Page 7

1828 Words
Rhede Pov Kakatapos ko lang maligo at ngayon andito ako sa kama naka upo habang ka chat si Faith. Ilang minuto akong nanatili sa kwarto kausap si Faith bago napagpasyahan na bumaba Hindi ako makukuntinto na manatili lang sa silid at sa cellphone lang nakatingin. Sa bahay kasi ni tita ay kapag wala akong trabaho ay gumagawa ako ng gawaing bahay, tumutulong sa katulong at sa ganitong oras ay naghahanda na ang mga ito ng pananghalian Pagdating ko sa sala ay napakatahimik, walang ka tao-tao at di ako sanay. Sa bahay ni tita kapag ganitong oras, kapag ayaw na magshopping ng dalawa ay nasa sala ang mga ito at nanonood ng TV at malakas pa ang volume kaya maingay Nakakapanibago ang bagong tahanan ko. Napakalaki ng bahay at napakatahimik. Hindi ako sanay. Oo, gusto ko ang katahimikin pero kung ganito ka tahimik ang buong bahay sobrang nakakapanibago, hindi nakakasanay Hinanap ko ang kusina, kung saan pwede akong tumolong. May tatlong pintuan at yung isa ay papunta sa dining. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang pintuan kung saan ako papasok para magpunta sa kusina Nakakalito naman napakaraming pintuan dito. Papasok na sana ako sa left na pintuan ng may marinig akong mga kaluskos na parang pagtatadtad sa right door. Naglakad ako papunta doon at napangiti ng maka amoy ng klaseng-klaseng pagkain Nang tuluyan ko itong mapasok ay bumungad sa akin ang dalawang lalaki na nakaharap sa kalan na nagluluto. May tatlong babaeng katulong na nagtatadtad ng mga gulay. Mas naglakad ako palapit sa mga ito para makuha ang attention nito Napahinto ang mga ito ng makita akong nakatayo. Ngumiti ako at nag wave sa kanila. Ilang minuto pa ang mga ito nakatingin sa akin bago makabawi sa kanilang pagtataka kung bakit nga ba ako nandoon sa kusina " Miss Rhede may ipapadagdag kabang ipaluto sa iyong panang-halian?" tanong ng isang katulong na nagtatadtad ng sibuyas at garlic na si ate Maya Nakilala ko ang mga ito kanina dahil ipinakilala sila sa akin ni mamala. Umiiling ako sa tanong ni ate Maya " Wag na pong miss, Rhede lang itawag nyo sa akin di ho ako sanay sa miss. Andito ako para sana ay tumulong" Sabay-sabay ang mga ito na napahinto sa huli kong sinabi " Nakakapanibago ang isang apo ng De Vera ay andito sa kusina para tumolong? Di iyon gawain ng mga apo dito" di makapaniwalang saad ni Ate Vanessa " Sanay po ako sa mga gawain. Hindi po ako lumaki na isang senyorita. Lumaki po ako na nagbabanat po ng buto para mabuhay…" paliwanag ko " Kung ang mga apo po dito ay lumaki na pinagsisilbihan, iba po ako dahil lumaki po ako na gumagawa ng gawaing bahay at nagsisilbi" Natahimik ang mga ito hindi akalain ang mga sinabi ko. Unang bumasag sa katahimikan at pagkagulat ang isang chef na si kuya Yhong " Ano ba ang kaya mong lutuin?" Agad akong ngumiti sa tanong nito " Kahit ano po" " Kaya mo bang lutuin ang adobo?" napatingin ako kay kuya Sanny isa rin sa chef " Kayang kaya" buong mapagmataas kong saad Tumango ito " simula kana" Binigyan ako ng hairnet at apron ni Ate Vanessa. Naglakad ako sa dereksyon ng puset at naghugas ng kamay. Hinugasan ko ang unfreeze na manok dahil nailublub na ito sa tubig at tinadtad ko One thing that I like sa mga gawaing bahay ay ang pagluluto kaya ang kinuha kong strand sa senior high ay TVL dahil sa hobby kung paglu;uto at kapag may chance na makakuha ng korso sa kolehiyo kukuha ako ng HRM Pagkatapos kong lutuin ang adobo ay pinayuhan ako ni naynay Telia na pagbihisin dahil amoy ulam ako. Bumalik ako sa kwarto at nagbihis ng bagong jacket at pantalon Nagtaka sa akin ang mga katulong kanina dahil nakajacket ako na nagluto at hindi man lang ako pinagpawisan kahit na nakaharap ako sa apoy. Sa sakit ko mahirapan talaga akong pagpawisan. Hindi ko alam kung bakit pero ang sabi ni tito Harold na ganoon daw talaga kapag may sakit sa puso di pinagpawisan ng basta basta at lalo na sa kondisyon na meron ako talagang mahirap ako pagpawisan Paglabas ko ng kwarto ay sakto naman ang paglabas ni Cathy at Lovely. Ngumiti ako, ngumiti pabalik sa akin si Cathy pero si lovely kinunutan lang ako ng noo. She really have the attitude. I miss novem, kapag nakita ko si lovely. Kaparehang-kapareha kasi sila Nauna ang mga ito na naglakad pababa s ahagdan kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Di naman iyon sa pakikichismiss kasi nasa likod ako kaya naririnig ko " Ang gwapo talaga ni Franck" saad ni lovely habang nakatingin sa screen ng cellphone nito kung saan may nakatopless na lalaki " Yeah ang gwapo nya pero di ka non napapansin. By the way nakita mo ba ang bagong update ni Kirby, he was totally hot" Inilagay ni lovely ang cellphone sa bulsa nito " Yeah nakita ko ang post nya but kahit anong admire natin sa kanya wala tayong pag asa kasi may girlfriend na iyon" " Curios talaga ako sa itsura ng girlfriend nya. Siguro sobrang ganda non para magustuhan ng Prom king sa school natin" " I aggree of that" sang ayon ni lovely sa sinaad ni Cathy at kinuha ang cellphone at tinignan uli ang litrato ng lalaking nakatopless " Ang gwapo nya talaga, kapag ako nginitian nito magpaparty talaga ko" Napapailing nalang ako sa sinaad ni Lovely. Ganyan din si Novem. Pero nakakatawa dahil hindi talaga sya napapansin ng crush nito sa scholl. Pero once naoansin ako ng crush nito dahil sa may inutos yung teacher namin. Nag usap kami non saglit na ikinagalit ni Novem na dahilan ng pinarusahan ako ni tita Pagkatapos ng araw na iyon ay iniiwasan ko na nag crush nya at tuwing may iuutos si teacher patungkol sa crush nito ay binabaliktad ko si novem para iwas away na dahilan ng pagiging broken ni novem dahil yung crush nya may girlfriend na taga labas ng campus Marami pa ang pinag usapan ng dalawa patungkol sa Franck na iyon na crush ni lovely at sa crush ni cathy na Rinze ata ang name pero di kona binigyan ng pansin. It just useless, it's not related to anything I like and beside di ko rin kilala ang mga lalaki na pinag uusapan nilang dalawa maliban sa isang lalaki na pamilyar sa akin ang pangalan Sabay kaming tatlo na dumating sa dining at kompleto na ang lahat. Napakonot ang noo ko ng may makitang bagong mukha ng lalaki. Nakatingin ito sa akin na may ngiti. Naglakad ako sa inupuan ko kaninang umuga sa tabi ni Carl Tumayo ang lalaki at naglakad sa dereksyon ko at umupo sa bakanteng upuan na katabi ko. Ngumiti ako at nagpakilala dito " Hi! I'm Rhede, Rhede Cortez" inilahad ko ang kamay ko Tinaggap nito ang pakikipagkamay ko " Ethan, Ethan De Vera, older brother of Dale" tumango ako sa pagpapakilala nito Kaya pala magkahawig sila ni Dale, magkapatid pala ang dalalwa. Bumaling ako sa tingin kay papalo ng sa peripheral vision ko ay nakita kong tinikman nito ang luto kong adobo. Napahawak ako sa jacket ko ng makitang napahinto ito Agad na nag alalang tumingin sa kanya si Tita Vianne ng makita ang paghinto ni papalo " You okay