Chapter 39 Hinatid ni Leon si Crismafel sa bahay nito at sinabi niya sa pamilya ni Crismafel ang tungkol sa pagpapakasal nila. “Tito, Tita, gusto ko sana hilingin ang kamay ni Crismafel sa inyo,’’ seryosong sabi ni Leon sa mga ito. Nakaupo sila sa sofa habang nag-uusap-usap. Nanlaki ang mga mata ni Crismafel nang marinig ang pahayag ni Leon sa sinabi nito sa kaniyang tiyahin at tiyuhin. “Teka, Mahal kong Lion King. Sino ang matinong tao na hihingiin ang kamay ko? Huwag kang patay gutom sa kamay oy! Hindi pa ba sapat ang kamay mo at pati ang kamay ko gusto mo hingiin kina Tito at Tita?’’ “Ay, Tanga!” wala sa sariling bulas ni Aling Tessy sa sinabi ng kaniyang pamangkin. “Ang ibig sabihin ni Leon, Crismafel, ay gusto niyang hilingin ang kamay-“ Natigil ang sasabihin ni Aling Tessy kay

