Chapter 20 Nang naroon na silang lahat sa resort ay agad naman pinuntahan ni Joy si Crismafel para kamustahin ito. ''Kumusta ang pakiramdam mo, Cris?'' ''Okay, lang. Hmm! Ang sarap ng simoy ng dagat,'' aniya at napapasinghot siya sa sariwang hangin nanggaling sa karagatan. Napapikit siya ng kaniyang mga mata. ''Guys, saan niyo gusto mag-stay mamayang gabi? Mayroon cottage dito, kaya doon tayo magpupulong at sabay na kakain. Ang tulugan ninyo ay bahala kayo kung saan niyo gusto. May room naman sila dito at mayroon din silang tent. Mamili na lang kayo at ang kompanya na ang bahala,'' anunsyo ni Leon at lumakad na ito sa cottage na pina-reserve niya. Hindi naman marami ang tao, kaya maluwag ang resort. Sumunod naman ang lahat kay Leon at naupo sila sa malaking cottage na naroon. Nakahand

