Nagitla ako nang hawakan niya ang palad ko, mabilis kong hinila iyon at itonago sa ilalim ng mesa. Baka may biglang pumasok at makita kami na nasa ganong posisyon baka ano pa ang isipin nila. "Yanie, tinatanong kita kung iniiwasan mo ba ako?"Tanong niya ulit sa malumanay na tono. "Ano sa tingin mo?" Pagalit na tanong ko sa kanya at ginawaran siya ng masamang tingin. Umalon ang kanyang lalamunan, umayos siya ng tayo at malamlam ang mata na pinakatitigan ako. "May ginawa ba ako-," "Marami, at hindi ko gusto." He cleared his throat. "I'm sorry. Hindi ko lang kasi matiis na hindi ka makita." Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? "Kaya, sorry kung palagi akong pumupunta dito para makita ka kahit aware ako na baka mayroong makahalata. " Hindi na nasundan ang pag uus

