Ikatlong Kabanata

1288 Words
    Bumalik na ako sa workplace pagkatapos ng pag-uusap namin. Palihim akong tinitingnan ng mga naroroon. Siguro curious sila sa nangyari kanina. Tumungo na ako sa cubicle ng team ko at nagsi-ngitian naman sila ng nakakaloko. Hinintay nila akong makaupo sabay nilang pinadausos ang kanilang swivel chair papunta sa akin at ginisa ako ng mga tanong.     "So, anong nangyari sa pagitan mo at ni Sir Silvy?" tanong ni Lez.     "Uhh, we just talked. Kinamusta niya yung first day ko." Matipid na sagot ko.     Mukha naman silang hindi kontento sa sagot na natanggap. Bumalik na sila sa dating pwesto ngunit di ako nilulubayan ng titig.     "Pumunta siya dito tapos 'yun lang sasabihin niya? Weh?" sabi naman ni Toni at nagsi-tanguan lahat. Kumunot ang noo ko at sabay dinampot 'yung folder sa table.     "Bakit? Kailangan bang kakaiba ang sasabihin niya? Eh hindi naman kami close. Employee niya lang ako, guys! Saka 'wag nga ito ang pag-usapan natin. Pagtuunan dapat natin 'yung ads na ibe-brainstorm pa natin." _     Sumandal na ako sa upuan ko dahil sa mahigit limang oras ay nagkaroon din kami ng matinong concept. Pumikit ako at minasahe ang batok ko na kanina pang nangangalay. Bumaling naman ang tingin ni Jet sa orasan.     "Malapit na palang mag-seven. Uuwi pa ako sa probinsya namin para sa birthday ng nanay ko. Sige na,guys! Mauuna na ako." Paalam ni Glecelle at madaling umalis.     "Kaya pala kokonti na ang tao kanina pa palang uwian. Hay, pagod na ako! Uuwi na rin ako at matutulog muna. See you bukas." sabi naman ni Jet at napilitan si Toni na sumabay dahil iisang direksyon lang naman ang kanilang uuwian.     Nakatingin naman ako sa cellphone ko dahil nag-text sa akin si Dad na umuwi ng maaga dahil may family dinner kami with some potential business partner. Tumayo na rin at nag-ayos ng gamit si Lez.     "Oh? Ikaw? ‘Di ka pa ba uuwi? Gogora na rin kasi ako girl!"     Tumango ako.     "Yep. Mauna ka na. Nagpasundo kasi ako sa driver namin. Hihintayin ko lang siya sa baba. See you tomorrow, Sir Lez." Tinanguan naman niya ako at madali ring umalis.     Umupo lang ako ng ilang minuto at nag-text ko naman 'yung text nung driver ni Dad. Bumaba na ako at pinindot 'yung elevator, nang biglang may sumakay rin. Pumikit ako ng mariin ng maamoy ang panglalaking pabango ni Sir Silvestre. Bakit sa dami ng makakasabay ko siya pa?     "Good evening, Sir." Binati ko siya at tinanguan lang niya ako. Hindi na ako nagtangka pang magsalita kasi naalala ko 'yung pag-uusap namin kanina.     "Where are you staying?" Halos mapatalon ako ng kausapin niya ako.     "Sa Hyacinth Estates po." Sagot ko naman. Saglit niya akong tiningnan.     "Hyacinth Estates? So nakaka-angat ka pala sa buhay. Sorry, Ms. Cepeda. So, I'll see you around. Good evening but I'll need to go." Lumabas siya dahil bumukas na sa ground floor ang elevator. Sumunod naman ako sa kanya sa parking lot at agad kong nakita ang blue trailblazer ni Dad. Tumungo ako doon at sumakay na.     Natanaw ko naman si Sir Silvestre na kausap yung guard niya at madaling sumakay sa Prado niya.     Huminga ako ng malalim at binalingan 'yung driver ni Daddy.     "Manong, idaan mo muna ako sa bahay ha? Mag-aayos lang ako ng mabilis." Tumango naman ito at binaba ako sa harapan ng gate. Madali akong umakyat at naligo. Nahanaprin ako ng magadang damit dahil sesermonan ako ni Mom kapag sinuot ko 'yung napagpawisan kong pencil skirt at top. _     "Ma'am,nandito na po tayo." Bumaba na ako at tinungo ang babae sa reservation.     "Table named under Rodolfo Cepeda." Tinuro naman niya sa akin ng lamesa at nakita ko na naroon na ang dalawang lalaking naka-suit. Isang medyo may katandaan at siguro ay nasa mid 20's naman 'yung isa.     Nakatalikod ito sa akin kaya si Mom at Dad lang ang nakakita sa pagdating ko.     Ngumiti si Daddy ng malapad sa kaniyang kaharap,     "Oh, My daughter's here." Bumaling naman silang lahat sa akin at halos mabitawan ko ang purse sa nakita ko. Si Sir Silvestre, na nakatitig din sa akin at medyo nagulat.     "You have a very fine daughter, Rodolfo." sabi nung matanda kay Dad na mabilis akong pinaupo sa tabihan ni Mom. Tinawag din nila ang waiter para ilabas ang pagkain ko. Humilig si Mom sa akin at bumulong,     "You're late."     Nahagip ng mga mata ko ang paninitig na ginagawa ni Sir Silvestre sa akin. Ngumiti ako sa kanya at binati siya pati ang kanyang ama.     "Magandang gabi po, Mr. Luna at Sir Silvestre." Halos magulat si Mr. Luna sa sinabi ko.     You know him, son?" Tumango naman si Sir Silvestre at tiningnan ang kanyang ama.     "She works for me in our company under advertising department, dad." Pumalakpak naman sila na parang tuwang-tuwa pa. Ngumingiti lang ako everytime na tumatama ang paningin ng mag-ama sa akin.     Nag-usap naman sila tungkol sa business. Nakatingin lang ako sa kanila dahil wala naman akong maintindihan sa pasikot-sikot noon. Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang red wine na nasa harapan ko.     "Ewan ko nga ba dito kay Therese kung bakit hindi siya interested na hawakan ang business namin." Sabi naman ni Mom.     "Mom, I told you. I'm not into business, I love my job right now." Sabi ko at palihim kong nakita na ngumingiti si Sir Silvestre.     Tumango naman si Mr. Luna at binalingan si Mom.     "Just let her enjoy her life, Menchie. Ito ngang si Silvestre ay masyado pa atang ine-enjoy ang kanyang buhay binata. I told him na maghanap na siya ng pwedeng gawing asawa para naman masilayan ko ang mga apo ko bago ako bawian ng buhay but he just ignored me." Halos matawa tawang sabi niya at naghalakhakan naman sila sa table.     "Dad, masyado akong busy sa company. I do not have time for relationships. Beside maaga pa para sa marriage." He exclaimed at napahawak sa dibdib ang kanyang ama.     "Anong maaga pa? You're already twenty-eight. Baka pag pinatagal mo pa iyan, hindi ka na makabuo. Sige ka. Hindi mo mapapaligaya ang asawa mo niyan." Tumatawang sabi ng ama niya.     "Dad, stop it." Medyo hindi kumportableng saway niya sa ama.     Marahil ay nahihiya siya. Lihim akong napapairap. Anong baka di makabuo? Eh baka nga marami yang mabuntis sa dami ng naikama niya baka pumalya ang condom niya. Halos mabilaukan naman ako sa wine ng maalalang hindi siya gumamit ng condom nung gabing may nangyari sa amin. At ang alam ko,’di niya hinugot sa akin 'yung kanya.     "Shit." I cussed at napatingin silang lahat sa akin sa lakas ng mura 'kong iyon.     "Are you okay, honey?" Tanong sa akin ni Mom. Tumingin ako sa kanila at bakas sa kanila ang pag-aalala. Mabilis akong ngumiti at tumango.     "Yes, I'm okay may naalala lang po." Nagsorry naman ako sa pagmumura sa harapan nila at maya-maya'y bumalik na sila sa usapan nila. Nakahalukipkip lang ako at nakatitig sa wine glass ko ng maramdaman ko na parang kanina pang nakatitig sa akin at pagtingin ko ay si Sir Silvestre iyon. Tinaasan ko siya ng kilay na para bang nagtatanong kung ano at mabilis niyang iniwas ang tingin sa akin. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-inom ng wine ng biglang magsalita si Mr. Luna.     "Ikaw, Therese? Ilang taon ka na ba? Single ka ba? I assumed you already have a boyfriend. Sa ganda mong iyan."     Binaba ko ang wine glass at sinagot siya.     "I'm already twenty-four, Sir turning twenty five next month." Tumango naman siya at mabilis na pumalakpak.     "Hmmm.. bakit hindi na lang kaya kayo ni Silvestre ang maging magkarelasyon. Tutal pareho naman kayong single at nasa tamang edad na naman kayo. Maganda rin iyon dahil magkakilala ang pamilya natin." Suhestiyon ng kanyang ama.     And suddenly, I choked upon what I heard from his dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD