Chapter 5

2317 Words
Addison's POV Sabado na ngayon which means today is the day na magbobonding kami ni Ate Violet and I'm here now sa labas ng mall dahil dito ang usapan namin. Sa pangatlong beses ay muli akong napatingin sa suot kong relo. She's a little bit late. Ang usapan kasi namin 9 AM pero 9:40 na wala pa rin siya. Tinetext ko rin siya di naman nagrereply. Well baka na traffic lang. Or lowbat kaya hindi ako mareplayan. Pagpapalubag loob ko sa aking sarili. If you are asking, yes may number ako ni Ate Violet. Binigay sakin ni Kuya Axel yung number ni Ate Violet para daw may communication na kami and for us to be closer na rin. Pero sadly, everytime na tinetext ko siya ay madalang naman siya magreply. It looks like she's busy which I understand naman. Maya-maya lang ay may nakita akong kotse na nagpark sa parking lot ng mall. I know na si Ate Violet yon because of the car. Kulay violet kasi ang kulay ng kotse niya. Nakita ko ng bumaba si Ate Violet mula sa kotse at naglakad palapit sa akin. "Hi Ate Violet! Medyo late ka po ata? I guess natraffic ka? Hehe okay lang yan, gantong oras talaga medyo traffic sa High way papunta dito eh..hehe." I said sabay alangang ngiti. I tried to approached her first which surprised me since I never approach someone before unless they approached me first. But I guess I'm making an effort today since she's Kuya Axel's girlfriend. I tried to make it less awkward but I guess I kinda screw up since parang mas lalo pa atang naging awkward ang sitwasyon dahil sa tanong. Plus the awkward laugh in the end Actually, di pa rin kasi kami close ni ate Violet kaya di ko parin alam kung paano siya i-a-approach. Although understandable naman since this is only the second time na nagkita kami. But it looks like may mali sa sinabi ko based on her reaction. "Why do you look so mad? It's not like sobrang nalate ako. May inasikaso lang ako bago ako pumunta dito kaya nalate ako. Parang ang tagal mo naman naghintay." She said. I honestly so surprised ng ganito ang sinagot niya sakin. I don't know which part of what I said is rude for her para maging ganito ang reaction niya but yeah, matagal akong naghintay para sa kanya. Kaninang 8:30 pa ako nandito at mag aalas diyes na. I tried to take a deep breath at pilit siyang pinagtatanggol sa isip ko. Yeah, maybe may kasalanan din ako dito sa nangyari, maybe masyado akong naexcite na makabonding si ate Violet. And I know naman na kahit siya ay wala din magagawa if may biglaan talagang kailangang asikasuhin. Pero ang di ko maintindihin ay kung bakit naisip niyang galit ako. Neither my question nor my tone is rude enough para masabi niyang galit ako. And hindi naman ako galit eh, nagtataka lang talaga ako kung bakit na late siya. "Uhm no Ate Violet. Huwag mo sana masamain yung sinabi ko sayo. Di ako galit, actually medyo nag alala nga ako sayo kasi baka kako natraffic ka o baka kako mamaya may nangyari na sayo kaya ka-" "So gusto mong may mangyaring masama sakin, is that it?" nakataas kilay na tanong ni Ate Violet "Ah no! Of course not! That's not what I mean. Sa tingin ko na misinterpret mo lang yung sinab-" "You know what, forget it! It's nonsense anyway kung pagtatalunan pa natin ito. Nandito naman na ako diba? Saan ba tayo magbobonding? I still have some things that I need to be done by today so kailangan ko ding umalis kaagad. Di ako pwede magtagal." There are part of me na gusto siyang barahin at sabihing 'Then go. Di naman kita pinipilit kung nagmamadali ka.' But I guess, I still have some conscience na hindi siya sagutin. Look Addison! Gawin mo na lang to para kay Kuya Axel, okay? I'm sure malulungkot yon if malalaman niya na hindi magkasundo ang girlfriend at pinsan niya. "Ah ate Violet nagugutom ka na ba? May alam akong masarap na kainan dito baka gusto mo doon muna tayo pumunta?" tanong ko sa kanya habang pinilit kong lunukin ang inis ko at pinili pa ring tratuhin siya ng tama. "Where is it?" "Sa second floor nitong mall. Alam ko may Jollibee doon sa second floor eh." Yes favorite ko ang Jollibee. Actually mula bata hanggang ngayon Jollibee parin ang favorite ko. Naalala ko nung bata ako kapag may achievement ako sa school tinatanong ako nila mama kung ano ang gusto kong reward. And ang lagi kong sinasabi ay gusto kong pumunta ng Jollibee. Siguro ganon talaga, may mga bagay talaga na kahit lumaki o tumanda na tayo ay mahirap ng alisin sa sistema natin lalo na kung nakasanayan mo na. "I think I heard that name before. Is it a popular restaurant here?" tanong ni ate Violet. Huwag na kayong magtaka kung bakit hindi niya alam ang Jollibee. Actually nasabi na sa akin ni Kuya Axel na madaming hindi alam si Ate Violet dito sa Pilipinas. Kahit kasi sabihin mo na isa siyang Pilipino, hindi naman siya dito lumaki. Naikwento sakin nila Kuya Axel na 4 years old pa lang daw ata si Ate Violet ay nag migrate na sila sa States. Buti na nga lang daw ay tinuruan parin siya ng parents niya kung paano magtagalog. Kaya fluent pa rin si ate Violet magtagalog kahit na di siya dito lumaki. "Ah yes Ate Violet. Jollibee is very popular here. Pero hindi ito isang mamahaling restaurant na iniisip mo. It's a fast-food restaurant. You know, like Mcdo?" paliwanag ko kay ate violet "What? That's so...... cheap. Hindi ba nasabi sayo ni Axel na hindi ako kumakain sa mga fast food restaurants? Di mo alam kung gaano karumi magtrabaho ang ilan sa mga fast food restaurants. Ugh! You know what, may alam akong restaurant malapit dito. Dito ako dinala ni Axel nung nagdate kami nung isang araw. Doon na lang tayo kumain." Once again, I close my eyes and take a deep breath bago ko ulit binuksan ito at bigyan siya ng isang ngiti. "Sure. Wherever you want." ------------------ Dinala ako ni ate Violet sa isang five star restaurant. Ito yung restaurant na I can really say, mga may kaya lang talaga ang nakakapunta. Sayang lang dahil gusto ko pa naman ng Jollibee ngayon. Pero ok na rin. I quite understand naman na galing ibang bansa at mayamang pamilya si Ate Violet. Isa pa, hindi natin mapipilit ang mga preferences natin sa iba. If ayaw nila sa gusto mo then hindi mo sila pwedeng pilitin na gustuhin ito para lang sayo. I guess di lang talaga siya sanay sa mga fast food restaurants. Well, if ako ang tatanungin, di na rin naman na ako bago sa mga gantong kasosyal na restaurant. Pero kung papipiliin pa rin ako. Mas gusto ko pa rin yung mga simpleng kainan lang. "Excuse me!" tawag ni ate Violet sa isang waiter "Yes Ma'am?" "Table for two please." "Oh! This way Ma'am" sabi ng waiter sabay dinala kami sa isang bakanteng lamesa "Here's our menu ma'am. May I know your order, please?" tanong ng waiter sa amin "Uhmm... I think I'll go with the Egg and tuna Salad with Garlic Bread." Ate Violet "Drinks Ma'am?" Tanong ng waiter kay Ate Violet "Just water." And another thing, huwag na rin kayong magtaka kung bakit ang unti lang ng inorder niya. Nabanggit na din kasi sakin ni Kuya Axel na bukod sa pagpo- photography ay hobby rin minsan ni Ate Violet ang pagmomodel. Hindi pa naman ito ganon kakilala pero may mga ilan ng tumatawag dito para imodel niya ang mga product nila. "Noted. What about you Ma'am? May I know your order?" tanong ng waiter sabay baling ng tingin sa akin "Uhmm.... ano ba? Ah eto na lang. Grilled chicken with side of Zucchini and rice. And lemonade na lang yung drinks sakin." pagbibigay ko ng order ko sa waiter. Muli naman siyang nagsulat sa note niya bago nagpaalam at umalis. "So.. tell me, kamusta naman sila Axel bilang mga pinsan?" Biglaang tanong sa akin ni ate Violet which caught me off guard. I'm not expecting her first question to be about my cousins. Kasi hindi naman sa pag aassume pero diba ang tinatanong niya dapat ay about sa akin o kaya magkukwento siya about sa kanya. Because as far as I remember, ganyan ang ginawa nila Ashley at Jane sa akin para mas makilala pa nila ako noong unang pagkikita kita namin. Transferees lang kasi noon sila Ashley at Jane sa klase namin. And syempre bilang mga transferees gusto nilang may makaclose sa klase. Di ko nga lang alam kung ano ang tumatakbo sa isip nung dalawang yon at ako ang nilapitan nila. Ako pa naman ang pinakatahimik noon sa klase dahil wala pa akong kaibigan non. Ayun yung mga panahon na sobra pa akong mahiyain para makipag socialize sa ibang tao. So yun nga, ako kaagad yung nilapitan nila at gusto daw nila akong maging kaibigan pero nung nakita nga nilang di ako umiimik ay sila na lang ang nagtanong ng nagtanong ng mga bagay about sakin. Yung mga simple questions lang naman for our conversation to keep going tulad ng mga tanong na What's your name? How old are you? Favorite color? Favorite subject? Etc... Kaya nga call me childish pero bago kami magkita ni Ate Violet ay naghanda ako ng mga tanong na pwedeng itanong sa kanya dahil ayokong maging awkward sa kanya tulad dati. Isa pa ay dahil I thought it might be the way for us to be closer. But I guess mas gusto niya pang makilala sila Kuya Axel than me? Well I guess normal lang naman yon dahil boyfriend naman niya si kuya Axel. "Uhmm... ano nga ba? Hmm... for me, they are the best gift that I've ever get, aside from my parents of course. Kasi kahit kailan, palagi silang nandiyan para sa akin. Oh! and hindi ko pa nakitang magalit ang mga yon. Hindi nga ata talaga marunong magalit yung mga yon eh hahaha...." "...and nung mga bata pa kami.. actually I think kahit ngayon ay iniispoiled pa rin nila ako. Siguro dahil ako yung pinakabata sa amin magpipinsan? Or maybe because sa akin nila nakikita yung nakababatang kapatid na babae na wala sa kanila? I don't know. All I know is that, the five of us have been through thick or thin" mahabang paliwanag ko kay Ate Violet. "Nagka girlfriend na ba si Axel bago ako. Eh sila Marcus ilan na naging girlfriend nila?" ate Violet. Habang tumatagal ay paweird ng paweird ang mga tanong niya ngunit di ko na lang ito kinuwestiyon at sinagot nalang ang tinatanong niya. "Well, wala akong masyadong alam sa mga naging lovelife nila dahil bukod sa hindi sila palakwento about their love interest ay matagal din silang nag aral sa States. Kaya sa tingin ko ikaw ang nakakaalam sa buhay pag ibig nila sa States dahil ikaw yung nakasama nila doon..." "...pero so far, wala pa naman akong nababalitaan na mga naging girlfriend nila. Well, of course, bukod kay kuya Clyde na napaka play boy at sobrang daming nalilink. But so far, sa kanilang apat, ikaw pa lang naman ang unang babaeng napakilala ng isa sa kanila sa akin bilang girlfriend nila" mahabang paliwanag ko ulit sa kanya. "Well ano naman ang reaksiyon mo ng malaman mo na girlfriend ako ni Axel?" Ate Violet. Bago pa ako makasagot ay nagsalita na ang waiter at inilapag ang mga order namin. "Here's your order ladies. Enjoy your meal." sabi ng waiter sabay alis din. Nakita ko yung inorder ko na mukhang masarap kaya pagkaalis ng waiter ay nagsimula na akong kumain. "Addison!?" Ate Violet sabay pitik ng daliri niya sa harap ko. Mukhang kanina niya pa ako tinatawag pero busing busy kasi ako sa kinakain ko kaya di ko siya napansin. "A-ah im sorry, ano yon?" "Diba I'm asking you kung ano kako ang naging reaksiyon mo nang malaman mong girlfriend ako ni Axel." tanong ulit ni ate Violet sa akin at nag umpisa na rin kumain ng inorder niya. Ah oo nga pala tinatanong niya nga pala ako pero dahil sa gutom ko nakalimutan ko na haha. "Well at first nagulat ako. Si kuya Axel kasi ang pinakahuling ineexpect kong magkakaroon ng girlfriend sa kanilang apat. Tahimik lang kasi yun eh. Kung si Kuya Marcus may pagkaseryoso ayun naman napaka tahimik at aral lang lang talaga ang inaatupag. Kaya nga mas hindi ako makapaniwala ng malaman ko na ikaw ang naging girlfriend niya." - mahabang paliwanag ko pero nagulat ako sa naging reaksyon niya. "So what are you trying to say!? Na hindi ako bagay kay Axel ganon ba!? Ha!?" galit na tugon sa akin ni ate Violet sabay tayo. What? Saan na naman nanggaling yung out burst niya? Hindi naman yun ang gusto kong iparating sa kanya. What I'm trying to say is that compare kasi kay Kuya Axel, Ate Violet is such a strong, independent and out going person. Kaya nagulat ako na sila yung tinatawag nilang "nagclick". Dahil kasi sa ugali ni Kuya Axel akala ko magkakagusto din siya sa babaeng tahimik at mahinhin. Pero hindi ko naman sinabi na hindi sila bagay ni kuya Axel. Napapansin kong nag uumpisa na kaming pagtinginan ng mga tao dahil sa biglang pagtayo at pag sigaw ni Ate Violet. Dahil sa pagkataranta ko ay pabigla rin akong tumayo para sana magpaliwanag pero di ko naman alam na mabubunggo ko ang lamesang pinagkakainan namin pagtayo ko. At hindi ko rin inaasahan na matatapunan siya ng tubig na iniinom niya at yung lemonade na iniinom ko kanina dahil umalog ang mga ito ng mabunggo ko ang lamesa. "OH MY GOD! LOOK WHAT YOU'VE DONE! YOU RUINED MY DRESS! ARGGHH!" Oh God. Worst day ever...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD