-Mercy- “Nanay narito na po at may dala po akong mga gulay na galing kay Aling Sonia, mga bagong ani po ito at binigay lang nila po ito sa atin.” Masayang bungad sa akin ni Miracle ng makapasok na ito sa kusina at may dala na isang baket ng puno ng mga iba’t-ibang uri ng gulay. “Mabait talag si Mareng Sonia at hindi tayo nakakalimutang bigyan ng kanilang mga bagong aning gulay.” Nakangiti naman na sambit ni Lola Emily sa aking anak at gumanti rin naman ng masayang ngiti si Miracle dito. “Nagpasalamat ka ba kay Aling Sonia para sa mga gulay, anak?” Natutuwa ko pang tanong dito at kinuha ko ang basket nitong dala para alisin na rin ang mga gulay at ng mahugasan ang mga iyon. “Opo, Nanay. Nagpasalamat ako sa kanilang pamilya, natuwa pa nga po sa akin si Ate Nene at binigyan po ako ng ben

