nga ay magkatextmate na rin kami. 3 days ago na simula nung nagsleep-over ako sa bahay nila Camille at simula nun ay naging mas malapit na kami ni Kuya Kendrick pagkatapos naming mag-usap nun sa kitchen area.
Wala yatang araw na hindi siya nagtetext o tumatawag sa akin para kamustahin ako. We are already friends at alam ko na hanggang dito lang talaga kami but I'm happy dahil nadagdagan ang kaibigan ko na itinuturing ko na rin'g parang kuya ko. Masaya ako dahil magkaibigan na kami at nakinig siya sa sinabi kong tumigil na siya sa pambababae. I will help Kuya Kendrick to change as her little girl.
Pagkatapos kong mabasa ang text ni Kuya Kendrick sa akin na good morning at mareplyan siya ay nakangiti kong binulsa ang phone ko sa loob ng bag ko. Nakita ko naman na naglalakad sa akin papalapit si Paolo na nakangiti at kasama nito si Evelyn na masama ang tingin sa akin. What do I expect from Evelyn? eh never naman kaming nagkasundo nito.
Nang makalapit na sila ay may sinenyas si Paolo kay Evelyn. Evelyn groan at nakasimangot itong tumingin sa akin.
"Well, kung hindi lang naman dahil sa Kuya ko ay hindi ako magsosorry sa'yo. Okay, I'm sorry kung nag-away man tayo dito sa school at nagkasakitan. I only did that because of my jealousness to you." Evelyn said.
I look again at Paolo at ngumiti ito sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya saka muling bumaling kay Evelyn. "I understand, Evelyn. Gusto ko lang rin sabihin sa'yo na never kong papatulan si King. I don't like him so you don't need to be jealous." I said.
She rolled her eyes at pagkatapos ay umalis na ito leaving her brother and I.
"Thank you, Paolo." I said.
Ngumiti siya. "It's nothing, Haya. As I said, papakinggan ako ni Evelyn dahil talagang mali ang ginawa niya sa'yo. I'm really sorry, too kung hinayaan ko man kayong mag-away nun." he apologized.
"I understand, Paolo."
He smiled again and nodded at habang may dumadaang mga estudyante sa dinaraanan namin ay binabati nila si Paolo at may mga nakakaloko itong mga ngiti na ginagantihan lang rin ni Paolo. He's really famous here in St. Therese kahit sa kabilang school pa siya nag-aaral.
"Haya!"
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Yuie at nakatingin lang ito ng seryoso kay Paolo.
"Ah, Yuie, magkaibigan na kami ngayon ni Paolo. He is not forcing himself anymore na manligaw sa akin. Nagkaayos na rin kami." sabi ko kaagad para hindi magtaka si Yuie na kasama ko ngayon si Paolo.
Hindi sumagot si Yuie at kaagad na niya akong hinila papalayo kay Paolo.
"See you later, Haya!" narinig ko pang sabi ni Paolo nang makalayo na kami sa kanya.
Dinala ako ni Yuie sa Cafeteria at pinaupo sa isa sa mga bakanteng upuan. Umupo naman siya sa tapat ko at tinitigan ako ng seryoso.
"Haya, what are you thinking? Bakit ka nakipagkaibigan sa lalakeng 'yon? Hindi mo ba alam kung ano 'yung mga pinagkakalat niyang balita tungkol sa inyong dalawa? He's now spreading the news that you are already his girlfriend." sabi niya na ikinagulat ko.
"Really?"
Bumuntonghininga siya. "Hindi ko lang alam kung siya ba talaga ang nagpakalat ng balitang 'yon pero kalat na kalat na 'yon sa website ng school natin at website ng school nila. May nakakita pa daw sa inyo sa Starbucks nung Friday at ang sabi sa article ay nagdi-date daw kayo. Tell me, totoo bang kasama mo si Paolo nung Friday?" tanong ni Yuie.
I nodded. "Totoo 'yon, Yuie. He already apologized to me at dinala niya ako sa Starbucks para doon kami mag-usap ng maayos. Nilinaw ko na rin sa kanya na hindi ako papayag na magpaligaw sa kanya. He understands me at hindi na niya pinipilit ang sarili niya sa akin."
Ginulo ni Yuie ang buhok niya at umiling ito ng paulit-ulit. "Don't trust him, Haya. You really don't know who is Paolo Arevalo. I'm just protecting you from any harm. Alam natin kung gaano kabaliw sa'yo ang lalakeng 'yon."
Napag-isip ako sa sinabi ni Yuie. Sino naman kaya ang nagpapakalat ng balitang girlfriend na ako ni Paolo? Why it is spreading to our school websites? Sino kaya ang nakakita sa amin sa Starbucks na magkasama? Siya ba talaga ang nagpakalat nun?
"I don't know, Yuie. He's very nice to me. Ayoko siyang pagbintangan ng wala namang proweba. Sanay na sanay na rin naman akong palaging pinag-uusapan sa school natin at sa ibang schools kaya wala nang bago doon." I sighed again.
"As I said, Haya.. don't trust him." huling sinabi ni Yuie saka ito tumayo at iniwan ako.
Parang sasabog na talaga ang utak ko sa mga nalaman ko ngayon. Hindi na talaga ako pinatatahimik ng mga walang katotohanang chismis. I just want a normal life of being a high school student pero palagi nalang akong nasa spotlight ng chismis at usap-usapan dito sa school at sa kabilang schools.
Hays, ano nang gagawin ko nito?
YUIE'S POV
Pagkatapos kong kausapin si Haya ay nakipagkita ako kay Evelyn sa school field. Nakangisi siya sa akin nang makalapit ako sa kanya.
"Thank you for giving me that info." sabi ko.
"It's nothing, Yuie. You know that I love my super duper bait na kuya pero dahil sa isa ka rin naman sa mga lalakeng baliw na baliw kay Haya ay tinutulungan kita para maging kunwaring knight in shining armor niya at tuluyang lumayo ang loob sa kanya ni King dahil sa mga pekeng balitang ikinakalat mo sa buong school natin at sa Southern University." sabi ni Evelyn at tumawa ito.
Luminga-linga ako sa paligid para siguraduhing walang makakakita sa aming dalawa ni Evelyn.
Ngumiti ako ng mapang-asar at sinamaan siya ng tingin pagkatapos. "This is our secret, Evelyn at kapag nalaman ni Haya na ako mismo ang nagpapakalat ng maling balita sa kanila ni Paolo ay kayang-kaya ko rin'g sirain ang reputasyon mo sa buong school na 'to." pagbabanta ko.
"I know, Yuie. You are my worst nightmare and don't worry, this is our little dirty secret, Mr. Student Council President." she smirk and cross her arms.
"Sige, aalis na ako at baka may makakita pa sa atin dito." Tinanguan ko siya at naglakad na papaalis.
Alam kong mali ako at sobrang kamumuhian ako ni Haya kapag nalaman niyang ako mismo ang sumisira ng reputasyon niya sa buong school pero wala akong magawa. Sobrang nagseselos ako sa kanilang dalawa ni Paolo dahil magkaibigan na silang dalawa na ibinalita ni Evelyn.
Hindi pwede iyon! Ako lang dapat ang lalakeng kaibigan ni Haya na malapit sa kanya. Hindi pupwedeng may iba pa. Wala naman akong pakialam kay TJ dahil si Camille ang gusto nun at hindi niya aagawin si Haya sa akin, si Kuya Duke naman ay masyadong matanda na para kay Haya pero si Paolo, alam ko kung gaano kabait ang lalakeng iyon at kailangan ko silang siraan ni Haya dahil natatakot akong maging mas close pa sila at makalimutan na ako ni Haya bilang kaibigan niya.
I have a plan to level up our friendship. Gusto kong maging first boyfriend ako ni Haya dahil ako lang naman ang pinakamalapit niyang kaibigan. I'm glad na wala pa siyang balak magkaroon ng boyfriend kaya malaki ang tsansa ko sa kanya.
King Argonza and Paolo Arevalo are my biggest threats when it comes to Haya. Mas gwapo, mas mayaman at mas sikat sila kumpara sa akin na isang nerdy at hindi galing sa mayamang pamilya katulad nila. My insecurities kills me. Kung bakit naman kasi hindi ako lumaking mayaman at makapangyarihan. Peste lang talaga!
Pagkatapos ng klase namin ay kaagad na akong umuwi sa bahay dahil baka wala pang makain ang mga kapatid ko dahil sa sugalera at walang kwenta naming Nanay.
"Kuya Yuie, pinapalo po ni Mama si Ate Shirley!" umiiyak na sabi ng kapatid kong si Alicia pagkapasok ko palang sa loob ng bahay namin.
Kaagad akong nagpunta sa maliit at lumang living room namin at nakita ko nalang si Mama na pinapalo ng walis tambo ang 9 years old kong kapatid na si Shirley.
"Wala talaga kayong ambag sa buhay ko! Simula nang ipinanganak ko kayo ay nagkanda leche-leche na ang buhay ko!" sigaw ni Mama habang pinapalo pa rin si Shirley ng walis tambo na umiiyak at nakayuko na sa sahig.
Ang mga kapatid kong sila Yana at Fernan ay nagtatago sa kwarto nilang nakabukas ang pintuan habang umiiyak at nakasilip sa ginagawang pananakit ni Mama kay Shirley.
Kaagad akong lumapit at humarang sa harapan ni Shirley kaya ako na ang tumanggap sa mga palo ni Mama.
"Isa ka pa, Yuie! Walang kwenta 'yang ama mo! Pagkatapos niya akong buntisin at ikaw ang naging bunga ay iniwanan na niya ako. Minalas ako dahil sa inyong magkakapatid. Bakit ko pa ba kayo binuhay ha?" sumbat niya.
Napuno na ng iyakan ang buong living room namin dahil sa mga maliliit ko pang kapatid at araw-araw nalang ganito si Mama. Sinisisi niya sa aming magkakapatid ang lahat ng kamalasang nangyayari sa buhay namin. Araw-araw nalang niya kaming sinasaktan at sinusumbatan.
Hindi na ako nakapagpigil at itinulak ko si Mama ng malakas dahilan para magulat siya at matumba sa sahig. Kinuha ko ang walis tambong hawak niya at siya naman ang pinaghahampas ko.
Rinig na rinig ko ang sigaw at iyak ng mga kapatid ko para patigilin ako sa ginagawa ko pero sobrang napupuno na ako. Galit na galit ako sa babaeng ito!
"Wala kang karapatang saktan kami! Ako ang bumubuhay sa pamilyang 'to kaya manahimik ka diyan! Wala kang kwentang ina!" sigaw ko at halos hindi na makalaban si Mama sa ginagawa ko.
"Kuya, tama na!" umiiyak na sabi ni Shirley at pilit kinukuha ang hawak kong walis tambo na pinanghahampas ko sa katawan ni Mama.
Nang makuha na ito ni Shirley ay nakita kong umiiyak na si Mama habang nakasalag ang mga sugatan nitong braso at binti dahil sa paghampas ko sa kanya. Mukha na rin itong takot sa akin habang nakahandusay sa sahig.
"Sa oras na saktan mo pa ulit ang mga kapatid ko ay kahit ina pa kita ay mapapatay na kita!" sigaw ko hanggang sa umalis na ako at pumasok sa loob ng kwarto ko.
Tinanggal ko ang suot kong salamin at sinabunutan ang sarili ko dahil sa inis at galit na nararamdaman ko. Sa ganitong kalagayan ay isa lang ang matatakbuhan ko at maiintindihan ako sa lahat ng problema ko sa buhay.
Si Haya.
Tinawagan ko si Haya at ilang ring lang ay sinagot na kaagad niya ito.
"Haya, can we meet? Okay, thank you."
Kaya ayokong mawala siya sa akin. Hinding-hindi ko siya hahayaang mapunta sa iba. Si Haya lang ang bukod tanging nagpapagaan ng loob ko.