Ika-Apatnapu’t Anim na Kabanata

1629 Words

    Naghiwalay kami ni Silvestre matapos kong pirmahan iyong kontrata. Maayos ang aming usapan na simula bukas ay pwede na siyang dumalaw sa kambal ngunit ang ideyang madaliin ang kambal na malaman ay hindi niya ipinilit.     Umalis ako sa opisina ng malapit nang lumabas ang kambal sa kanilang eskwelahan. Nakapangako kasi ako na ako ang susundo sa kanila at kakain kami sa labas. Dito na siguro ako makakahanap ng tyempo na sabihin sa mga bata ang magiging pagdalaw dalaw ni Silvestre sa bahay.     "Nanay!" Sigaw ni Therese at Therene ng makita akong naghihintay sa labas ng kanilang classroom.     Ngumiti ako at hinalikan ang mga pisngi nila. Hinigit nila ang kanilang mga trolley bags hanggang sa kotse. Masayang masaya silang dalawa dahil sa wakas ay makapunta sila sa mall sa unang pagkaka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD