Pagkadating na pagkadating niya sa kumpanya ay halos magulat ang lahat. Naalala niya pa ang mga mukha ng ilan sa mga empleyado habang ang iba ay bago na. Kung dati ay nahihiya siya sa tuwing tutungtong siya sa kumpanya na ito ngayon iba na.. Bagong bago na kasi ang tindig niya, ang bihis niya. Nakataas ang nuo sa bawat pag hakbang ng mga paa niya Pero kung may hindi nagbago kay kathryn ay yon ang pakikisama niya sa mga tao lalo na sa mga empleyado ng tavera. Lahat ng bumabati at ngumingiti sa kanya ay nginingitian niya din pabalik "kathryn--' napalingon siya at nakita niya si william "oh should I say Katharina? Saaverdra ba o Tavera?" "Kahit kathryn nalang william--still I'm married to daniel so okay lang na tavera" Tumango tango ito "wala si daniel dito eh, naka leave siya for t

