Chapter 1

1977 Words
Addison's POV "Anak, bangon ka na diyan dali! May mga bisita ka sa baba." sigaw sakin ni mama mula sa labas ng kwarto. "Ma sabihin niyo sa kanila bumalik na lang sila mamaya. Kulang pa ang tulog ko." inaantok kong sabi kay mama. Kulang talaga ako sa tulog dahil tinapos ko pa ang report ko para sa meeting nila Sir Jimenes. Buti na lang at day off ko ngayon kaya mababawi ko ang pinuyat ko kagabi. "Ayaw mo talaga bumangon? Oh sige, sasabihin ko na lang kila Axel na pinapaalis mo sila at ayaw mo na silang maki-" Mabilis akong napabangon ng marinig ko ang sinabi ni Mama, "What!? He's here!?" Omg! Nakauwi na sya! "Hindi lang si Axel. Nandoon din sa baba sila Marcus, Clyde at Leo. Kaya pag di ka pa bumangon diyan sasabihin ko sa kanilang ayaw mo silang maki-" Di ko na pinatapos pa ang sinasabi ni mama at nagmamadaling pumunta ng banyo pero bago ako tuluyang pumasok ay hinarap ko ulit si mama. "Ma pakisabi sa kanila hintayin na lang ako sa baba, mag-aayos lang ako. Pag-almusalin mo na muna sila Ma!" wika ko sabay pasok ng bathroom. "Oo na! Oo na! Itong batang ito inutusan pa ko." rinig ko pang wika ni mama kasabay nito ay ang tunog ng pagsarado ng pinto. I'm Addison Natividad, 22 turning 23. Only child. Kung tatanungin niyo ako about sa parents ko, well my Mom is a housewife. Hindi na kasi sya pinagtrabaho ni Papa simula ng ikasal sila dahil ayaw daw niyang nakikitang napapagod si Mama. Si Papa naman isang OFW. Yes OFW si Papa. Ang totoo niyan ay may kaya-- scratch that, they're rich. My Dad's family is rich, not that I brag about but yeah! you get my point. That's why hindi ko maintindihan kung bakit laging tumatanggi si Papa kapag sinasabi nila Lolo na sa Company na lang nila siya magtrabaho. Pero dahil hindi talaga siya mapilit nila Lolo, in the end, hinayaan na lang nila si Papa na gawin ang gusto niya which is mag OFW. Ang totoo niyan ay sapat naman na yung sahod ko para sa amin kaya nga sinabi ko na kay Papa na gusto ko na syang pahintuin sa pangingibang bansa dahil may katandaan na rin si Papa. Fortunately, nangako naman siya na tatapusin niya na lang daw itong huling kontrata nya at magreretiro na siya. Yung apat ko namang pinsang nasa baba ay mga pinsan ko sa father side and I'm so excited to see them dahil ilang buwan ko rin silang mga hindi nakita-- ng personal of course, but we still keep our communication with each other. I video called them sometimes. Si Kuya Leonardo Natividad, Leo for short, 27, ang pinaka matanda sa aming magpipinsan. CEO of one of our Lolo's Company. Siya ang inatasan na mag-handle ng Company sa Canada that's why ilang buwan din siyang wala sa bansa. Second is Kuya Axel Natividad. Almost 3 years ko din siyang hindi nakita dahil if I remember correctly, nag-aral siya ng photography sa Italy. He is 25 by the way. Next is Kuya Marcus Natividad, 24 yrs old. Siya naman ang nag-handle ng company sa Germany that's why almost 6 months ko rin siyang hindi nakita. And last, Kuya Clyde Natividad. 23, yup ilang buwan lang ang tanda nya sa akin. 2 years siyang nasa America para mag-aral ng modelling. Balita ko nga ay medyo sikat na siya doon kahit baguhan pa lang siya sa industriya ng modelling. Well, what can I say, talaga namang may maipagmamalaki ang mga pinsan ko from brain to looks. -------------- "Pababa na din si Addison, nag-aayos lang saglit. Pagpasensiyahan niyo na't medyo napuyat kasi ang anak ko kagabi, may mga tinapos kasi na report para sa trabaho niya...mag almusal na lang muna kayo habang hinihintay niyo siya." Nakangiting pag-aya ng ina ni Addison sa apat na lalake na nakaupo sa sofa nila sa sala. "Di na po tita. I'm still full. Kumain na po ako bago ako pumunta dito but thank you." sabi ni Axel. "Ganon ba? Sige okay lang. Timplahan ko na lang muna kayo ng kape para may mainom kayo habang naghihintay." Muling wika ng ina ni Addison bago ito nagpaalam sa apat at naglakad papunta sa kusina. "I didn't know na nakauwi na rin pala kayo. And you really came here at the same time, huh. What? Did you planned this?" tanong ni Clyde sabay tawa ng mahina pero mahihimigan mo ang pagod sa boses niya. Pagkalapag na pagkalapag niya kasi ng airport ay dumiretso na siya dito sa bahay nila Addison. "We didn't plan any of this. I didn't even know na nasa Pilipinas na din kayo. It's already past midnight when the plane I boarded landed that's why I decided na ngayon na lang ako bumisita." sagot naman agad ni Leo sa tanong ni Clyde. "Yeah. It's purely coincidence, Clyde. Katatapos lang din ng project namin sa studio last week. Pero kahapon lang din ako nakauwi dahil inayos ko pa lahat ng gamit ko." malumanay na bigkas ni Axel na may sabit pang isang camera sa leeg nya. Sa kanilang apat ito ang pinaka mahinahon. Marahan lang namang nakatingin at nakikinig sa kanila si Marcus. Actually ay may kailangan pa siyang ayusin sa company nila sa Germany. Pinauwi lang talaga siya ng ama niya dahil nagkaroon ng problema sa isang branch nila sa Batangas. That's why their Lolo decided na sa ama ni Marcus na lang niya ibigay ang project sa Germany habang dito naman si Marcus sa Pilipinas. And actually isang linggo na syang nandito sa Pilipinas. Pero dumiretso muna siya sa Batangas para maresolba ang problema nila habang ang tatay niya naman ang pumunta sa Germany para humawak ng Company nila doon. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras pagkatapos niyang maresolba yung problema nila sa Batangas kaya ngayon lang siya nakadalaw kila Addison. Di niya naman sinabi kay Addison na isang linggo na siyang nandito dahil gusto niyang i-surprise ito. At ngayon ngang dinalaw niya si Addison di naman niya akalain na nakauwi na rin pala ang mga pinsan niya. Gaya nga ng sinabi ni Axel it was purely coincidence. "Oh ito na ang kape niyo mga anak." Nakangiting sabi ng nanay ni Addison na si Gina Natividad. "Thanks tita. Ah right, now that you mention about Addy's job a while ago, I just remembered na hindi sa kumpanya natin siya nagtatrabaho, right? Why don't she just work in the company? Ginagaya niya ba si Tito Luis na ayaw din magtrabaho sa kumpanya? tanong ni Clyde ng na may halong biro sa huling sinabi. Almost two years pa lang kasi simula ng magkaroon ng trabaho si Addison. A few months after umalis ni Clyde ng Pilipinas kaya nalaman niya na lang na may trabaho na ang dalaga when he video called her once pero hindi niya naitanong dito kung bakit hindi sa kumpanya nila ito nagtrabaho. Instead of Addison's Mom ay si Leo na ang sumagot sa tanong ni Clyde "Addison said that the reason why she wants to be in that company is because doon din nagwowork ang mga kaibigan niya. She said she wants to be kung nasaan din ang mga kaibigan niya." Leo answered. Unlike Clyde, ilang buwan pa lang simula ng umalis si Leo sa Pilipinas kaya alam niya ang mga nangyayari sa dalaga. "Bakit hindi mo na lang sila ipasok tatlo sa kumpanya? Wala naman problema doon and I'm sure they'll do a great job." pagpupumilit pa rin ni Leo. "I already said that to her but she refused. Kamag-anak daw kasi ng isa niyang kaibigan ang may ari ng company na pinapasukan nila ngayon and gusto ng parents ng kaibigan niya na doon magtrabaho ang anak nila." Leo answered again "Addison really needs to learn how to be independent sooner or later, Hindi habang buhay kailangang laging kasama niya ang mga kaibigan niya." Marcus finally break his silence and said that. "Well, I wonder kung saan nakuha ni Addison ang pagiging clingy at pagiging dependent niya masyado sa mga taong nakapaligid sa kanya?" Gina said habang nakahawak pa sa baba niya at tila nag-iisip pero alam ng apat na sila ang pinaparinggan nito. Ever since kasi mga bata sila until now, sila ang nag spoiled ng husto kay Addison. Bata pa lang ito ay napaka clingy na at laging nakadepende sa kanila. Never naman nila ito pinagsabihan because even if they deny it or not, they love to spoiled Addison. Pasalamat na lang sila at hindi ito lumaking spoiled brat. Yeah, She's spoiled but she's not a brat. Nakita naman ng ina ni Addison ang biglang pagtahimik at pagyuko ng mga ito kaya tinigil na niya ang pang-aasar sa mga ito. Addison's Mom chuckled and said, "I'm just teasing you boys, relax. Hindi ko kayo sinisisi. Isa pa, ayun naman talaga ang isa sa mga gusto ko kay Addison. Because of her clingyness at pagiging dependent, hindi nawawala ang pagiging sweet niya sa amin ng tatay niya. It's one of many parents dream na maramdaman pa rin ang sweetness ng anak nila even though malaki na ang mga ito. So I'm thankful to all of you na nagbuild up ng ganong characteristics ni Addison. Nararamdaman pa rin namin ang pagiging sweet niya even though she already turn into a fine young woman." She smiled to all of them. "And about naman doon sa pagiging dependent niya masyado. Don't worry, she's actually trying to be independent na, kaya nga hindi siya sa kumpanya ninyo pumasok. She wants to build her name for herself. Gusto niyang magkaroon ng trabaho hindi dahil sa apelyido na meron siya kung hindi dahil sa sipag at tiyaga niya." Pagpapatuloy sa pagpapaliwanag ni Gina. Hindi na sila nagbalak pang magtanong dahil sapat na ang explanation ng tita Gina nila para masagot ang mga tanong nila. And they know na hindi na nila mapipilit pa si Addison. Manang mana ito sa papa niya na gagawin kung ano ang gusto nitong gawin. "Kuya Axel..." rinig nilang wika ng isang pamilyar na boses. Lumingon sila sa pinanggalingan ng boses at nakita nila si Addison sa taas ng hagdan. Si Axel ang unang tinawag nito dahil si Axel ang pinakatanaw mula sa kinapwepwestuhan ng dalaga. Dali dali itong lumapit sa kanila at niyakap sila isa- isa. "Kamusta!? My god I miss you all so much! Ngayon ko na lang ulit kayo nakita ng personal! And is it me or gumwapo ata kayo lalo?" Natutuwang sabi ni Addison. Tinawanan lang siya ng mga ito sa pambobola niya. "Is this your pasalubong for me!?" nakangiting tanong ng dalaga ng makita niya ang mga kahon at paper bag na may logo ng mga kilalang brand. "As expected, pasalubong na naman ang nasa isip mo. It feels like excited ka lang na makita kami because of our gifts for you." animo'y malungkot na tanong ni Clyde. Well hindi naman totoong pasalubong lang ang habol niya sa mga ito. She really miss her cousins. Kaya lang dati kasi, tuwing pumupunta ang mga ito sa ibang bansa or out of town ay lagi itong may mga dalang pasalubong para sa kanya kaya siguro nasanay na rin siya. "You know that's not true Kuya Clyde. Namiss ko talaga kayo. So so much. Expected ko lang talaga na may mga uwi kayong pasalubong para sakin." Katwiran agad ni Addison. "We know you really miss us Addy. We're just teasing you. Get dressed now and we're leaving. We'll go to the mall, pambawi man lang sa ilang months and years na wala kami." sabi ni Marcus nakangiting nakatingin kay Addison. Tila nawala ang lalaking nakaupo at napakaseryoso kanina ng bumaba na si Addison. "Really? Thank goodness day off ko ngayon. Alright, just wait for me here. Magpapalit lang ako ng damit, it'll be quick." Wika ni Addison at madaling nagpunta pabalik sa kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD