"Anak magpatulog naman kayo" bulong niya habang hinahaplos ang kanyang tiyan. Kanina pa sya papaling paling para makatulog pero maya maya din nagigising dahil sa lakas ng galaw ng mga anak sa loob.. Kaya napaupo nalang siya sa kama at napalingon kay daniel na mahimbing na natutulog sa tabi niya "love" tinapik niya ang balikat nito "love gising ka muna please" Agad naman na nagising si daniel ng marinig ang boses niya. Napabalikwas pa ito ng makita na nakaupo siya sa kama at ngumingiwi "bakit? Anong problema?" Napasapo siya sa tiyan niya pagkatapos ay napangiwi kaya mas lalong nag-alala si daniel "may masakit ba sayo? Punta na tayo hospital" "hindi....okay lang ako mahal. Hindi lang ako makatulog kasi sobrang likot nila sa loob ko" Sumilay ang ngiti sa mukha ni daniel "makulit?" ma

