-Mercy- Nasa labas ako ngayon ng pintuan ng kuwarto ni Enzo, para sana kausapin ang binata kung kaylan nito balak pabinyagan ang anak namin. Gusto ko na rin kasing maging kristyano si Miracle ng sa ganoon ay mas maging mabuti itong bata. Nilakasan ko ang loob ko at kumatok ako ng tatlong beses bago ako pinagbukasan nito. “Anong problema mo? May nangyari ba sa anak ko?” Malamig nitong tanong sa akin na ikina iling ko naman dito. “Gusto lang sana kitang makausap tungkol sana kay Miracle.” Mahinahon subalit kinakabahan ko na rin namang sambit dito. Pinapasok naman ako nito at naupo sa isang upuan na malapit lang din naman sa kama nito. “Ano ang gusto mong pag-usapan natin tungkol kay Miracle?” Tanong nito sa akin habang lumapit naman ito sa isang mesa na maraming nakalagay na alak. Napag

