Paggising ko wala na si Kenjie sa aking tabi.Napangibit ako nang naramdaman ko ang pananakit ng aking balakang at sa bahaging gitna ng aking dalawang hita.
Bumangon na ako at paika-ikang naglakad papunta sa banyo.Napansin ko na may nakapatong na dress at undergarments sa ibabaw ng kama.Kinuha ko ito dinala sa banyo.Nag toothbrush muna ako at naligo na rin.After ko ayusin ang aking sarili, lumabas na ako ng silid.May narinig ako na tunog galing sa kusina.
Naabutan ko si Kenjie na nagluluto ito.
"G-good morning."naiilang na bati ko sa kan'ya.
Humarap ito sa akin.
"Morning, kumain ka na at aalis tayo."seryoso nitong saad.
Agad naman akong umupo.Si Kenjie na rin naghain ng pagkain sa akin.
"M-may pasok ako mamayang tanghali."mahinang saad ko sa kan'ya.
"Okay, ipapahatid na lang kita sa driver."
Kaunti lang ang kinain ko dahil hindi talaga ako sanay kumain sa umaga ng heavy meal.
"K-Kenjie, may binanggit ka na pangalan na B-Belle kagabi, sino siya?"
Nakakunot ang kan'yang noo na nakatingin sa akin.
"I-I'm sorry, huwag mo na sagutin ang tanong ko."sabay iwas ko ng tingin sa kaniya.
"Tapos ka na? Aalis na tayo."blangkong mukha na saad nito.
Dahan-dahan akong tumayo at kinuha ang aking bag.
Nang sumakay na kami sa elevator, may nakasabay kaming sobrang guwapong lalaki, magkasing tangkad rin sila ni Kenjie.Napayuko ako nang nakatingin ito sa akin.
"Anong trip mo Mondragon?"inis na saad ni Kenjie sa lalaki.
"Johnson bro, not Mondragon."sagot naman ng lalaki.
"Johnson o Mondragon pareho lang."nakaismid na saad ni Kenjie.
Mahina naman napatawa iyong lalaki.
"Girlfriend mo? Ang bilis mo makahanap ha, akala ko ba patay na patay ka sa pinsan ko."nakangising saad nito kay Kenjie.
Napatingin naman ako sa lalaki.Nakatitig rin ito sa akin.
Nakanganga ito na nakatingin sa akin.Bigla naman ako hinila ni Kenjie.
"Putang ina mo talaga Josh! Hindi lahat ng babae makukuha mo."diin na sabi ni Kenjie.
Malakas naman napahalakhak ang lalaking si Josh ang pangalan.
"Takot ka ba Alcantara na kaya ko siya kunin sa iyo?"asar naman ni Josh.
Buti na lang nasa First floor na kami.Pagkabukas ng elevator agad naman ako hinila ni Kenjie palabas.
"Hey Alcantara, I like your young girl.Ang ganda niya!"sigaw pa ni Josh habang palayo na kami.
"f**k him!"mahinang saad ni Kenjie.
Hawak-hawak pa rin ni Kenjie ang kamay ko habang papunta sa parking lot.
"Get in."ani niya nang binuksan na nito ang pinto ng kan'yang sasakyan.
Agad naman akong pumasok.Umikot ito sa kabila at sumakay na sa driver seat.
Habang sa biyahe hindi kami nag-iimikan.
"K-Kenjie?"mahinang tawag ko sa kan'ya.
Saglit itong lumingon sa akin at ibinalik rin ang tingin sa kalsada.
"Why?"
"Is he your friend?"tanong ko rito.
"No."
Walang ganang sagot niya.
Nakarating kami sa building, kung saan parang office ito ng judge.
"A-anong gagawin natin dito?"
"We are getting married."
"W-what?"natatarantang saad ko.
"Nagmamadali ang kuya mo."diin na sabi nito.
Pagkapark ni Kenjie dumiretso na kami sa loob.Sumakay na kami sa elevator.
Ikakasal na agad ako?
"Let's go."hinawakan ni Kenjie ang kamay ko papasok sa isang silid.
Napatingin ako sa mga taong nasa loob ng office.
Si Ate Zia, si Ate Jenny, si Ate Gaia at Ate Jelai.Nakatayo naman sa kabila si Kuya Javi, si Kuya Rhenz at Kuya Dos.
"Ninong Edward nandito na ang ikakasal."nakangising saad ni Ate Jenny.
"Welcome sa paraiso, Alcantara."ngising saad naman ni Zia.
"Ano ka ngayon Daks, ayan kase iyang made in German mo, mahilig pumasok sa butas, eh di shotgun wedding ka tuloy."nakataas ang kilay na saad naman ni ate Jelai.
Napalunok naman ako.
Hindi naman umiimik si Kenjie.
"Walang hiya ka Daks, ikaw lang ikakasal na hindi masaya, pero kapag nag-aaruhan sa galing naman!"pasaring na saad ni ate Jelai.
Inirapan lang ito ni Kenjie.
Napayuko naman ako.
Hindi ko ito gusto.Ayaw ko magpakasal sa lalaking hindi ko mahal at hindi rin ako mahal.
"Kuya? Please, ayoko po magpakasal."mahinang saad ko.
"Shut up! Sana inisip mo iyon bago ka nagpaggalaw sa lalaking iyan!"
Yumuko na lang ako.
"Umpisahan na natin ang pagpapakasal."ani ng judge.
Habang nagseseremonya ang judge, malayo naman ang iniisip ko.Iniisip ko, after ng kasal namin, everything will be change, at isa na ang life style ko.
Napatingin ako kay Kenjie, blangko ang kaniyang mukha.
Si Belle kaya ang tinutukoy ni Josh na pinsan nito, na mahal ni Kenjie?
"Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang panginoon ay mahalin at paglingkuran."saad ni judge.
Hindi ko namalayan na tapos na pala dahil sa sobrang lalim ng pag-iisip ko.
"Congrats mother fucker."nakangising saad ni kuya Rhenz kay Kenjie.
"f**k you!"sagot naman ni Kenjie.
"Congrats bro."tinapik naman ni kuya Javi si Kenjie sa balikat.
Lumapit si ate Jelai sa akin.
"Buti ka pa nakatikim ka na ng sausage."aniya sa akin."Ako kailan kaya? Baka tatanda na ako, hanggang imagine na lang."
Nagtatakang napatingin ako sa kan'ya.
"Hindi ka pa po nakatikim ng sausage?"
"Ay hindi pa, malaki ba sausage ni Daks?"
"Daks?"nagtatakang saad ko.
"Si Kenjie ang tinutukoy kong Daks!"
"Congrats Mia, baka mahimatay ka na naman."nakangising saad sa akin ni ate Jenny.
"Ay! German sausage ba naman, nakakahimatay talaga! Mia, anong lahi ninyo?"tanong ni ate Jelai sa akin.
"Filipina po si Mommy at British naman ang Daddy namin."
"Ay! Bongga mas malaki ang sausage ng Britanyo!"hagikhik ni ate Jelai, pati si ate Jenny tumatawa rin ito.
"Ate, marami naman po sa market ng sausage, why you can't buy there."ani ko.
"Gusto ko may lahi ang sausage noh! Parang gusto ko tuloy ng sausage ng kuya mo!"kagat-labing saad ni ate Jelai.
"Sama ka sa amin Jelai, maghuhunting tayo ng mga buhay na sausage."natatawang saad ni ate Jenny.
"Si Rhenz, malaki iyan, baka hindi kasya sa bunganga mo."nakangising saad ni ate Zia.
Nalilito ako sa pinag-uusapan nila.
Tamang-tama na lumapit si kuya Dos sa akin.
"Kuya? Ate Jelai said, gusto niya ng sausage mo."
Hagalpak namang tumawa si ate Jenny at ate Zia.
Nakangisi naman si kuya Dos kay ate Jelai.
"Ay taina talaga ang batang ito! Joke ko lang iyon!"namumulang saad ni ate Jelai.
"I'm single."kumindat pa si kuya Dos.
"Let's go."sabay hila sa akin ni Kenjie.
Nasa pinto si Ate Gaia, na nakatayo ito.
"Alis na kami Gaia, may pasok pa si Mia."ani ni Kenjie kay ate Gaia.
"Ingat kayo."seryosong saad ni ate Gaia.
"Bye po ate."
Pagdating namin sa parking lot agad may lalaking sumalubong sa amin.
"Hatid mo siya sa Crimson University."utos ni Kenjie sa may edad na lalaki."Siya ang person driver mo, Mia."
"Halika na hija."
Humarap muna ako kay Kenjie.
"W-wala akong pera."ani ko sa aking asawa.
Pumunta ito sa kotse niya at pagbalik nito may inabot sa aking pera.
"Dalawang libo lang."kumuha ako ng dalawang libo at ibinalik sa kan'ya ang sobra.
"Itago mo, kapag ubos na sabihan mo lang ako, at ikukuha rin kita ng sarili mong ATM."
Agad na itong tumalikod at sumakay sa kan'yang kotse.Napatingin lang ako sa kotse ni Kenjie na mabilis itong humarurot palayo.
"Hija, tara na."ani ng personal driver ko.
Malungkot akong sumakay sa likuran ng sasakyan.
Ilang buwan na rin ako dito sa Crimson University, si kuya Gold pa lang ang kilala ko sa university.
"Salamat po."
"Alas singko susunduin kita, iyan ang utos ng asawa mo hija."ani ni manong .
Tumango na lang ako.
Agad na ako bumaba at pumasok na sa loob.
May nakasalubong ako na grupo ng mga babae.
"Hi nerd."nakangising saad ng payat at matangkad na babae.
Umiwas ako ng daanan pero sadyang hinaharangan nila ako.
Bigla nila hinablot ang aking bag.
"Please, akin na ang bag ko."nagsusumamong saad ko sa kanila.
Nagtatawanan pa sila na pinagpasa-pasahan aking bag.
Buti na lang may dumaan na guro kaya binigay nila agad ang bag ko.
"Hi."
Napatingin ako sa babaeng katulad kong nakasalamin.
Ang ganda niya sobra.Kahit nakasalamin ito, maaninag pa rin ang angking kagandahan niya.
Inayos ko muna ang aking salamin at ngumiti sa kaniya.
Nakanganga ito na nakatingin sa akin.May dumi kaya ako sa mukha?
"Hi."nakangiting saad ko sa kan'ya.
"I'm Zendria Artemis, and you?"
"Mia Al- G-Geller."mahinang saad ko.
Ngumiti ito sa akin.Nahihiya pa ako na makipag-usap sa kan'ya.
"Transferee ka?"tanong nito sa akin.
"Yeah, nandito kase ang kuya ko sa Pilipinas, kaya lumipat na ako dito."
"Puwede friends na tayo?"nakangiting saad ni Zendria.
"Why not, nakakatakot ang mga estudyante dito."malungkot na saad ko.
Nilapitan niya at hinawakan ang aking kamay.
"Don't worry, lagi ka na namin isasama, iyong bestfriend kong si Sheena, magkakasundo din kayo, super mabait din."
Tuwang-tuwa naman ako.Sa wakas may kasama na ako.
"Mia!"
Napalingon kami ni Zendria.
"Kuya Ginto!"natutuwang sigaw ko.
"Zen, buti nakilala mo na si Mia, kapatid siya ng kaibigan ni ate Zia mo, kapatid ni Dos, na kaibigan namin."ani ni kuya Ginto.
Napangiti naman si Zendria.
"Kilala mo si ate Zia ko?"tanong niya sa akin.
"Yes kilala ko si Ate Zia, lagi siya sa bahay ni kuya Dos."ani ko naman.
Tuwang-tuwa kaming dalawa na napatalon pa.
"Wow."sambit ni Zendria.
"Okay.Let's go lunch na tayo."ani ni kuya Ginto sa amin.
Napag-alaman ko na Med student din si Zen.Ang bait niya talaga.
Dumating na ang uwian, nagpaalam na ako kay Zen, dahil nasa labas na ang driver na naghihintay sa akin.
"Manong saglit lang po ako."ani ko kay manong.Dumaan kase kami sa grocery store.Kailangan ko bumili ng sanitary napkin at mga kailanganin sa aking katawan.
"Sige, hihintayin na lang kita dito."
Dali-dali naman akong pumasok sa loob ng grocery store.
Abala ako sa kakatingin ng mga bath soap nang may nagsalita sa aking likuran.
"Nice to see you again, babe."
Napalingon naman ako.Pero laking gulat ko nang hinila ako ng lalaki at mariin na hinalikan sa labi.Nanlalaki naman ang mga mata ko na nakatitig sa kan'yang mukha.
Si Josh Mondragon Johnson!
Sasampalin ko sana ito pero mabilis niya akong niyakap ng mahigpit.Sobrang bango niya talaga.
"L-let me go."mahinang diin na saad ko sa kan'ya.
"Not so Fast."bulong niya sa aking tainga.
Napapikit naman ako nang may nakatingin sa amin.
Ubod lakas akong pumiglas at itinulak ito.
Nakangisi na ito sa akin.
"Magiging akin ka rin."nakangising saad nito bago tumalikod.
Napalunok naman ako.
Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
Pagkatapos kong bayaran ang pinamili ko agad na akong lumabas at pumunta sa parking lot.
"Hija, tumawag si Sir Crimson na nasa ibang bansa siya, kung ano ang kailangan mo sabihin mo na lang sa akin.Baka daw matatagalan siya makauwi dito."
Nasa ibang bansa?
Umalis siya agad.
Malungkot akong napatango kay manong.