“Is she okay?” Narinig kong tanong ni Clark sa labas. “Just a minute,” Sabi ni Maori sa kanya at hinugasan ko ang bibig ko. “Huwag ka munang ma stress, Gab.” Sabi ni Maori pero hindi ko mapigilang kabahan. “Paano kung buntis ako Mao?” Tanong ko sa kanya at hinawakan niya ang mga kamay ko. “Hindi pa natin alam yan, huwag mo munang isipan. Bibili tayo ng PT bukas.” Sabi niya at tumango naman ako. She held my hand at lumabas na kami. We saw Kiro and Clark waiting at napalingon sila sa amin. “What happened?” Tanong ni Kiro. “Sumakit lang tiyan niya.” Sabi ni Maori. “Teka, bibilhan kita ng gamot, Gab.” Sabi ni Clark and I shook my head. “Hindi na, okay na ako.” Sabi ko sa kanya and he stared at me. “Are you sure?” Tanong niya and I nodded my head. He held my hand at bumalik na kami s

