Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay tumambad sa akin ang mga durog durog na make-up sa sahig. Nagkalat ang mga brush sa ilalim ng coffee table. Kahit na pagod pa ako mula sa restaurant ay mabilis kong sininop iyong gamit. "Nanay!" Sigaw ng anak ko na nasa hagdanan. Mabilis siyang bumaba. Nakakatawa ang kanyang hitsura. Punong puno ng makapal na make-up ang kanyang maliit na mukha. "Anong ginawa mo sa mukha mo? You touch nanay's make-up again? Where's Ate?" Binaba ko siya sa couch at nagpatuloy sa pagkuha ng make-up. Nilagay ko iyon sa aking kit at tinabi sa table. Humugot ako ng wet wipes at pinunasan ang mukha ni Thyrese. Nakanguso siya habang ginagawa ko iyon. "Why mo binubura nanay? Di ba ako pretty?" Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi totoo ang sinab

