Chapter 3

1020 Words
Addison's POV Two weeks after ng paglabas namin mag pipinsan and finally, this is the day na dadating sa Pilipinas si Ate Violet. Sadly, di ako nakasama sa pagsundo sa kanya sa airport dahil may pasok ako but that's okay, ayoko rin naman magmukhang FC. Yeah Addison. As if you're not feeling close already. Tinatawag mo na ngang ate kahit di ka pa kilala at nakikita. Kuya Leo suggested na sa opisina niya na lang daw kami magkita kita and we all agree. Gusto din kasi ng tatlo na makita din ulit si Ate Violet especially after so many years na wala silang ano mang balita tungkol dito. Pero dahil may pasok ako sa opisina ngayon sinabi ko sa kanila na hahabol na lang ako. "Mga baklaaa! labas naman tayo ngayon after shift. May alam akong bagong bukas na karaoke bar. Walking distance lang yon mula dito. Ano say niyo?" Pag aaya saming dalawa ni Ashley "Huy ano? Sumagot kayo! Feel ko pa naman kantahin ngayon yung single ladies . All the single ladies, All the single ladies , All the single ladies now put your hands up." kanta ni Ashley habang sinasayaw pa yung dance step ng single ladies. "Maghunos dili ka nga Ash. Nakakabulabog ka sa mga kumakain." Sabi ko kay Ashley ng makitang nakatingin na samin ang mga tao. Ang lakas kasi ng boses ng babaeng to eh. By the way lunch na namin kaya nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa opisina namin. "At saka hindi ako makakasama ngayon. May pupuntahan ako." "Ay ano itech? Aalis ka? San punta mo? Date ba yan? Oh no! Pano na si papa Karl!?" "Huy! Boses mo Ash ang lakas lakas! Makapapa ka pa diyan, tatay mo ba yon? Ha? Tatay mo?" "Ay selos ka naman agad. Di ko naman aagawin sayo yun. Sayong sayo lang si Papa Karl." Todo ngiting pang aasar sa akin ni Ashley "Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi naman kami ni Ka---" "So kung hindi ka makikipagdate then saan naman ang punta mo ha? Ms. Addison Natividad? Don't tell me bibili ka na naman ng libro? Eh diba kabibili lang sayo ng mga pinsan mo?" tanong ni Jane. Alam din kasi nila ang obsession ko sa pagkolekta ng mga books. And yes kilala rin nila ang mga pinsan ko. Pinakilala ko sila sa apat noong nagdebu ko. Pero hindi naman iyon yung huli nilang kita sa mga pinsan ko. Minsan kasi kapag tumatambay kaming magkakaibigan sa bahay nasasaktuhan na yun din yung araw na bumibisita o binibigay ng mga pinsan ko yung pasalubong nila para sakin. "Pupunta ako sa opisina ni Kuya Leo. Doon kasi ipapakila ni Kuya Axel si Ate Violet. Girlfriend niya." sabi ko "W-wait! Wait a goddamn minute! Did I heard it right? Girlfriend ng kuya Axel mo? May girlfriend na si Axel my loves? Bakit di ko alam? Huhu pinagtataksilan ako ni Axel my loves!" madramang sabi ni Ashley "Sira! Pano ka pagtataksilan di naman kayo?" sabi naman ni Jane Tinignan naman ako ni Ash na parang nasaktan siya sa sinabi ko at dramatic na pinatong ang kamay niya sa tapat ng puso niya, "Ouch ha! Tsaka kahit na! Alam niyang crush ko siya dapat panindigan niya ako. Panindigan niya yung feelings ko para sa kanya." "Gaga! Anong panindigan? Ano ka buntis? At tsaka hayaan mo na si Axel 'my loves' mo. May tatlo pa namang natitira eh. May pag asa ka pa hahaha." sabi naman ni Jane sabay tawa na akala mo may gagawing masama "Sige na nga basta't may single pa kahit isa sa kanila ok na ko hahaha." sabi naman ni Ashley na akala mo hindi nagdrama kani-kanina lang. Napailing na lang ako sa usapan ng dalawa kong kaibigan. Alam ko ang paghanga nila sa mga pinsan ko. Pero hindi naman ako nagagalit kapag pinagpapantasyahan nila ang mga ito. Ang totoo niyan ay natatawa pa nga ako sa kanila dahil mukha silang mga baliw kapag pinagpapantasyahan nila ang mga ito. May time pa nga na iniisip na ng mga ito ang future daw nila kapag kinasal na sila sa isa sa mga pinsan ko. Sigh. Iba talaga kapag may kaibigan kang mga baliw. Araw araw kang may libreng live comedy show. "Ah basta. Aalis ako mamaya para makilala girlfriend ni Kuya Axel. And to be honest excited na akong makilala siya. Kaya nga hindi na ako makapaghintay na matapos itong shift natin."sabi ko "Okiee! Naiintindihan ka naman namin. Next time na lang tayo pumunta."nakangiting sabi ni Jane. "Thank you! Pero himala ata na hindi niyo ako pinilit na isama kayo?" Nagtataka kong tanong. Kilala ko kasi sila. Minsan kasi kapag alam nilang pupunta kahit isa sa mga pinsan ko sa bahay pinipilit nila akong tumambay kami sa bahay namin. Kaya kalimutan niyo na yung sinabi ko kaninang nasasaktuhan nila minsan ang pagbisita ng mga pinsan ko sa bahay. Minsan sinasadya talaga nilang dalawa ang pumunta at tumambay rin sa bahay namin. "Hay nako! Di namin feel sumama sayo ngayon. Ayaw namin masaksihan ang pagiging sweet ni Axel my loves sa girlfriend niya. Baka dun pa lumabas yung pagiging bitter ko." nakabusangot na sagot ni Ashley "Haha ok sabi niyo eh! Basta bawi na lang ako next time. Ako na lang magbabayad sa pang karaoke niyo." nakangiti kong sabi "Sabi mo yan ha! Wala ng bawian! Pag iyan di mo tinupad." Birong pagbabanta ni Ash kunwari sa akin. "Oo na! sige na sige na! Bilisan niyo na lang diyan ng makabalik na tayo sa opisina." sabi ko "Wait lang ubusin ko lang itong frappe ko." hirit pa ni Ashley "Ano pang uubusin mo diyan eh ubos na yang frappe mo?" Tanong naman ni Jane "Ano ka ba may chocolate pa sa ilalim. Sayang din to no." sabi ni Ashley sabay simot sa chocolate. "May chocolate ba sa ilalim? Oo nga no! Haha dapat talaga sinisimot tong mga ganto eh. sayang din tong mga chocolate na to pag di napakinabangan." hirit din ni Jane sabay simot din ng chocolate na nasa frappe niya Hay nako minsan iniisip ko kung tuluyan na bang nasiraan sa ulo tong mga kaibigan ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD