Chapter 7

2876 Words
Addison's POV "Manong ito po bayad oh. Thank you po!" Wika ko sa driver sabay abot ng bayad at lumabas na ng taxi Pagkatanaw ko sa building ay pumasok kaagad ako dito. Sa pagkakaalala ko ay nasa second floor pa ng building na ito ang studio. Pagkadating ko sa studio ay nakita ko si Kuya Clyde na nakaupo sa isa sa mga sofa doon habang may tinatype sa cellphone habang ang iba namang mga tao na nasa loob ng studio na sa tingin ko ay mga staffs ay mukhang inaayos ang mga gagamitin para sa photoshoot. "Kuya Clyde" pagtawag pansin ko sa kanya. Nagawi naman kaagad ang paningin sa akin ni Kuya Clyde ng marinig niya ang tawag ko. "Addy!" bigkas ni Kuya Clyde sabay lapit at yakap sa akin. Niyakap ko din naman siya pabalik. Pagkakalas namin sa pagkakayakap ay may tinawag siyang pangalan na sa tingin ko ay pag mamay-ari ng photographer na kukuha ng letrato niya. May camera kasing nakasabit sa leeg nito. Naalala ko tuloy si Kuya Axel bigla dahil dito. Lagi din kasing may nakasukbit na camera sa leeg non. Anyway, mukhang bagong katrabaho ni Kuya Clyde ito. Medyo madalas rin kasi akong nasasama ni Kuya Clyde sa photoshoot niya noon kaya namumukhaan ko na yung ibang mga nakakasama at nakakatrabaho niya sa photoshoot. At masasabi kong ngayon ko lang siya nakita. "Kurt" tawag ni Kuya Clyde at hindi nga ako nagkamali dahil lumapit sa amin yung lalake may nakasabit na camera sa leeg. "Oh Clyde siya na ba yon?" sabi nung Kurt. Mukhang close sila ni Kuya Clyde ah. First name basis eh. But wait, ano daw? Anong ibig niyang sabihin na siya na ba yon? "Yeah! Siya yung sinasabi ko sayo. Ano? pasado ba sayo?" nakangiting tanong ni Kuya Clyde. Ano bang pinagsasabi nila? Anong pasado? "I got to say, She's gorgeous. Who is she? Your girlfriend?" Wika noong Kurt. Natuwa naman ako nung sinabi niyang gorgeous ako pero ano daw? Girlfriend? Ako? Girlfriend ni Kuya Clyde? Hihindi sana ako ng maunahan ako ni Kuya Clyde na magpaliwanag. Kuya Clyde chuckled slightly before answering, "Nah. She's my cousin." "Oh sorry I thought she's your girlfriend. But anyway, I'm Kurt Evans. Nice to meet you...?" "Addison. Addison Natividad" sagot ko dito sabay abot sa kamay niyang nakalahad para makipag shake hands. "Yeah nice to meet you Addison. But anyway how come i didn't know her if she's your cousin. I thought kayo lang apat ang magpipinsan?" tanong ni Kurt "Of course ngayon mo lang siya makikilala. Ngayon ka lang naman nadayo dito sa Pinas." Natatawang sabi ni Kuya Clyde "I know, moron! What I'm asking is how come I didn't know her? As far as I remember you didn't even mention her to me." "I'm protecting her from you, shithead. Knowing you, kahit nasa kabilang dako pa yan, hindi mo aatrasang gago ka." "Damn you, Natividad! Kakameet pa lang namin ni Addison sinisiraan mo na agad ako sa kanya? And isn't ironic na sayo pa talaga nanggaling yang mga salita na yan?" nakangising tanong ni Kurt. Napangisi lang din si Kuya Clyde sa sinabi nito pero hindi na nagsalita pa. "Wait, so you're a foreigner?" Sungit na tanong ko ng tumigil na sila sa pangbubuska sa isat isa. "Yup, that I am." nakangiting sagot sa akin ni Kurt. "Really? That's amazing. How come you look so fluent in speaking tagalog if this is your first time here in our country?" I asked him. Mukha bang reporter? Hayaan niyo na, nacurious ako eh. "Well, I guess I'm a fast learner. But anyway, hindi pa naman ako ganon ka fluent. There is still a bunch of tagalog words that I dont know." "Well enough with the chitchat, let's start working, shall we? Leigh-Ann! Pakiayos naman si Addison so we can start na." "T-teka teka! Start? Start saan? Bakit ako aayusan?" Nagtatakang tanong ko. Ngayon na naalala ko. Hindi ko pa nga pala alam kung bakit ako pinapunta dito ni Kuya Clyde. "Wait you don't know?" tanong nito sa akin sabay baling ng tingin kay Kuya Clyde. "You didn't told her?" Tanong nito kay Kuya Clyde. Napakamot si Kuya Clyde ng batok niya. "Well haha I ahm... I ...forgot?" Sabi ni kuya Clyde "You forgot or you purposely didn't tell her until she's already here because you knew she will decline it?" Kurt said with a deadpan look on his face. "Wait ano ba kasi yun? Ano yung hindi nasasabi sakin ni Kuya Clyde?" Nagkatinginan lang silang dalawa. About 40 minutes ago..... Clyde's POV "Where is Natalie!? Anong oras na ha! She's 30 minutes late! Leigh-ann call Natalie or her manager. Right now!" Pasigaw na utos ni Kurt. Well hindi ko naman siya masisi. Kanina pa namin hinihintay si Natalie, my partner for today's photoshoot. Ang ayaw pa naman sa lahat ni Kurt ang naghihintay. "Sir nakausap ko po yung Manager ni Miss Natalie. Papunta na daw po sana sila dito ng mahulog daw po si Miss Natalie sa hagdanan. Nakalimutan daw po nila yung cellphone nila sa condo ni Miss Natalie noong dinala nila ito sa hospital kaya hindi daw po kaagad niya tayo natawagan. Mukhang nabalian daw po si Miss Natalie kaya mukhang hindi daw po muna sila tatanggap ng kahit anong project and photoshoots kahit kanino." Mahabang paliwanag ni Leigh Ann kay Kurt. "What!? s**t! Uh okay... just call Rachel. Tell her siya na lang kapalit ni Natalie." Kinuha naman ni Leigh ann ang cellphone niya at may tinawagan. "Hello Miss Rachel. Ano po... yes sorry po sa abala. Pinapatanong lang po ni Sir Kurt kung pwede daw po kayong mag photoshoot ngayon with Sir Clyde. Opo ngayon po...... Ahh ganun po ba. Sige po thank you po." "Ahh Sir, hindi daw po makakapag photoshoot si Miss Rachel. Binisita niya daw po yung grandparents niya ngayon sa province nila." Napahilot naman sa sintido si Kurt. Maybe because of stress. "Ahh Sir tatawagan ko na po ba si Miss Yvonne?" Pambasag ni Leigh Ann sa pananahimik ni Kurt. Napabaling naman bigla si Kurt kay Leigh ann mula sa pagkakayuko dahil sa sinabi niya. "Don't you f*****g dare!" Nanggagalaiting sigaw ni Kurt Yvonne is also one of the models na nakasama ko minsan sa photoshoot kung saan si Kurt ang naging photographer namin. Pero imbes na maging professional model. Monkey business ang ginawa sa studio. Making the story short, hindi nagustuhan ni Kurt ang pagiging unprofessional nito at hindi na ulit ito pinabalik pa sa studio. And aside from that, sabihin na lang natin na kinasusuklaman ni Kurt ang mga taong kagaya ni Yvonne. Sa pagkakaalam ko kasi ay nagkahiwalay ang mga magulang ni Kurt dahil sa ganoong klaseng babae. Nagkaroon ng affair ang dad niya sa isang babaeng nakilala nito sa isang club at nung nalaman ng daddy niya na nabuntis niya yung babae hiniwalayan nito ang mommy niya. As far as I know, yun din ang dahilan kung bakit naging babaero ito nung nag aaral pa kami. Gusto niya daw iparamdam sa mga ito kung ano ang naramdaman ng mommy niya. Yeah I know, sounds illogical right? Pero wala siyang pake kung napaka kulot ng mga reasoning niya. Paiibigin niya ang mga ito, paasahin at pag hulog na hulog na ang loob nito sa kanya saka niya ito iiwan. Well yon ang pagkakaiba namin ni Kurt. Yes, We are both womanizers but as for me, I don't treat my women as a part of my revenge, I treat them nicely, yun nga lang umpisa pa lang ay sinasabi ko na agad sa kanila na I don't want any commitments and any string attached, kung ano ang ginagawa namin then hanggang doon lang kami, nothing less, nothing more. Sa pagkaka alam ko, ngayon may nagugustuhan ng babae si Kurt kaya siguro tumigil na din ito sa pagiging womanizer at harap harapan na lang niyang pinapakita ang pagka disgusto niya sa mga babaeng katulad ni Yvonne. "How about Miss Cindy? Nakausap mo na ba siya? Call her. Ask her if meron ba sa mga hawak niyang models ang free na mag photoshoot ngayon." Narinig kong utos ni Kurt kay Leigh-Ann Miss Cindy is a manager. Siya ang may hawak sa ilang models na nakasama ko na rin sa mga photoshoots. "Ah Sir! Sa pagkakaalam ko po nasa Paris po ngayon si Maam Cindy pati yung mga hawak niyang models. Kasama po ata sila sa mga mag momodel ng isang sikat na brand doon kaya hindi po sila free ngayon." Paliwanag naman ni Leigh ann "f**k!" sigaw ni Kurt Tumayo na ako sa pagkaka upo ko at nilapitan ang kanina pang na-i-stress na si Kurt. "Bro, don't stress yourself. Ako ng bahala. May naisip na akong papalit kay Natalie." Nakangiti kong sabi kay Kurt "You sure?" Nag aalinlangan pa ring tanong ni Kurt "Oh trust me. I'm sure." ........... Flashback ends... Addison's POV "WHAT? NO WAY! Hindi ako papayag!Hindi naman ako model eh. Bakit ako!?" Halos naghihisterikal kong pagtanggi sa kanila. Ang plano pala nila ay ako ang papalit sa model na hindi makakapunta ngayon. "Addison, please! I know ngayon lang tayo nagkita but please do me a favor. Just this one." Sabi sa akin ni Kurt "P-pero hindi ako marunong. Hindi naman ako model eh. At saka... at saka......n-nahihiya ako." Pahina ng pahina na sabi ko sa kanila pero mukhang narinig naman nila. "No no! I know you can do this even if you're not a model! Madali lang naman ang gagawin mo. Magpopose ka lang ng magpopose. Tsaka pinsan mo ang kasama mo dito sa photoshoot na to kaya hindi masyadong awkward. And dont worry, hindi ka naman namin pagsusuotin ng malaswang damit. Thank God hindi ganon ang theme namin ngayon. What you just need to do is to act and pose like a sweet loving couple." Mahabang paliwanag ni Kurt "WHAT? YOU MEAN MAGPAPANGGAP KAMI NA MAG COUPLE?" Sigaw ko ulit sa kanya "Addison calm down. Isa pa, it's not like you'll really going to act like a couple. Photoshoot to diba? Of course magpopose lang kayo. You dont really have to act like a couple. Tsaka isa pa magpinsan naman kayo kaya walang malisya right?" "Pero....pero-" nag aalangan ko pa ring sanang sagot ng sumingit si Kuya Clyde. "Addy sige na, just this one. Please?" Sabi ni Kuya Clyde habang tinitignan ako mabuti sa mata. "......Sigh....Fine. I'll do it." Sabi ko. Nakita ko naman silang napangiti at mukha silang mga nabunutan ng tinik sa lalamunan. Nagulat ako ng yakapin ako ni Kuya Clyde. "Thanks Addison." Sabi sa akin ni kuya Clyde pagkakalas niya sa yakap naming dalawa. "Hay nako! Pasalamat ka malakas ka sakin." Nagbibiro kong sabi kay kuya Clyde "Oh sige na tama na yan haha. Again, thank you Addison. Leigh Ann paki ayusan naman na tong si Addison." Sabi ni Kurt "Ok po Sir. Miss Addison halika na po." Nakangiting ayaya sa akin ni Leigh ann ............ "Kaunting blush on pa at.... tapos na. Ok na po Miss Addison." Sabi ng make up artist na nag make up sa akin. Tinignan ko naman ang sarili. Ang ganda. "Ayan Miss mas lalo kayong gumanda. Bumagay sa inyo yung natural look na make up. Mas lalong naenhance yung mga features ninyo." pagpuri nito sa akin. "Thank you." Mahinang sabi ko sa kanya sabay ngiti. Ang totoo kasi niyan naiilang pa rin ako kapag nagsusuot ako ng make up. Nagme-make up lang naman ako kapag may mga kailangang daluhan na event ang mga Natividad. Kapag naman pumapasok ako ng trabaho ay unting foundation at lip balm lang ang ginagamit ko. Buti na lang talaga simpleng dress lang yung pinasuot nila sakin "Sige po Miss Addison pwede na po kayong lumabas. Mag uumpisa na po ata ang photoshoot." Nakangiting sabi nito sa akin. "Sige lalabas na ako. Salamat." Pagkatapos kong sabihin yon ay tumayo na ako at lumakad papalabas ng kwarto kung saan ako inayusan. Pagkalabas ko ay nakita kong nakaayus na lahat ng mga kailangan. Nakita ko rin si Kuya Clyde na mukhang nakaayos na rin at nakaupo sa sofa doon. Mukhang naramdaman niya atang nakatingin ako sa kanya kaya lumingon siya sa gawi ko. Nakangiti siyang tumayo at naglakad papalapit sa akin. "You look gorgeous as always, Addy." Nakangiting sabi sakin ni Kuya Clyde habang sinusuri pa rin ang itsura ko "Ay sus! Sinasabi mo lang yan kasi pumayag ako na maging replacement ng partner mo dapat today." "No! Seriously! You look amazing! But anyway, about that, thank you that you accept our request kahit biglaan. As a payment, let me ask you for a dinner minsan. My treat!" "Sige sabi mo yan ha. Aasahan ko yan. Basta treat mo ha?" He just smiled at me and pat my head. Mukhang napansin na din ako ni Kurt or should I call him Sir Kurt? Since base on my observation it seems like he is the boss here. But yeah, anyway mukhang napansin niya na ako dahil narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. "Oh Addison! Mukhang ready ka naman na. So let's start?" Tanong niya sakin Tango lang ang tanging naisagot ko sa kanya dahil ang totoo niyan ay kinakabahan pa rin ako. Nginitian naman ako nito, "Great! Don't worry, wag kang kakabahan. Magpopose ka lang naman and bibigyan ka naman namin ng instruction if needed. Pumunta na kayo doon sa gitna at pumwesto na." Pumunta naman na kami ni kuya Clyde sa pwesto kung saan kami pipicturan. "Ok! Basta mag pose lang kayo like a sweet couple." Sabi ni Kurt sa amin May kinuha naman si Kuya Clyde na isang boquet of roses na sa tingin ko isa sa mga props para sa photoshoot na to. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at inilapit sa mukha ko yung boquet. Ang siste parang binibigay niya sakin yung boquet. Ginawa ko naman na yung parte ko. Ngumiti ako habang tila inaabot yung bulaklak. "Yan great! Ok! Ok! Ben paki lagyan mo nga ng lights yung banda don. Yan! Dyan! Ok perfect! Ok! Tuloy niyo lang yan." Parang nagkaroon naman ako ng confidence dahil sa mga compliments na binabato niya sa akin. Nakakadala rin ang pagiging professional ni Kuya Clyde kaya kahit wala akong alam dito, feeling ko matatapos ko ito ng maayos. "Ganyan nga! Great expressions! Ok next pose! Bitawan niyo na yang boquet." Ginawa namin ni Kuya Clyde yung sinabi niya at binitawan na ang mga bulaklak. "Clyde try to back hug her then put your chin on her shoulder." Ginawa naman ni Kuya Clyde yung inuutos niya. Pumunta nga siya sa likod ko at niyakap ako sa bewang. Medyo nailang ako ng maramdaman kong sobrang magkadikit na yung katawan namin. Napasinghap naman ako ng maramdaman kong pinatong niya yung baba niya sa balikat ko. Sobrang lapit ng mukha niya na nararamdaman ko na yung hininga niya sa leeg ko. Bakit ba ako nagugulat eh hindi naman ito yung first time na binack hug niya ako pero siguro kasi ngayon madami nang nanonood na hindi ko kilala yung nakakakita sa amin. Idagdag mo pa na may nangunguha ng letrato sa amin. "There! Perfect expression Addison! Ganyan nga. Kunyari nagulat ka." Sabi ni Kurt habang patuloy ang pagkuha ng letrato sa amin. Nang medyo masanay na ako sa pwesto namin ay inayos ko na lang ang trabaho ko. Ngumiti ako habang hinawakan ko yung kamay ni Kuya Clyde na nakayakap sa akin. Iniba naman ni Kuya Clyde ang pose niya. At lumapit ang mukha niya sa pisnge ko para halikan ako doon. Sanay naman na ako dito dahil lagi naman nila akong kinikiss sa pisnge. "Ganyan nga Clyde! Just like that Good! Good!" Pinipicturan pa rin kami ni Kurt sa ganoon pa ring pwesto. Pero nagulat ako ng alisin ni Kuya Clyde ang labi niya sa pisnge ko at ilapit ito sa tenge ko. Napasinghap ako ng maramdaman kong kinagat niya yung tenga ko. Pero di lang yon nararamdaman ko rin yung dila niyang nagpapabalik balik habang kagat-kagat niya parin yung gilid ng tenga ko. "Perfect! Perfect Clyde! Ganyan nga! Great expressions!" Mukhang hindi nila napapansin ang ginagawa ni Kuya Clyde dahil patuloy pa rin siya sa pagkuha ng letrato at dahil na rin siguro na mas nakafocus sila sa facial expressions namin. Dagdag pa na minimal at dahan dahan lang itong ginagawa ni Kuya Clyde. Halos hindi ko na maintindihan yung mga sinasabi ni Kurt dahil sa mga nangyayari. Patuloy parin si Kuya Clyde sa pagkagat sa gilid ng tenga ko habang palihim niyang dinidilaan ito. Naramdaman ko ring medyo binaba niya yung yakap niya sa akin. Kung kanina nakapwesto ang mga kamay niya sa medyo taas ng tiyan ko ngayon naramdaman ko itong bumaba hangang sa puson ko. Ewan ko. Dapat hindi ako mailang dahil magpinsan naman kami pero sa pwesto kasi namin ngayon at sa ginagawa niya hindi ko maiwasan makaramdam ng pagkailang. Halos batukan ko na ang sarili ko sa isip ko. Baliw ka talaga Addy! Bakit ka nag iisip ng mga ganyan! Magpinsan kayo kaya dapat hindi ka mailang at saka isa pa trabaho lang naman ito. It's not like gusto rin naman gawin ni Kuya Clyde to noh! Ginagawa niya lang yung trabaho niya as a model. Ganun lang yon. Hay nako! Wish ko lang talaga matapos na tong photoshoot na to....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD