I'm here Nanlamig ang aking kalamnan sa nabasa. Nabitawan ko maging ang aking cellphone. Ang bigat ng aking bawat paghinga dahil sobrang apektado ako sa aking nabasa. Palagi na lamang bang ganito? Sa tuwing kakailanganin siya ni Nicola ay agad niya itong dadaluhan? Paano naman ako? Ano ba Eva nag tatanong ka pa? Panakip butas ka lamang ni Franco sana ay inasahan mo na yan! Agad akong nagtungo sa kwarto ko at binalot ang aking mga gamit. Kung palagi siyang ganito ay mabuti nang layasan ko na siya! Pumara ako ng taxi at nagpahatid na ng club. Iyon na lamang ang tanging lugar na mapupuntahan kong bukas pa ngayon. Inoff ko ang aking cellphone at pinakalma ang sarili. Dahil sa unti unti kong pagkahulog kay Franco ay nawala sa aking sarili na hindi dapat ako naniniwa

