Chapter 10

2199 Words
KENDRICK'S POV "Stay away from my sister, Kendrick!" banta ni Tricia nang kaming dalawa nalang ang nandito sa living room. Tumawa ako ng mapakla. "Why would I do that? Haya is my friend-" "I know you. Paglalaruan mo lang ang kapatid ko, hindi ba? Like what you're doing before. Oh please, Kendrick! Haya is only 18 years old. Don't play your games with her!" Pabalik-balik ang lakad niya habang nakaharap sa akin and I see the irritation and frustration in her eyes. "Look Tricia, I'm not playing games with Haya. I only treat her as my younger sister like what Duke's doing. I only went here to see Haya. Wala akong ibang intensyon sa kanya." seryoso kong sabi. Umiling si Tricia. "Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa'yo? You've changed a lot Kendrick even your appearance. I know you only want Haya's body. Kilalang-kilala na kita, s*x lang naman ang habol mo sa aming mga babae, hindi ba?" sarkastiko niyang sabi. I sighed. "Yeah, that's what am I before pero nagbago na ako ngayon, Tricia. Haya is special to me. I don't want to break her trust and believe me, I only treat her as my younger sister and that's all." I lied. Mas higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko para kay Haya and I know this is my limitation. Hindi ko siya pwedeng itrato nang higit pa doon. She's too young for me and I'm nothing compared to her. "Are you telling the truth?" nang-uusisang tanong ni Tricia. I nodded. "Yes." Tricia stared at me and sighed after sitting in couch. "Okay. If you only treat her as your little sister then it's fine pero kapag may ginawa ka talagang kalokohan sa kapatid ko ay hindi kita palalampasin, Kendrick." I smiled on what she said at umupo na rin sa tabi niya. "Trust me, okay? Para namang wala tayong pinagsamahan niyan." I joked na ikinapula ng pisngi niya. "D-Don't bring our past. I'm now happy with Dennis." nahihiya niyang sabi. Tumawa ako. "Yeah, I met him at the gym earlier. He's deeply in love with you. I didn't know na nerdy type pala ang makakatuluyan mo." "At hindi niya ako napormahan noon dahil dinidiga mo ako." nakangisi niyang sabi. Mas lalo akong tumawa sa sinabi ni Tricia. I think we're now okay, I'm also happy na si Dennis ang nakatuluyan niya. Dennis is a good man at ako lang talaga ang gago at siraulo noong college palang kami. Hindi rin naman seryoso ang naging relasyon namin noon ni Tricia. It's just pure s*x and lust. We didn't developed any feelings for each other. Tricia is good and wild in bed and that's what I only like her before. "I trust you, Kendrick. Huwag kang gagawa ng kalokohan sa kapatid ko. I saw what you did earlier. You're looking at her with a lust in your eyes. She's too young for you at kung may makakatuluyan man siya dapat 'yung kaedad lang rin niya." Tricia stand up and she left. Bigla akong nabadtrip sa sinabi niya at hindi ko na napigilan ang sarili kong sipain ang table nila. I didn't know that Patricia is Haya's older sister. Ang akala ko ay magkaapelyido lang sila pero magkapatid pala talaga sila. Why Duke didn't mention this to me? Hindi naman nila kailangang ipamukha sa akin na hindi kami bagay ni Haya dahil sa laki ng age gap namin at sa basura kong image. Alam ko naman iyon pero hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi uminit ang ulo dahil sa mga pinagsasabi nila. Una kay Duke tapos ngayon naman kay Tricia. Bakit ba kasi hindi tayo magkaedad, Haya? Hanggang pagkakaibigan nalang ba talaga ang pwede sa ating dalawa? f**k! PAOLO'S POV "Are you not bothered with the rumors, Paolo?" Kit said while we're done doing our soccer practice. "I am, bro. I didn't know na may nakakita pala sa amin ni Haya sa may Starbucks at kumalat na nga ang balitang girlfriend ko na daw siya. I'm sure that Haya is mad because of that rumor." I sighed at ininom ang hawak kong bottled water. "Sino naman kaya ang nagpapakalat ng balitang 'yon? Is that King Argonza? Your rival in Haya's heart?" tanong ni Kit. Naisip ko na rin na baka si King ang nagpapakalat ng maling balita sa amin ni Haya sa St. Therese at dito sa Southern University. That guy likes Haya and he even spread before that Haya was his girlfriend. Hindi naman ako naniwala doon dahil alam kong walang interes sa kanya si Haya. Sana nga magkagusto nalang siya sa kapatid kong si Evelyn na may gusto sa kanya para hindi na niya guluhin pa si Haya. "Maybe but we're not sure about that." sagot ko at nagkibit-balikat nalang. Tumayo kami ni Kit mula sa bleachers at naglakad na papaalis habang sukbit ang sports bag ko at nagpupunas ng pawis sa mukha at leeg ko. I'm still wearing my soccer uniform at balak kong maligo nalang mamaya sa bahay. "By the way, may party mamayang 9pm sa bahay. Hindi ba friend na kayo ni Haya? You can invite her if you want." Kit smirked at me. "Yes, we are now frineds but I don't think kung sasama siya sa akin. Alam mo namang hindi talaga niya ako gusto at hindi siya nagtitiwala sa akin." sabi ko. "Ano ba namang klase 'yan si Haya! Si Paolo Arevalo na gwapo, sikat at magaling na soccer player sa Southern University ay tinatanggihan ng isang babae? Tsk!" umiling si Paolo na ikinatawa ko ng mahina. "That's why I like her. Hindi siya tumitingin sa social status o itsura ng isang tao. I will do everything para magustuhan niya ako, Kit." mariin kong sabi. Kit shrugged his shoulders at dumiretso na ito sa motor niya na nakapark sa parking lot ng University namin. Sumakay na rin ako sa kotse ko at pinaandar na ito. While I'm driving ay hindi ko mapigilang hindi isipin si Haya. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Papayag kaya siya kapag ininvite ko siyang pumunta sa party nila Kit? Pwede naman siguro akong magbakasali. Pagkauwi ko ng bahay ay kaagad akong dumiretso sa loob ng kwarto ko at naligo. After that ay nagsuot lang ako ng boxer shorts at umupo sa kama saka tinawagan si Haya sa phone ko. Kinuha ko ang vape ko sa round table ko at humipak rito. Ilang ring lang ay sinagot na kaagad ni Haya ang tawag ko. "Hello, Haya?" [Ikaw pala, Paolo. Bakit napatawag ka?] I hear her sweet voice on the other line na ikinangiti ko. "I'm just inviting you na kung pwede ay samahan mo ako mamaya sa party ng kaibigan ko. Kung pwede lang naman pero kung ayaw mo ay okay lang rin." sabi ko. [Ah... ano kasi, h-hindi ba parang awkward naman na pupunta ako doon? Wala akong kakilala doon tapos ngayon nga ay kalat na ang balitang boyfriend daw kita kahit hindi naman totoo 'yon. Baka kasi mas lalo lang lumala ang issue kapag nakita nilang magkasama tayo.] "I know and I'm sorry kung hindi ko naisip 'yan pero kaya nga kita ininvite na pumunta sa party ng kaibigan ko para linawin sa kanila na hindi talaga tayo magkarelasyon." malungkot kong sabi. [G-Gano'n ba? Kapag pumunta ba ako doon ay malilinis na sa buong school ang pangalan nating dalawa?] tanong niya. "Oo naman, Haya. Hindi ko hahayaang masira ka rin sa lahat. Kaibigan na kita at gagawin ko ang lahat para sa'yo." pangungumbinsi ko. [I guess na okay lang na sumama ako sa'yo mamaya.] pagsuko niya na ikinangiti ko lalo. "Really? Thank you. 9pm mag-uumpisa ang party. Saan kita susunduin?" excited kong sabi. [Sa Starbucks na lang ulit. Ayos lang ba?] "No problem. So, see you later? It's already 8pm at maghanda na tayo." [Okay. Maghahanda na ako. Bye.] Pagkababa ni Haya ng tawag ay kaagad na akong tumayo sa kama ko at naghanap ng magandang susuotin sa cabinet ko para sa kanya. I need to look more handsome and presentable in front of her. Pagkatapos kong magbihis at makapag-ayos ay muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin. "Why just can't you love me back, Haya?" I sighed at ipinilig ang ulo ko. I get my car keys in the bedside table at lumabas na sa loob ng kwarto ko. I drove at the Starbucks na unang pinuntahan namin ni Haya at 8:45pm na ng makarating ako doon. I was patiently waiting for her in a vacant seat at nang makita ko na siyang papasok sa loob ay napanganga nalang ako nang makita siya. Haya is wearing a color black dress with a small sling bag on her shoulder. Nakalugay ang buhok niya and she has a light make up na mas lalo pang nagpadagdag sa ganda niya. Nang mapadako ang tingin ko sa dibdib niya ay kaagad akong umiwas ng tingin dito at bumaling nalang sa magandang mukha niya. "You look so beautiful, Haya." I compliment her. "Thanks." she shyly said. "Let's go?" Tumango siya at hinawakan ko na ang kamay niya hanggang sa makalabas na kami ng Starbucks. Is this happening? Kasama ko ngayon si Haya at hawak ko pa ang kamay niya? Damn! I'm now the luckiest guy on earth. Pinasakay ko na siya sa kotse kong nakaparada sa gilid ng Starbucks at nang makasakay na kami ay pinaandar ko na ito papunta sa bahay nila Kit. "Wala ka ba talagang ideya kung sino ang nagpapakalat ng maling balita sa ating dalawa?" tanong ni Haya habang nagmamaneho ako sa tabi niya. "I suspected it's King Argonza." sabi ko habang nakatutok pa rin ang atensyon ko sa daan. "Me too, pero ang hirap kasing magbintang when there's no proof." malungkot niyang sabi. "You're right and I'm going to make sure na malilinis ko ang pangalan mo sa buong school natin at mamamatay rin kaagad ang balitang 'yon." I assured her. "Salamat, Paolo." I smiled and glance at her. Such a beautiful girl. s**t! 8:55pm na nang makarating kami sa bahay nila Kit. Dahil kilala naman ako ng mga guards nila ay kaagad rin kaming nakapasok sa loob. Sumalubong sa amin ang disco light, mausok na paligid, mga nag-iinuman that looks at my age at DJ na nagpapatugtog sa isang booth. Haya looks so uncomfortable at mukhang hindi sanay sa ganitong klaseng party. Some of people here ay alam kong kaschoolmates lang namin nila Kit. Ang iba naman ay mga kaklase namin. I saw their stares and admiration at Haya dahil kasama ko ito. Haya is quite popular in our school at mukhang nagulat sila dahil kasama ko siya idagdag pa ang rumor naming dalawa. "Are you okay, Haya?" tanong ko at inilapit ang bibig ko sa tenga niya dahil baka hindi niya marinig ang sinasabi ko sa lakas ng tugtog ng DJ dito sa loob ng bahay nila Kit. "Okay lang, Paolo. Hindi lang ako sanay sa ganitong klaseng party." she said that I already expected. "Akong bahala sa'yo." nakangiti kong sabi at hinila na siya papunta sa pwesto nila Kit sa isang table. May kasama siyang babae na nakakandong sa hita niya at kasama rin niya ang mga kamember namin sa Soccer team na sila Larry at Nial na nakatitig na kay Haya. "Hey, guys!" bati ko kaya napatingin sa amin si Kit at ang babaeng kasama niya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Kit dahil kasama ko si Haya. Nginisian ko naman siya saka ginuide si Haya na umupo kami sa katapat na sofa ng table nila Kit. "Haya, this is my friend Kit and his girl with Larry and Nial." pakilala ko kay Haya sa mga kaibigan ko. Tumango si Haya at ngumiti ito sa kanila. Napansin ko rin ang simpleng pagsipat nila Larry at Nial sa dibdib ni Haya kaya sinamaan ko sila ng tingin na ikinangisi at ikinailing nila. "Nice to meet you, Haya. I'm Kit and this is my girlfriend, Shanty." nakangiting sabi naman ni Kit kay Haya habang ang girlfriend naman niya ay hindi pinansin si Haya. Tumango si Haya at ngumiti ng tipid. May waiter naman na naglapag ng drinks sa table namin. Kumuha doon sila Larry at Nial habang sila Kit naman at ang girlfriend niya ay may sariling nang mga mundo. "Iinom ka ba, Haya?" tanong ko at kinuha ang isang drinks sa table. "Hindi, Paolo. Hindi ako umiinom." nakangiwing sabi niya. Tumango ako at ininom nalang ang hawak kong drinks. "I understand, gusto mo bang kumain muna?" "No thanks. Kumain na ako kanina sa bahay." sagot niya. Ngumiti ako at umusod ng kaunti sa kanya. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon at hinapit ko ang braso ko sa bewang niya na ikinagulat niya. "Paolo-" "Kuya Kendrick? You're here!" Tumingin ako sa lalakeng nasa table na pala namin na binati ni Kit. Sa reaksyon ni Haya ay gulat na gulat ito nang makita ang lalakeng nasa harapan namin ngayon habang ang lalake naman ay nakatingin ng masama sa braso kong nakahapit sa baywang ni Haya. "K-Kuya Kendrick?" gulat na saad ni Haya. "Yes, My little girl." sabi nung lalake at saglit na bumaling kay Haya. Kilala ni Haya ang lalakeng ito na maraming tattoo sa katawan na kakilala rin ni Kit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD