“Mas gusto ko ito!” Masaya na sabi ni Maori habang tinitignan ang blu sparkly gown. Nandito kami ngayon sa gown store, namimili sa gown para sa acquaintance party. Wala akong ganang bumili ng gown dahil ayaw kong mag attend sa acquaintance. Sino namang gustong makipag partner sa kagaya ko? “Hindi na lang ako aatend,” Sabi ko sa kanya at bumagsak ang mga ngiti ni Maori. “ Loko ka girl! Mag attend ka!” Galit na sabi niya and I shook my head. “Wala naman rin akong partner, mapapahiya lang ako.” Sabi ko sa kanya. “Hahanapan kita, sige na pleaseee!” Pagmamakaawa niya and I sigh. Sobrang sakit pa rin kasi ng puso ko, wala akong closure kay Theo. Hindi niya rin sinabi na break na kami, naging kami ba talaga? Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano. Pumili na kami ng gown ni Ma

