Chapter 13

1904 Words
Nakidnap ang anak ni Belle? Agad ko naman tinawagan si Jelai pero wala talaga akong makukuha na impormasyon sa kaniya. Kaya pumunta na lang ako sa mansion nila Belle.Naabutan ko sila Belle, Gab at Jelai. "Belle?" "Ikaw pala Ken."mahinang saad niya.Namamaga na ang mga mata nito. "Don't worry, mahahanap din natin si Nathan." Napabuntong hininga ako.Flight ko na sa isang araw, uuwi na ako sa Germany. Maya-maya lang dumating sila Andy Mondragon at Samara Bright. Panay naman ang irap sa akin ng dalawang Assassin's.Alam ni Andy at Samara ang tunay kong pagkatao.Alam nilang isang Assassin at Mafia ako.Iniwan ko ang grupo pero hindi ibig sabihin wala na ako sa totally sa underground. "Huwag na kayo sumama, wala na rin kayong maitulong doon!"saad ni Andy. Inirapan ko naman siya.Alam kong pinaparinggan lang ako ni Andy. Pero sinama pa rin ako ni Belle at ako na ang nagmamaneho ng sasakyan.Pagdating sa lumang gusali, sa sasakyan na ako nagpaiwan. Napahawak naman ako sa aking ulo.Ilang gabi na rin na wala siyang tulog. "f**k! I missed her."ginugulo ni Mia ang kan'yang isip.Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Nakita ko na nakatutok ang baril na hawak-hawak ni Quinn sa ulo ni Belle. " Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito Belle...Ang dapat sa' yo ay mamatay!" pinutok ni Quinn ang baril sa ulo ni Althea Belle at ang kahindik-hindik na sigaw ni Jelai ang namumutawi sa loob ng kwartong 'yon. Nagulat ang lahat dahil sa mabilis na mga pangyayari. Humahagulgol si Jelai nang makita ang sinapit ng matalik na kaibigan. "Mommy! Mommy! Wake up!" umiiyak si Nathan nang makita ang ina nito na hindi na gumagalaw at duguan. "Belle..... Wife.... Ang sama mo Quinn... Ang sama-sama mo!"sigaw ni Gab sa babaeng hindi man lamang naawa sa ginawa sa pinsan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Ang babaeng mahal ko, duguan at wala nang buhay! No! Hindi puwede! " I will not be like this if you just loved me Gab. C'mon Bruno let's go! 'Yan lang naman ang gusto ko ang mawala ang babaeng' yan!" Niyakap ni Gab ang walang buhay niyang asawa at sumisigaw ito. Dahan-dahan akong lumapit.Hindi ko namalayan na umiiyak na ako. "Belle!"malakas na sigaw ko. Malalakas na putukan ng mga baril ang narinig niya mula sa abandonadong building kung saan pumasok kanina ang mga kaibigan niya. Hindi niya napansin na nakatulog na pala siya kanina dahil na rin sa puyat. Shit, napakasama ng panaginip na 'yon. Parang napakalinaw ng lahat. Is that a premonition? Yun ba ang mangyayari ngayong gabi kay Belle? Ayaw niyang may masamang mangyayari kay Belle at sa anak nito kaya manghihimasok na ako.Tatlong beses na akong nagkaroon ng mga pangitain at nangyari nga sa totoong buhay. This Time, I can't afford to lose people that are important to me. I was warned by Andy and Samara na parehong assassins not to intrude but para sa kaibigan, lalo na kau Belle ay gagawin ko ito. Kapag ang mga assassins kasi ang nagbitiw ng isang salita kailangan mong sundin.Kanina, narinig ko ang pangalang "Tie". Kilala niya kung sino iyon. Tie is a mafia-assassin na abot langit ang galit sa kan'ya. Lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ko ay isa ako sa original na mafia until now. Bahala na, kung malalaman nila ang tunay kong pagkatao sa gabing ito. Maingat akong pumasok sa loob ng abandonadong building. Nasa main hall ako nang mapansin ko si Samara sa second floor na nakikipag bakbakan at sa main hall naman ay ang isang lalaki naman na nakikipag close combat skills sa kinse kataong napapalibutan ito. Samantalang may natutumba rin dahil nasa mataas na pwesto si Andy Mondragon na isa rin magaling na sniper. Kailangan kong hanapin kung nasaan sina Belle. Maglalakad na sana ako nang may tumutok ng baril sa aking ulo. Mabilis kong hinawakan ang kamay nito at idiniin ang paghawak sa kan'yang palad.Nabitawan nito ang ang baril na hawak-hawak. Sinuntok niya ako ngunit mabilis akong nakailag at binigyan ko ito ng right hook sa panga nito at napaatras ito dahil sa lakas ng pagsuntok ko. Napatulog niya ito nang walang kahirap-hirap.Nagmadaling binuksan ko ang pangatlong kuwarto at nakita ko sina Gab, Belle, Jelai at Nathan.Naroon din si Quinn na nakatayo sa likod ng lalaking kilala niya, si Bruno isa itong Mafia na matagal nang wala sa organization at nanantiling missing at nalaman nilang tumayo ito ng grupo ng mga hired thugs. He is wanted and it is a small world indeed dahil dito pa talaga sila nagkita. Nakita kong nakipag-agawan ito ng baril kay Gab. But Bruno is a mafia at dehado si Gab kaya noong nagkatiyempo si Bruno ay pinukpok nito ang baril sa ulo si Gab at nakahandusay naman sa semento si Gab. Dali-dali akong lumapit kay Bruno upang agawin ang baril ngunit nagpaputok ito ng dalawang beses sa akin buti na lang mabilis akong nakailag sa mga bala at sinipa si Bruno at tumalsik naman ang baril na hawak-hawak nito. Sa kabilang banda ay pinagtutulungan nina Belle at Jelai si Quinn. Si Belle ay hinihila ang buhok ni Quinn. At si Jelai ay sumampa sa likod nito at pinagsusuntok ang mukha. Nakita niyang nahulog si Jelai sa pagsampa kay Quinn dahil kinagat nito ang braso ni Jelai at sinipa ang tiyan nito ng dalawang beses. Si Nathan naman ay panay ang iyak sa nakikitang kaguluhan sa harapan niya. Isang straight cut ang dumapo sa aking mukha nang hindi ako nakapag focus kay Bruno dahil tiningnan ko ang umaaray na si Jelai. Sa galit ko binigyan ko ng uppercut si Bruno at hinawakan ang ulo nito mula sa likod at tuluyang binali. Dahan-dahan itong nahilatay sa lupa at alam kong 'yon na ang katapusan ni Bruno.Well, mas magaling pa rin ako sa kan'ya kahit pareho kaming Mafia. Isang armadong lalaki ang pumasok sa silid at akmang babarilin ako pero mabilis akong nagpagulong-gulong patungo sa direksyon nito at hinawakan at binalian ang kaliwang paa nito. Nawalan ng balanse ang lalake at mabilis akong tumayo at inagaw ang baril nito sa kamay at binaril agad ito sa ulo. "Mommy....!" palahaw ni Nathan at nakita niyang hawak ni Quinn ang bata at nakatutok ang baril sa sentido ni Nathan. "Belle magpaalam ka na sa anak mo!" nanlalaki ang mga mata ni Quinn at nakangisi ito. Kahit papaano malapit na rin ang loob ko sa bata. Kahit may kalayuan ang aking pwesto, nagawa kong asintahin ang baril sa sentro ng sentido ni Quinn na akmang kakalabitin na ang gatilyo sa ulo ng bata. Napatili naman si Jelai nang makita ang dugong lumabas sa noo ni Quinn. " Mr. Daks? Kamag-anak mo ba si Superman?" medyo natulalang tanong ni Jelai sa akin "Nathaniel!"agad naman lumapit si Belle sa anak nito at niyakap ng mahigpit. Lumapit rin si Gab na hinang-hina pa rin dahil sa sugat sa ulo. Nakita kong nagyakapan at nag-iyakan ang tatlo. Lumapit na rin silang dalawa ni Jelai. "Bess...."niyakap naman ni Jelai si Bellw at nag-iyakan pa. "Tito..thank you po."mahigpit akong niyakap ni Nathaniel.Nakaramdam ako ng sobrang gaan ng pakiramdam.Masarap pala sa pakiramdam na may anak. "Salamat Kenjie, niligtas mo ang buhay ng anak namin ni Belle. Kung hindi dahil sa'yo baka may masamang nangyari na sa kan'ya!" saad ni Gab sa akin. " May nakatagong skills ka pala Mr. Daks ha!" singit ni Jelai. " I'm sorry guys, hindi ko sinabi sa inyo na kasamahan ko sila Samara at Andy." "Sorry rin akala namin sa kama ka lang magaling!"nagawa pang magbiro ni Jelai sa akin. "Oo nga magaling ang taong 'yan sa lahat ng bagay hindi ba Kenjie Crimson Alcantara? Pero magaling ka rin talaga sa panloloko at pagbabaliwala' di ba? Huwag kang magpakabayani Kenjie! Dahil mismong anak mo ay hindi mo nailigtas. Mismong anak mo ay hinayaan mong mamatay!" Napalunok naman ako.Lahat sila napalingon sa taong nagsalita sa likuran nila. Tinanggal nito ang bonnet at lumantad ang napakagwapo nitong mukha at hanggang balikat na buhok.Nakikita ko sa mga berde niyang mga mata ang galit sa akin. " Tiger..pinagsisisihan ko ang ginawa ko kay Mia!" " Hayop ka! Pinatay mo ang pamangkin ko Kenjie.Sinira mo ang buhay ng kaisa-isa kong kapatid na babae!"lumapit si Tiger sa akin at kinuwelyuhan ako. " Tie..Kenjie.stop it!"aniya naman ni Samara. "Kayo na naman ba ang magpapatayan ngayon ha? Tumawag ako ng mga pulis at paparating na rin ang ambulansya."singit naman ni Andy. "Alam mo ba Kenjie sa ipinakita mo ngayon mas lalo lang akong nasaktan bilang kapatid ni Mia. Hindi ko naman sinusumbatan ang pagligtas mo sa bata pero masakit para sa'kin kasi nang dahil sa'yo namatay ang pamangkin ko. At ngayon magpapakabayani ka? Ni sariling mo ngang anak hinayaan mong mawala ito! Alam ko na ngayon kung gaano ka walang kwenta si Mia sa buhay mo Alcantara! " Napaigting naman ang panga ko.Mahalaga si Mia sa buhay ko. Agad naman akong binitawan ni Tiger at umalis ito. Pupuntahan ko si Mia ngayon.Kailangan ko siyang makausap. Bago ako sumakay sa aking kotse, hinarangan muna ako ng reporter at may itinanong. **** " I did right in saving Nathaniel's life at kahit na itaya ko pa ang aking buhay ay paulit-ulit ko 'yon gagawin para kay Althea Belle." Napakagat naman ako sa aking ibabang labi na nakatingin sa lalaking nasa TV. He asked before na ayusin namin ang aming pagsasama pero alam ko na hindi pa rin maging maayos, dahil mahal niya pa rin si Belle. Nakikita ko kanina sa TV kung paano niya titigan si Belle. Dinudurog ang puso ko.Ayaw niya ako noon na mabuntis, pero nakikita ko ang pag-alala niya sa bata, sa anak ni Belle. Hindi ko napigilang tumulo ang aking mga luha.Masakit.Kase hindi niya ako pinahalagahan.Hinawakan ko ang aking tiyan.Isang buwan na ito. Tama lang na maghiwalay kami.Tama lang na tapusin na namin ang relasyon ito. Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Kuya Tiger. "Can you stop crying, Tamara! That f*****g Alcantara, ay hindi dapat iniiyakan!" Napaiwas naman ako nang tingin. "Sumama ka na sa akin, uuwi na ulit tayo sa Britain! Forget him, lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo.Mahal niya pa rin ang asawa ni Gab, kaya huwag mo ipagsiksikan ang sarili mo sa taong hindi ka kayang mahalin!" Agad naman tumalikod si Kuya Tiger. Nanghihinang napaupo ako. Tama si kuya. Kailangan kalimutan ko na siya.Magsisimula ulit ako. "Ma'am Tam, nandito po ang asawa niyo." Napatingin ako sa katulong. Tumayo ako at pinuntahan sa gate si Kenjie. "Mia." Blanko lang ang mukha ko na nakatingin sa kan'ya. "Mia please, can we talk?" Huminga ako ng malalim. "Kenjie hindi na kita mahal, m-may mahal na akong iba, s-sana palayain mo na rin ako."mahinang saad ko sa kan'ya. "W-what?" "Yes.Nagmahal ako sa ibang lalaki, minahal ko siya, at tanggap niya ako ng buo.Alam mo ba na mahal na mahal niya rin ako?" "Sino siya!" "It's me, Alcantara." Nanlalaki naman ang mga mata ko na biglang sumulpot si Josh.Lumapit ito sa akin at hinalikan ako ng mariin. "Stay away Alcantara, dahil ako na ang mahal ni Tamara." Umigting ang panga naman ni Kenjie. Malungkot akong nakatingin sa kan'ya at tumalikod na. "Mia! Mia! Baby please, huwag mo itong gawin sa akin!" Isang pangit na nakaraan ko sa aking buhay si Kenjie.Ayoko makulong sa isang relasyon na isa lang ang nagmamahal sa amin. Magsisimula ako, kasama ang aking anak. Pagpasok ko sa loob, agad naman ako niyakap ni Kuya Tiger. "You're a brave woman."bulong ni kuya na hinalikan pa ako sa ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD