-Mercy- Halos hindi ko na rin makilala ang aking sarili dahil sa nagawa ko ulit makipagtalik sa ama ng aking anak. Ngun’t iba ito sa dati dahil alam kong may pag-iingat siya ngayon at ramdam kong may halaga ako sa kanya ngayon, hindi ko naman alam ang tunay na dahilan pero gusto ko na lang i-enjoy ano man ang meron kaming dalawa dahil sa talaga naliligayahan ang aking puso sa tulod nito ngayon sa akin. Maliwanag pa rin ang kabilugan ng buwan at nakatayo ako ngayon sa may binata habang ang aking kahubaran ay natatakpan lamang ng kumot na kinuha ko kanina, gusto ko sanang umalis na lang pagkatapos ng aming pag-iisa kanina, ngun’t ng makita kong payapa na nitong natutulog ay hindi ko magawang umalis sa tabi nito. Nilingon ko ang binata na ngayon ay nakatapa at kalahati lang ng katawan nito

