Kung si Cinderella kailangan alas dose eh nakauwi na, si Abegail naman magsisimula pa lang simulan ang gabi na iyon. Palingon-lingon pa siya habang parehong hawak ni Joey ang kamay nila ni Amanda at hila-hila silang dalawa sa may kadiliman na entrance ng night club.
Unang beses niyang makapasok sa isang night club, kaya nang makarating sila sa loob ay hindi aakalain ni Abby na kalaliman na ng gabi dahil buhay na buhay ang oras doon. Malakas ang musika at pakiramdam niya ay kasabay niyong nag-ba-vibrate ang katawan niya. Kung ilang ulit din siyang napapa-pikit sa tuwing tumatama ang makukulay na laser lights na tila ba nagsasayaw kasama ng iba pang mga party goers na naiipon sa gitna ng maluwang na dance floor.
Hindi man siya pamilyar sa mga night club o kahit bars ay natitiyak niyang hindi pipitsuging lugar ang pinagdalhan sa kanila ni Joey. Nang maramdaman niya ang bahagyang paghila nito sa kamay niya ay nagsimula ulit siyang maglakad. Gumilid sila patungong bar island, kung saan may anim na bar tenders ang kasalukuyang nagpe-perform ng mixing stunts. Umakyat sila sa spiral stairs patungo sa second floor na mas maluwang kumpara sa ground floor. Mayroon ding bar island sa mismong gitna na may apat na bar tender, hindi kagaya sa ibaba ,ay hindi crowded doon.
"May passes ako dito sa luxury lounge kaya swerte tayo."
Pasigaw na sabi ni Joey upang marinig siya ng mga kasama. Muli sila nitong inakay sa isang section kung saan may four-seater crescent shape na leather sofa.
"Joey..hindi kaya maubos ang buong ipon ko dito? Parang pag-upo pa lang de-metro na eh."
Palinga-lingang ani Amanda.
"Hindi, wala naman tayong gagastusin dito. Parang ano...ah treat lang ng isang regular costumer ko na mag-enjoy ako dito kahit isang gabi lang."
"Sigurado ka?"
Naghihinala pang inuri ng tingin ni Amanda si Joey.
"Oo nga, ang kulit. Basta mag-enjoy ka nalang kaysa naman sa beer house ko kayo dalin. Sayang naman ang get-up ninyo ni Abby."
"Joey!"
Tawag-pansin nang paparating sa kanilang pwesto. Nailing na lang ang binata dahil halos hindi na kumarap ang magkaibigan sa pagtitig doon.
"P're!"
Bati niya sabay tayo upang makipag-kamay.
"Good to see you. Mukhang upgraded ka ah."
Tumatawang ani Erick matapos makipag-palitan ng tapik sa balikat niya.
"Off limits ang mga iyan p're. They're friends of mine. Amanda and Abegail."
Pakilala niya sa dalawang kaibigan. Pinaglipat-lipat ni Erick ang mga mata sa kanila bago inialok ang palad.
"Hi, I'm Erick. Part owner of this club."
Pakilala nito. Aligagang inabot ni Amanda ang kamay nito at tarantang nakipag-handshake. Gustong matawa ni Joey dahil alam na nitong naka-zoom in na ang mga mata ng kaibigan sa binata, prospect boyfriend kumbaga. Habang si Abby naman ay pinilit ngumiti ng kaswal at huwag padala sa nakakahalinang karisma ng kaharap.
Itinaas ni Erick ang kamay sa ere, sumenyas sa kung sinuman, dahil wala naman nakikitang waiter si Abby sa paligid. Ngunit nang lumapit ang isang babae na katulad nila ay nakasuot ng dress ngunit ay napagtanto niyang nakahalubilo sa mga costumer ang mga waitress/waiter doon at mapagkakamalan na customer o party goer din, kundi lang sa nameplate na nasa dibdib ng mga ito.
"Ikaw lang ngayon?"
Tanong ni Joey matapos umalis ng waitress nang maka-order sila ng inumin. Kibit-balikat na umayos ng upo si Erick sa isa sa mga single seater.
"Joseph and Gibson are both married, although kapag weekends nandito sila, with their wives of course. Yung isa naman..baka parating pa lang."
Nakilala ni Joey si Erick at Gibson nang siya ang kunin ng mga ito bilang make-up artists noong ikasal ang mga ito. From then on, siya na ang kino-contact ng mag-ka kaibigan kapag may offer na trabaho o may kilala na kailangan ng serbisyo niya. He can say that, they help him widen his career.
"How about you? Wala ka pa bang balak mag-asawa din?"
Tanong niya sabay lingon kay Amanda na tila lumapad ang tenga pagkarinig doon.
"Me? Naah, not yet."
Nangingiting sagot nito.
"Pero may girlfriend ka na?"
Diretsong tanong ni Amanda dito na bahagyang ikina-laki ng mata ni Abby.
"Wala pa sa ngayon, but my heart belongs to someone.."
Ani Erick. Bagsak ang balikat ni Amanda habang malakas naman ang naging tawa ni Joey. Hinimas-himas pa nito ang likod ng dalaga.
"It's okay Amanda, rejection makes your heart strong."
Pang-aalaska nito sa kaibigan.
"Screw off."
Natatawang minasdan ni Erick ang magkakaibigan bago napadako ang paningin sa tanging tahimik na naroroon. He smiled at her when their eyes met.
"Excuse me, punta lang akong comfort room."
Paalam ni Abby.
"There's one right after you reach the stairs."
Imporma ni Erick. Abby smiled and mouth thanks in which he finds cute.
Wala pa namang naiinom na kahit na ano si Abby pero dahil na rin sa lakas ng music at vibration at laser lights ay parang iniipit ang ulo niya. Nang marating ang hagdan ay naglakad pa siya at hinanap ang comfort room. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang led light na may female logo. Akma na siyang pupunta doon ng bigla may humawak sa kamay niya at iharap siya pabalik. Sa gulat ay muntik pa siyang mawalan ng balanse nang bigla siyang humakbang paatras.
"E-excuse me?"
Hindi makapaniwalang niya sa lalaking nakangiti pa sa kanya na para bang wala itong ginawang mali. Binawi niya ang kamay ngunit muli nito iyong hinuli.
"Hi. Are you lost?"
Nakangiting anito.
Awang ang labing napatitig siya dito. The guy actually looks good and neat. If it isn't for that arrogant smirk and brash gesture she wouldn't feel intimidated.
"No, I'm not. Can you please let go of me?"
"But it feels just right holding your hand like these."
Anito sabay taas sa kamay niyang hawak nito. Kaagad niya iyong binawi at nang mabitiwan iyon ay itinago niya ang mga kamay sa kanyang likuran bago muling humakbang paatras.
"I'm Glenn. What's your name?"
Humakbang ito palapit at yumuko upang sipatin nang malapitan ang mukha niya.
"You are scaring her. Back off."
Anang boses mula sa likod nito.
Glenn, the guy who introduced himself to her stood straight and look behind him. At nang tumambad ang lalake sa likod nito ay tila may mga paro-parong bigla nalang sumalakay sa kanyang sikmura. Ramdam niya ang unti-unting paggapang ng init mula sa kanyang talampakan patungo sa kanyang mga pisngi.
Now she badly needed that damn comfort room.