Chapter 52

2966 Words

"papa ang sikip sikip usog ka" sabi ni luna sa kanya. Kanina ay nakahiga ito sa kabilang sofa ngayon naman ay lumipat ito sa kanila. Sunod naman ay  nainggit din si lexa at tumabi din sa kanila, umupo naman din ito sa kabilang banda ni kathryn "higa ako sa lap mo papa" "ako din kay mama naman" mas lalo silang ginitgit ng dalawa kaya wala silang magawa kundi umusog nalang sa isa't isa "pa usog pa naiipit ako eh' Itinaas niya ang kamay pagkatapos ay ipinatong iyon sa sandalan ng upuan para hindi din mahirapan si kathryn na nasa tabi niya. Para tuloy siyang nakaakbay dito habang si kathryn ay halos sumandig na sa braso niya Nagkatinginan sila. Ramdam na ramdam ang pagkailang sa pagitan nila Umiwas ng tingin si kathryn at bumalik ang pansin sa tv. Okay na yung ganito.. Masaya na siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD