Tinakbo ko na ang patungo sa elevator para makaabot sa meeting kahit na alam kong imposible na iyon. Halos magagandang bagay ang pinapasok ko sa aking utak umaasang good mood mamaya si Alden. Tumayo ako at inayos na ang aking skirt ng kumatok ako sa kanyang opisina. "Come in, Jessa!" Sigaw niya mula sa kanyang office. Sobrang kaba ang aking loob. Tumawa ng pagak ang kanyang sekretarya at halata mo ang kanyang takot. "Uh, Sir?" Sumilip ng bahagya si Jessa at inihaya ang pintuan sa akin. Bumukas iyon at nakita ko doon si Alden na nakaharap sa aking dako at dalawang lalaki na nakatalikod sa akin. "Nandito na po si Ms. Therese." Ngumiti ako ng di mapalagay. Pawisan ng malamig ang aking kamay. "Tsk. She's here." sabi ni Alden at tinuro ang isang upua

