"Sige na, ako na muna ang bahala dito tulog pa naman sila" wika ni karina bago ito na ang nagpalit ng damit ng mga sanggol na nakahiga sa kama at natutulog, "maligo ka na at magbihis, pwede mo munang gamitin yung mga damit ko" Nanatili siyang nakatayo at pinakatitigan lang ang tiyahin na nagaasikaso sa anak. Pero ang totoo ay lumilipad ang isip niya. Ang dami dali niyang inaalala. Labis siyang nasasaktan dumagdag pa ang katotohanan na hindi niya alam kung papaano simulan ang bagong buhay kasama ang mga anak niya "kathryn" tawag uli ng kanyang tiya kaya bumalik siya sa ulirat Napabuntong hininga na lang ito at iniabot sa kanya ang tuwalya. "maligo ka na..para naman makapgpahinga ka. Halatang wala ka pang tulog---sige na" napatingin ito sa kambal "dapat sinasabayan mo ng tulog yung a

