Chapter 15 ANALYN MAE POV HINDI PA AKO TULUYAN nakarating sa kusina ay tumunog agad ang cellphone ko sa bulsa at tumatawag na agad ang tiyahin ko. Alam niya kasing sahod ko ngayun kaya tumatawag na. " Hello?" Sagot ko sa tawag habang nasa hagdanan ako. " Hi ate, pinapasabi ni mama yung pera daw po." Si Maya, ang bunsong anak ni ante Marites. Napahugot naman ako ng hininga. Ayaw ko man magsinungaling pero kailangan dahil naiinis ako. Ang bilis talaga nila kapag sahuran. Hindi manlang nila pinapalagpas ng isang araw para madama ko pa ang sahod ko. " Wala pa, Maya. Mamaya pa kami sa sahod." Sabi ko sa pinsan ko. 10 year old palang ito at maldita rin kagaya ng iba niyang kapatid. Ewan kung bakit siya mabait ngayun. " Gano'n po ba? Sige sabihin ko kay mama bye ate." Aniya saka mabilis

