Chapter 31 Nang umalis si Crismafel ay hindi mapakali si Leon. Paano kung hindi na bumalik ang dalaga dahil sa masasakit na sinabi niya kay Crismafel. Ngunit gusto niya lang naman na maging matatag ito at baguhin ni Crisamfel ang sarili. Gusto ni Leon na ma-realize ni Crismafel na hindi niya dapat pairalin ang katangahan niya. Tumayo si Leon at palakad-lakad sa opisina niya. Nagkamali ba siya ng desisyon na hindi kaagad tinanggap si Crismafel na bumalik sa trabaho nito? Ngunit gusto niya itong bigyan ng leksyon na hindi dapat magpadalos-dalos ng desisyon. Sa ganoong pag-iisip si Leon ng bumukas ang pinto ng opisna niya at iniluwa si Reagan. “Morning,’’ bati ni Reagan sa kaniya. Napahinto sa paglakad at tumingin kay Reagan. “Crismfel, just left,’’ walang paligoy-ligoy niyang sabi ka