pa? " alalang tanong nito Tinuro nito ang adobong niluto ko. Pilit akong ngumiti at pilit na inalis sa kaloob-looban ko ang lungkot na naramdaman. Aaminin kong masarap akong magluto dahil iyon parati ang sabi sa akin ng mga katulong sa bahay ni tita Niana pero siguro iba-iba ang panlasa ng mga tao sa mga luto " You okay Rhede?" agad akong napatingin kay Ethan ng mag alalang tanong nito Tumango ako bilang sagot at bumalik ang tingin sa pagkain ng tinawag ni papalo ang mga chef " Yhong, Sanny.." bumilis ang t***k ng puso ko at hindi iyon pwede Huminga ako ng malalim para makalma ako. Madadamay pa sina kuya Yhong at Kuya Sanny sa hindi masarap kong luto. Baka mawalan sila ng trabaho ng dahil sa akin. Patay talaga ako " Sir Choel?" agad na saad ni Kuya Yhong ng makarating sa tabi ni papalo " Sinong nagluto ng adobo?" tanong nito " May mali po ba sir?" kinakabahan na tanong ni kuya sanny at binalingan ako ng tingin. Nagkabit balikat ako " Napakalaking mali ng adobong ito" bumagsak ang dalawa kong balikat sa sagot nito ganoon din sina kuya Yhong at kuya Sanny Nag aalala namang nakatingin sina mamala, tito Vianne, tito Vinedect, tito vale, tita Diane at Tita Glice " Magluto nalang uli--- " NO, no…" putol ni papalo kay mamala " This adobo is new. Bago sa panlasa ko dahil hindi naman ganito ito noong huli akong kumain at hindi ito ang lasa ng parati nilang niluluto. Sinong nagluto nito dahil mula ngayon sya na nag magluluto ng adobo ko" Para namang nakahinga ang dalwang chef sa sinaad ni papalo " Si Rhede po ang nagluto ng adobong iyan sir Choel" sagot ni kuya Sanny Sabay sabay ang mga ito na napatingin sa akin na may hindi makapaniwalang tingin " You know how to cook Rhede?" Tumango ako sa tanong ni Tita Glice " opo tita" " How come?" " Hindi po kasi ako lumaki bilang isnag senyorita, tita glice" Sabay sbay kaming napatingin kina Cathy at Lovely ng mabilaukan sila sa kinain nito " What you mean Rhede?" " Sinula po kasi noong nanirahan ako sa bahay ni tita Niana hindi po ako napagsilbihan tulad ng iba. Lumaki ako na guamagawa ng gawaing bahay. Tumutulong ako sa mga katulong na magluto, maglaba at maglinis ng bahay para makakin" paliwanag ko Nagbago ang mga emosyon nito sa mukha na ipinagtaka ko " Ano ang ibig mong sabihin na para makkain, Rhede?" Ngumiti ako at nag kwento " Sabi sa akin noon ni tita na kapag gusto kong tumira sa bahay nya. Kikilos ako tulad ng mga katulong kung gusto kong mabuhay. Tumolong ako araw-araw sa mga katulong para makakin ng tatlong beses sa isang araw. Natutu po akong magluto sa murang edad" " She--she did that?" hindi makapaniwalang tanong ni mamala Tumango ako " Oo. Pero tama naman si tita. Nakikitira lang ako kaya tutulong ako sa gawain para sa kabayaran sa kabaitan nya sa akin" " Hindi mo iyan gagawin dito sa bahay nato Rhede. You will not help cleaning the house and doing the chores. You just do what you like" tumango ako sa sinaad ni papalo " Just chill rhede" sabat naman ni tito Vale Tumango lang ako at sisimula na sanang kukuha ng pagkain ng magsalita si papalo at ikinagagalak kong marinig " Ito na yung bago kung paborito na adobo. Ang sarap sobra nito apo" Ang sarao talaga sa pakiramdam na magustuhan ang luto mo. Lalo na kapag ibinuhos mo ang best mo at binigyan ng pagmamahal tapos masasarapan ang pinaglutuan mo. Parang idinuyan ang puso mo sa hangin Ang sarap sa pakiramdam
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD