Chapter 12 ANALYN MAE POV MATAPOS KUNG ASIKASUHIN ang alaga ko ay bumaba na ako saka pumunta sa kusina para makipag-usap kina manang at ate's Pagdating doon ay nakita kung kumakain na sila ng hapunan at inaya nila ako ngunit tumanggi ako. " Ayan na naman siya. Hindi na naman kakain. Kapag ikaw nagkasakit palalayasin kana ni sir dito." Pananakot sakin ni ate Isay. Ngumiti naman ako sa kanya saka naupo sa bakanteng upuan. Natatakot ako mawalan ng trabaho pero hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko. Kapag gutom naman ako ay kumakain talaga ako. Syempre mahirap ng mawalan ng trabaho lalo na kung malaki ang sahod. " Ate, hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko. Kumakain naman po ako." Pangangatwiran ko sa kanya. Umismid naman siya sakin na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. " Die

