"Ang ganda mo talaga friend. Galing talaga ng powers ko." Proud na sabi ni Eliz habang inaayos ang aking mahabang buhok. Nakalugay iyon at nakasuot ako ng isang blue halter dress na hanggang tuhod lang ang haba at sumakto ang kulay na iyon para sa morena kong katawan. Binaba niya ang suklay at tinitigan ako sa salamin. Napangiti ako. Eto na talaga! Sa wakas makikilala ko na ang pamilya Luna. Minsanan ko na silang nakita sa malayuan kapag pumupunta ako sa birthday celebration ni Clyde ngunit malayuan iyon o kaya'y magngingitian lamang kami. Ngayon ay mas dumoble ang aking kaba dahil sa posibilidad na di ako magustuhan ng kanyang pamilya. "Pa-ilang buntong hininga na iyan, Therese?" Puna ni Eliz at dumapa sa aking kama. Binalingan ko siya at tipid na nginisian.

