CHAPTER 4

2004 Words
Russel "Nene, anong klaseng alak ba 'to?" Nagulat ako nang makabalik sa kinaroroonan ni Sir Edrick. Umalis kasi ako para ayusin ang mga gamit ko pero mukhang nalasing na siya dahil sa pamumula ng kaniyang mukha. Isa pa, parang mahuhulog na ang paningin niya. Naka-ilang baso na kaya 'to? Mukhang nagustuhan niya ang tuba ko. Ganun na ba ako katagal sa loob ng magiging room ko? Bakit ganito na siya ka lasing? Tiningnan ko muna siya at pinagmasdan. Ang tagal kong makasagot. "Hoy! Nene! Bakit hindi ka sumasagot? Anong alak 'to? Bakit ang tamis?" Ay! Lasing na nga! Hindi naman siya ganito pero meron ng hoy! sa salita niya. Hindi kaya tigang na rin si Sir. "Hindi naman po kayo tigang? Pero bakit nalasing kayo kaagad?" tanong ko sa kaniya. Ang sama ng tingin niya dahil sa sinabi ko. "Anong tigang sinasabi mo? Halika dito samahan mo akong uminom!" pagyaya ni Sir sa akin. Hindi ko tatanggihan 'yan. Lalo pa at si Sir Edrick ang nagyaya uminom. Umupo kaagad ako kaharap niya. "Sir Edrick, tutulungan niyo na ba akong magbayad niyan?" tila pabulong ko lang na sabi sa kaniya. "Bakit magkano ba 'to?"Itinaas niya ang galon na magkakalahati nalang ang laman. "One thousand pesos isang galon Sir Edrick at dahil kalahati na ang laman niyang tig-five hundred na lang tayo kaya ang uutangin ko sa inyo ay four thousand five hundred na lang." nag-kwenta pa ako sa kaniyang harapan. Bigla siyang natawa at umiling-iling habang tinuturo-turo ako. "Ang galing mo Nene, ang galing mo. Good job. Napakagaling mo, ibinigay mo 'to sa akin at pinainom mo para maka-less ka sa bayad mo sa ninakaw mong alak. Nagkaroon ba naman ako ng maid na ma-diskarte." tatawa -tawa na sabi ni Sir Edrick habang inom naman ng inom. "Parang ganun na nga Sir at kapag naubos niyo ang isang galon kayo na ang magbabayad niyan Sir Edrick. Four thousand na lang ang uutangin ko sa inyo." hirit ko pa. Mas lalo pa siyang napailing at tinuro-turo ako. "Kakaiba ka Nene. Kakaiba ka, bigyan mo pa ako nito. Masarap, kakaibang alak 'to. I love this." nalalasing na wika ni Sir Edrick tsaka bumaon ang kaniyang mukha sa mesa. Napatayo ako at kaagad na nilapitan siya. "Sir Edrick? Sir, okay lang ba kayo?" niyugyog ko ang kaniyang balikat pero hindi sumasagot. Tinamaan yata ng sobra sa tuba. Mukhang nakatulog na yata. Anong gagawin ko? Hahayaan ko na lang ba siya dito matulog? Baka naman tanggalin niya ako kapag hinayaan ko lang siya dito. Unti-unti ko siyang ginising pero ayaw na talagang magising. Kinuha ko ang mga kamay niya Sa sobrang bigat niya muntikan pa kaming mataob at masubsob sa pader nang maitayo ko siya. Hayop sa bigat! Damulag ka Sir! Asar na kinuha ko ang braso ni Sir Edrick para ikawit sa aking leeg. Ayos lang naman kung mabigat siya, atleast naaamoy ko siya. Napangiti ako, muntik nang mapahagikhik. "Nene, naririnig kita." napamulagat ako dahil sa biglang pagsalita niya. "Gising pa pala kayo Sir. Akala ko'y tulog na kayo." sabi ko. Hindi na ito sumagot. Medyo hindi na rin ito masyadong mabigat. Mukhang may pwersa na siya ngayon kumpara kanina. Mukhang nagising ang diwa niya. "Sir, Edrick, nakalimutan niyo po yata na ngayon lang ako rito sa condo mo, hindi mo pa nga sa akin tinuturo ang room mo." sabi ko. Hindi ito sumagot. Hindi ko nga pala naitanong sa kaniya kung saan ang room niya. Itinuro niya lang sa akin ang magiging kwarto ko. Dito sa condo niya tatlo ang room kaya ang ginawa ko dinala ko siya sa maids room. "Nene, saan mo 'ko dadalhin?" nanlaki na naman ang mga mata ko dahil nagsalita na naman siya. Ano ba ang taong 'to? Tulog aso? Nakapikit ang mata pero gising ang diwa. Nasa pintuan na kami ng maids room kung saan nandito ang mga gamit ko. Ang bigat niya. Hindi ako nakasagot hanggang sa makapasok kami. Ang bibigat ng braso niya, sinabayan pa ng katawan niya. Well, hindi naman gaanong kalakihan ang katawan ni Sir Edrick. Yung tipong modelo na tamang tama lang ang katawan. Hindi gaanong macho hindi naman payat. "Nene, Alam kong room mo ito. Bakit dito mo ako dinala?" tanong ni Sir. Buti naman alam niya. Nakaisip naman kaagad ako ng sagot sa tanong niya. "Sir, kunwari kayo ang katulong ko at ako ang boss niyo. Quits muna tayo ngayon Sir Edrick. Tomorrow, pagsisilbihan kita mula ulo hanggang paa." sabi ko tsaka ko siya itinulak sa kama. "What the hell Nene!" Napamura siya ng malutong dahil sa ginawa ko Kaagad ko naman siyang nilapitan para tingnan kung tumama ba ang ulo niya sa headboard ng kama. Maliit lang kasi ang kama at tamang-tama lang din ang katawan niya roon. "Sir, Edrick nasaktan po ba kayo?" kaagad na tanong ko sa kaniya. Kagat ko ang aking kuko habang tinatanong iyon. Hindi ito sumagot pero naramdaman ko ang kamay niya nasa pang-upo ko humihimas at pumipisil dito. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Ngayon lang ako nahawakan ng lalaki sa aking tinatago at iniingat-ingatan kong bahagi ng aking katawan. "These are the boobs I really want, round and big" tila nababaliw pa na wika ni Sir Edrick. Kumunot kaagad ang noo ko habang nanlalaki pa rin ang mga mata ko. Pinagkamalan pang boobs ang pwet ko. "Pwet ko po 'yan Sir Edrick, hindi iyan boobs." reklamo ko tsaka tinampal ang kamay niya na nasa aking pang upo. Naku naman! Pwet ko yun eh! Hindi boobs. Malaki talaga ang pwet ko at malaman. "I thought that it's your boobs, Nene. But nice butt Nene." pilyo niyang sabi sabay pikit ng kaniyang mga mata. "Sir, huwag niyo akong madaan sa himas at sa mga ngiti niyo! Alam niyong easy to get ako but hard to fvck. Now you know, Sir Edrick." pinamulatan ko ito ng mga mata. Hindi niya na yata narinig dahil humihilik na. PAGKAGISING ko... Napabalikwas ako ng bangon sa kama. Teka, teka kama ko? Hindi ko kwarto ito. Tumingin ako sa paligid. Nasa kwarto nga pala ako ng iba. Kanino kayang kwarto ito? Dumapo ang mga mata ko sa nakasabit na malaking photo sa wall. Si Sir Edrick pala yun. Akala ko kagabi nang makita ko ang photo ay si Jose Rizal. Namalikmata lang pala ako. Masyado kasing maayos ang buhok ni Sir Edrick sa frame, masyadong hati ang buhok sa gitna. Anong party kaya ang na-attend niya sa araw ng pic na 'yan? Teka, kailangan ko ng bumangon at ipaghanda ng almusal ang amo ko. Sinulyapan ko ang wall clock, nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang oras. Alas otso na ng umaga. Dali -dali akong tumayo sa kama at kinusot ang mga mata. Baka gising na si Sir Edrick at mapalayas ako ng wala sa oras dahil sa tagal kong nagising. Nagmadali akong lumabas sa kwarto na iyon at pinuntahan ang maids room. Pagbukas ko sa pinto wala ng natutulog roon, wala na si Sir Edrick. Sinarado ko ito at halos takbuhin ko na rin ang kitchen para malaman kung sino ang nagluluto. Meron kasi akong mabangong naaamoy at mukhang sobrang sarap. Bukod ba sa akin may iba pa bang maid dito? Nang marating ang kusina ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang suot -suot ni Sir Edrick ag apron. Wala g suot na kahit na ano sa pang-itaas. Napalunok ako bigla. Pinagpapawisan na rin kasi ito. Tumikhim ako para mapansin niya. Napatingin siya sa gawi ko at biglang napangiti. Bumaba ang tingin niya sa akin. Parang biglang namula ang kaniyang mukha. "You're awake, Nene. Akala ko dadalhan pa kita ng breakfast sa room ko. Ngayon lang ako naka-enconunter ng maid pero mas maaga pang magising ang boss." sabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Napanganga ako, ako dapat yung nagluuto do'n. Bigla akong tinubuan ng hiya. Napako yata ang kaniyang paningin sa aking bewang. Anong meron ba sa bewang ko? "Nene, bago ka lumabas, pwede bang suriin mo muna ang katawan mo. Nakalimutan mo yata magsuot ng saplot sa pang-ibaba. Alalahanin mo lalaki ako." sabi niya. Kaagad bumaba ang tingin ko sa aking bewang. Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang wala akong suot na shorts or pajamas. Naka-panty lang ako. Bigla akong napasigaw. "Ah!! Panty pa more Nene!" sigaw ko sa sarili ko at tumakbo na paalis sa harapan ni Sir Edrick. Narinig ko ang pagtawa ni Sir Edrick habang ako ay kumaripas ng takbo paalis sa harapan niya. Pumasok ako sa maids room at nagbihis na. Naligo ako at nagbihis ng komportableng damit para sa pagsisimula ko sa araw na ito. Nasanay kasi akong matulog na naka-panty lang. Sa wakas! Natapos rin ako, lumabas na ulit ako para makapagsimula na. Pagdating ko sa kitchen wala na si Sir Edrick pero may nakita akong notes sa ibabaw ng mesa. "Nene, kumain ka na. Ayaw kong nagugutuman ka sa poder ko. Your boss, Edrick" Bigla akong nanggigil sa papel at naikuyom ko ang aking kamao. Kagat labi akong napapikit. Kinikilig ang singit ko. Nasa ganoong posisyon ako nang may nag-doorbell. Sandali pa akong nag-isip kung sino ang nag-doorbell bago tuluyan na pumunta sa pintuan. Napaisip ako sa mga palabas. Ganito ang mga zombies marunong mag-doorbell. Iniling-iling ko ang aking ulo. Wala ako sa movies kaya itigil ko na ang kaiilusyon na may zombies. Pinindot ko ang mukhang cellphone sa gilid ng pinto. Hindi ko alam kung anong tawag. Malay ko dito, sa probinsya kapag may taong kumakatok tatanungin lang namin kung sino? Pero dito kailangan pa makita ang mukha para lang buksan ang pinto. Sa mansion naman walang ganito dahil sa gate lang ang meron nito at ang mga security guard lang ang makakagamit nito sa mansion. "Who is it?" tanong ko. Nakatalikod na babae ang nasilayan ko ng pindutin ko ang video call. Humarap ito sa akin at nag-wave. Isang baabeng maikli ang buhok. "Hi, your friendly neigborhood. Meron lang sana akong ipapakita sa inyo mag-asawa kung nandiyan ang asawa mo. Mas mabuti." sabi ng babae. Kumunit ang noo ko. "Ano naman kaya ang ipapakita niya." Mukha naman siyang mayaman at mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. Binuksan ko ang pinto at nginitian ito. "Anong ipapakita mo?" tanong ko kaagad dito. "Hi, I'm Tessa." pakilala niya sabay sulyap sa loob. "Meron ka bang kasama sa loob? Nandiyan ba ang asawa mo? Mas mabuti kung nandiyan at makita niya or ma-try niyo itong produkto ko." sabi niya habang nakangiti. "Hindi ko asawa ang nakatira dito. Magiging asawa pa lang." sarkastikang sabi ko. "Gano'n ba? Akala ko kasi asawa ka niya, pero never mind. Gamitin mo na lang itong produkto namin. Kasisimula lang kasi namin sa business kaya gusto kong ma-try ito lahat ng mga nakatira dito. Gusto mo i-try?" sabi niya. Napanguso ako at napatingin sa dala niyang iilang box. "Ano ba 'yan?" "Sabon, pampakipot ng lagusan at pampabango ng lagusan para mas lalong bumango at maakit sa 'yo ang soon to be husband mo." nakangiting paliwanag niya. Teka, wala akong naintindihan. Anong lagusan sinasabi nito? Walang lagusan dito sa condo. "Wala namang lagusan dito sa condo. Saan ko gagamitin 'yan?" pagtataka ko. Mas lumapit siya sa akin at bumulong. "What I mean is our pokemon" sabi niya sabay hagikhik. Natawa rin ako sa hagikhik niya. Iyon pala ang ibig niyang sabihin sa lagusan. Alam ko yung pokemon pero ang lagusan ngayon ko lang nalaman na lagusan pala ang tawag sa pokemon. "Ano? Gusto mo na ba i-try? Para mas lalong maadik sa 'yo ang soon to be husband mo." muli ay tila pabulong niyang sabi sa akin. "Libre ba 'yan? Kasi wala akong pambayad sa 'yo." sabi ko. "Sure, libreng-libre kaya bibigyan kita ng limang piraso na barpepe. Pampakipot at mas lalong bumango gumamit na ng barpepe." nagtila commercial pa siya sa harapan ko. "Pampakipot? Iyon nga ang problema ko eh! Makipot na ang pokemon ko kaya hindi ko na kailangan gumamit nito. Baka kapag gumamit pa ako nito mas lalong wala ng madadaanan." kamot kamot sa ulo kong sabi sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD