Chapter 23 ''Hubarin mo 'yang sapatos mo para matingnan kung namamaga ang paa mo,'' utos ni Leon kay Crismafel nang makababa na sila sa bundok. Naglatag ng tent si Leon para may masilungan silang dalawa. ''Ayaw ko, huwag ka lumapit sa akin. Magkakaroon ako ng sakit sa puso kapag lumalapit ka sa akin. Saka may kasalanan ka pa sa akin, Sir!'' nakasimangot na tanggi ni Crismafel kay Leon. Para kasing may kabayo na may tumatakbo sa puso niya kapag malapit si Leon sa kaniya. ''Bahala ka nga sa buhay mo ang dami mo arte,'' pikon na sabi ni Leon kay Crismafel at lumayo siya sa dalaga. Nang makalayo na si Leon sa dalaga ay dumahan-dahan naman sa pagtibok ang puso ni Crismafel. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman niya kapag malapit si Leon sa kaniya. Sumapit ang hapon ay

