Mabuti nalang at hindi talaga sineryoso ni kathryn ang bacon scent na gusto niya kundi magpapahid talaga si daniel ng mantika ng bacon. Kaya yon, nadala nalang niya sa pagluto ng bacon para kahit papaano ay masunod pa din ang gusto ni kathryn Bukod sa bacon ay favorite din ni kath ang fried rice na ginisa sa pinaglutuan ng bacon. Nilalagyan niya yon ng butter, carrots, patatas at ng hiniwang hotdog Basta depende sa gustong ipahalo ni kathryn.. "Okay na siguro to" Kumatok sya sa office room ng bahay nila kung saan ipinagamit niya muna kay kathryn. Nagkasundo kasi sila na since hindi pa pwedeng lumiban si kathryn sa trabaho dahil sa sunod sunod na projects at construction ng saavedra sa pilipinas ay itong opinsina sa bahay muna ang gagamitin nito. Mabuti na at dito nalang muna sa bahay

