Axel's POV "Explain, Jessica. You dont want me to repeat myself." I said again ng hindi siya kumibo. At first ay tahimik pa rin ito at mukhang walang balak magsalita pero di naglaon ay bumuntong hininga ito. "Doon tayo sa sala." Aya niya sa akin sabay nauna nang lumabas ng kwarto. Tinignan ko pa ng huling beses ang mahimbing na natutulog na si Violet bago lumabas na rin sa kwarto. Nang makapunta ako sa sala ay nakita ko ng nakaupo si Jessica sa isang single sofa kaya umupo ako sa katapat nito. Walang nagsasalita sa amin. Tila nagpapakitamdaman lang sa isa't isa. Nakatahimik lang ako at seryoso siyang tinitignan. Alam kong hindi magtatagal ay magsasalita rin siya. At hindi nga ako nagkamali dahil pagkatapos ng ilang beses pa nitong pag buntong hininga bago ito magsalita. "Violet has

