C12

1167 Words
-SAMI GONZALES POV- ~That afternoon~ “Ma, nasaan si Kuya?” Tanong ko nang makarating na ako sa bahay. “Nasa kwarto, bakit?” Tanong nito pabalik habang siya'y nanonood ng TV. Hindi ako sumagot at basta na lang umakyat sa taas, at habang ako’y papalapit ruon ay dinig na dinig ko ang tawanan na nagmumula sa kwarto niya. “Gelal, can we-” Panimula ko nang buksan ko ang pinto, ngunit isang malaking pagkakamali iyon. Silence roamed between the two of us, and I couldn't help but blush as he sat on the edge of the bed, looking so handsome all of a sudden. “Nice to see you, Sami.” He started before focusing back on the rubik’s cube he was playing. “Hey, um–” I paused. “Have you seen Gelal?” “He’s in the bathroom, why?” Tanong niya at saka tumingin muli sa akin. “Pakisabi sa kanya, gusto ko siyang kausapin.” Sagot ko. “Nandun lang ako sa kwarto ko.” Tumango na lamang ito bilang tugon at dali-dali akong umalis, quickly closing the door before running to my room. Nang makarating ako sa loob ng kwarto ko ay dali-dali kong sinara ang pinto, saka sumandal ruon habang pilit na pinapakalma ang sarili. The fvck was that all about, Sami? “What were you thinking, Sami?” I whispered to myself bago magtanggal ng uniporme at sapatos. -ROWAN SALVADOR POV- ~•~ “He was so–I don't know, a red flag.” Wika niya sa akin habang nakaupo ito sa swivel chair at saka hinahagis hagis ang baseball sa ere. “In short, you never liked him for Sami.” Sagot ko nang matapos kong laruin ang rubik's. “Exactly.” He affirmed. “Luckily, iba ang ni-pursue ni Sami, kung hindi panay sisi ako sa sarili ko dahil hindi ko siya na-protektahan sa lalaking yun.” “Speaking of Sami, hinahanap ka niya kanina.” Wika ko habang hinahagis hagis sa ere ang rubiks na hawak ko. “Eh? Dumating na siya?” Tanong nito at saka tumingin sa akin. Tumango ako. “Oo, gusto ka nga daw niyang kausapin.” “Puntahan ko muna, while you stay here and watch porn.” Biro nito at saka hinagis sa akin ang remote habang siya'y tumatawa. “Gago.” Sagot ko at saka sinalo iyon habang tumatawa. Lumabas na ito ng kwarto at naiwan na lamang akong mag-isa ruon, and seeing his collection of baseballs with signatures from his idols, I couldn't help but feel amazed. (Pakisabi sa kanya, gusto ko siyang kausapin.) “Sami.” Bulong ko sa sarili ko nang namataan ko ang isang litrato na nasa nightstand. Walang alinlangan kong kinuha iyon at sinuri, noticing her at the left side of the picture as Gelal was hugged by his mom. Binitawan ko na iyon at saka tumayo sa aking kinauupuan, walking around the room as I got bored from waiting. -SAMI GONZALES POV- -♪- “Anong pumasok sa isip mo at binugbog mo si Jason?” Panimula ko nang makapasok ito sa kwarto ko. Kumunot ang noo nito nang sinara niya ang pinto, at bakas sa kanyang mukha ang inis dahil sa sinabi ko. “That bastard deserved it.” Sagot nito. “And I already told you if he cheated-” “You should've just let it slide, Theo.” I snapped. “Hindi yung-” “Hindi yung ano? Hindi yung bubugbugin ko siya para lang pumasok sa kokote niya ang ginawa niya sayo?” Sabat niya habang nakasandal ito sa pader. “Hinayaan mo sana na ako ang maghandle.” I emphasized. “Tapos ano? Mag-gigive in ka sa mga sinasabi niya? Putangina Sami.” Wika nito at saka sarkastikong tumawa. “Hindi naman sa ganun, Theo.” Sagot ko na may halong inis. “Hinayaan mo sana akong-” “Kung hinayaan kita, paniguradong iba ang magiging outcome. Kaya ako na ang humarap sa kanya.” Wika niya muli. “Para sayo.” Umiling ako nang bahagya. “Hindi yun para sa akin. Ginawa mo yun dahil hindi mo talaga siya gusto para sa akin, and you should've just fvcking let me confront him!” “And let you cry every night because of what he did? Because of your fvcking dumb decisions? Because of what he would’ve said to you?” He finished, his voice a bit louder this time. Hindi na ako sumagot dahil sa sinabi nito, at ramdam kong tumulo ang mga luha ko na naging dahilan upang talikuran ko ito. “Nangako ako kay Kuya Stephen mo na iingatan kita bago siya pumanaw, at hinding hindi maaari sa akin ang umiyak ka nang dahil sa putanginang yun.” Giit nito. “Tumigil ka na.” Bulong ko habang pinupunasan ang patuloy na pagpatak ng aking mga luha. “He doesn't even deserve you, Sam.” Sagot niya. “Kulang pa nga-” “Sabi ko tumigil ka na!” Sigaw ko at saka hinagis sa direksyon nito ang teleponong naka patong sa study table. Umiwas ito at saka tumahimik, ngunit nanatili sa mukha nito ang galit na nararamdaman niya. “I’ll give you space if that's what you want.” Wika na lamang nito at saka padabog na lumabas ng kwarto. Hindi ko na napigilan ang emosyon na nararamdaman ko at basta na lamang humiga sa kama habang umiiyak, lahat ng kanyang sinabi ay unti-unting nagsisink in sa isipan ko, and I couldn't help but cry myself to sleep. -ANGELICA SCHUYLER POV- -♪- “Oh, ano? Edi tama ang mga sinabi namin sayo, gaga ka kasi.” Panimula ko habang nang madatnan ko siyang umiiyak. “Tangina niya.” Sagot nito. “Ako na nga ang nag-aadjust sa mga gusto niya, ako na ang gumagawa ng paraan para magkita kami. But he still-” “But he still chose to cheat.” I finished. “Sinabi mo na yan last time, pero hindi ka pa rin nadala. Mas naniniwala ka sa mga sinasabi ng putanginang yun, deserve niya talagang mabugbog kay Gelal.” Hindi na ito sumagot pa at patuloy siyang nagpupunas ng luha, at hindi ko maiwasan ang hindi maawa para rito. “Katangahan mo kasi.” Wika ko muli at saka umupo sa tabi nito. Humiga ito sa aking balikat at hinayaan siyang maglabas ng kanyang damdamin, at wala akong ibang ginawa kundi makinig. “Tama nga si Kuya, I deserve better.” Sagot nito habang hinahaplos ko ang kanyang ulo. “You really deserve better, Sam.” Sang-ayon ko. “You don't deserve a cheater.” “Punta tayo sa mall, kain tayo.” Aya niya at saka ako tiningnan. “Sinong kasama natin?” Tanong ko naman. “Tayo lang.” Sagot nito. “Nagmumukha akong tangang naglulugmok dahil sa ginawa niya.” Tumawa na lamang ako bilang tugon at saka siya tinulungan na mag-ayos, ako na rin ang pumili sa susuotin niya para naman maiba ang style nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD